Ano naman kaya ang mangyayari sa akin ngayon? Pang-limang araw na akong slave ni Achilles.
At kahit isa sa mga nalista kong plano,ni isa wala pa akong nasisimulan.
Nakakapanggigil.
At sa bawat araw na kasama ko siya mas lalo niya akong pinapahirapan.
Wala talaga siyang puso!
Lalo pa ngayon at siya ang Academy Student President.
Makuha ko lang ang kwintas ko, solve na ang problema ko.
At isa na lang sana ang aalahanin ko, ang mapabagsak ang isang Achilles Tymon Harris.
Sabado ngayon at maaga akong pinapupunta ni Achilles sa bahay niya.
Buwisit! Dapat may day off din ako!
Pagdating ko sa tapat ng bahay niya ay nakita ko siyang inaabangan ako.
Lumapit sa akin si Achilles at pinayungan ako.
Aba himala ata ito1 Kailangan kong magpamisa!
"Anong nakain mo at pinapayungan mo ako?"tanong ko.
Napangiti lang siya.
Ang cute niya!
Ayt! Erase Erase! Pangit siya pangit!
Medyo mahabang lakarin din bago makarating sa mismong pinto ng bahay niya.
"Ayoko kasi mangitim ka. HIndi bagay sayo ang maitim na balat lalo ka lang pumapangit."saad nito.
"Hoy! May magaganda namang maitim ah!"
kumukulo na ang dugo ko sa lalaking ito. Agang-aga gusto ako pahigh-bloodin.
"May maganda nga kaso ikaw,"tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at paa hanggang ulo. "Hindi bagay sayo."
Hindi ko na siya sinagot.
Nakakbuwisit lang.
"Ano na naman ang ipapagawa mo? Wala na ba iyang katapusan?"nanggigigil kong sabi.
"Ano ba talaga kayo ni Nathanael? Lagi ko kayo nakikitang magkasama."saad nito.
Obvious ba? Magpinsan kami. Hindi kasi nagiisip.
"Mahal kasi namin ang isa't isa."sagot ko na lang.
"What?"tanong niya.
"Eh ano bang pakialam mo eh sa close kami. Mabait kasi si Nathanael hindi katulad mo!"sagot ko.
"You're mine.."
Ano daw?
"You're mine.."ulit ni Achilles.
"I'm not yours!"sagot ko.
"Sa akin nga habang slave kita kaya huwag na huwag kang lalandi sa iba. Naintindihan mo?"maawtoridad na sabi nito.
"Whatever!"
Natahimik na lang kaming dalawa.
“Iyan lang ba ang sasabihin mo kaya mo ako pinapunta dito?”tanong ko.
“Oo.”sagot nito.
Kaasar!
"Nasaan ang necklace ko?"tanong ko.
"Sa bulsa ko. HUwag kang magalala hindi ito mawawala sa akin."saad nito.
Bulsa? Kailangan ko na iyon makita bago pa niya malaman kung sino talaga ako.
"Labas tayo. Boring dito."sabi nito. Naglakad na kami palabas ng Glitterati ville at nagpunta kami sa academy garden.
“AT bakit naman ako sasama sayo?”tanong ko.
“I’m the boss!”sagot nito.
Hindi na ako umimik pa sa sinabi niya.
For now, yes he’s the boss. Now lang.
"Anong tinitingin-tingin mo?"pansin nito.
"Ang pangit mo pala sa malapitan."sagot ko.
Ang totoo, iniisip ko kung paano ko kukunin ang necklace ko sa bulsa niya.
"Ako pangit? Mas pangit ka!"sigaw nito.
Aish! Napaka ulaga ng lalaking ito.
Ang ganda ko kaya!
Half japanese ako kaya may magaganda akong features noh!
"Mukha ka ngang aso!"saad ko.
Umupo kami sa may damuhan.
"Ikaw mukha kang rabbit."saad nito na hindi tumitingin sa akin.
"Ganoon ako ka-cute?"tanong ko.
"Sino namang nagsabi sayong cute ka?"harap nito sa akin.
Nag pout naman ako. "Cute ko kaya!"
“Cute? Ikaw? Managinip ka!”saad nito.
Aba! Ang kapal!
“Sorry hindi ako nananaginip.”sagot ko naman.
Bigla kaming napatayo ng may pumalakpak ng malakas.
“Bravo! Nakakatuwa kayong panoodin! Pwede ng pang teleserye.”saad ni Aaron.
“Aaron?”saad ko.
“Wow. Kilala mo ako.”saad nito.
Sino bang hindi makakakilala sa mga glitterati boys? Hello.
“Kamusta naman ang mga lalaking nakalaban mo kanina? Mukhang sisiw lang sayo ah.”sabi ko.
“Paano mo nalaman na nakipalaban siya kanina?”tanong sa akin ni Achilles.
“Nandoon ako kanina. Doon ako sa kantong iyon dumaan eh.”sagot ko.
“Ikaw ang babaeng nakahood kanina na tumulong sa akin sa mga lalaking iyon?”nagtatakang tanong nito.
“Well, hindi ako iyon ah.”Sagot ko agad.
“Pero pagkatapos ko makipaglaban wala ng ibang dumaan doon maliban nga sa babaeng nakahood.”saad ni Aaron.
Gangster talaga itong si Aaron.
Nilapitan ko siya ng bahagya at nilakhan ng mata.
Siguro naman gets niya na iyon.
“Alright. Hindi ikaw iyon.”napakamot na lang sa batok ito.
Kanina nga napadaan ako sa kanto ng mga under society at nakita kong nakikipaglaban si Aaron kasama si Ares sa mga lalaking mukhang mamamatay tao talaga. Nang mahimatay si Ares na napukpok ng kahoy sa ulo ay hindi ko na napigilan ang sarili kong tulungan si Aaron.
Hindi naman ako gangster. Maalam lang talaga akong makipaglaban. Sapakan pa iyan, wrestling o sipaan. Kayang kaya ko.
At tama si Aaron, ako nga iyon. Kaya lang hindi dapata malaman ni Achilles. Ayoko lang malaman niya kasi sa pagdami ng alam niya mas makikilala niya ako na ayoko naman mangyari.
“I’ll talk to you.”bulong sa akin ni Aaron. Buti naman na gets niya ang senyas na iyon.
Umalis na ito.
“Nagpapatawa ba ang lalaking iyon? Ikaw na patpatin makikipagsapakan sa mga under society gangster?”natatawang saad ni Achilles. Binatukan ko nga.
“Ge tawa pa. Mabilaukan ka sana ng laway mo!”sigaw ko.
“Hoy ako ang boss kaya huwag mo akong sisigawan!”sigaw niya.
“Okay po. Sorry. Sorry.”sarkastikong sabi ko.
“Aalis na muna ako.”saad nito.
“Saan ka pupunta?”tanong ko.
“Wala kang pakialam. Slave lang kita.”sagot nito.
Tumahimik ako.
“Ang sama-sama mo. Akala mo kung sino ka.”naiiyak kong sabi.
Natahimik naman ito.
Lumapit ako sa kanya at pinaghahampas siya.
“Ang sama-sama mo! Ang sama-sama mo!”sabi ko habang umiiyak ako.
Niyakap niya ako bigla at inalo-alo.
“Huwag ka na nga umiyak. Alam mo bang pumapangit ang mga babaeng umiiyak sa harap ng lalaki?”saad nito habang pinapakalma ako.
Ako naman sinisimulan ko ng dukutin sa bulsa ng jacket niya ang necklace ko. Konti na lang.
Konting...konti na lang.
“Anong dinudukot mo ha?”biglang seryoso ni Achilles.
Sayang! Yun na iyon eh!
“Wala noh? Ano namang dudukutin ko sayo? May pera ako noh! Ang sama mo!”sabi ko na lang. Tumakbo na ako palayo kay Achilles.
Sayang hindi ko na kuha!
Malayo layo din ang tinakbo ko ah.
“Pst!”
Lumingon ako sa likuran ko.
“Pst!”
Lingon sa kaliwa.
Wala naman.
“Pst!”
Lingon sa kanan.
“Pst!”
“Ano ba? Hindi PST ang pangalan ko! Buwisit!”sigaw ko. Nakakairita. Malamang si Achilles na ulol na iyon ang sitsit ng sitsit sa akin.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
“AH—“irit ko sana ng biglang takpan ang bibig ko.
“SHh,, huwag kang maingay. We need to talk.”bulong ni Aaron?
Binitawan niya ako at hinarap ko siya.
“Aaron?”tanong ko.
“Sa tingin ko mas maganda na magusap na lang tayo sa loob ng bahay ko. Let’s go.”hinila na niya ako.
Okay. Magpapahila na lang ako kaysa makalaban ang isang under society heir. Katakot sila makalaban.
Nang makarating at makapasok na kami sa bahay ay tinulak niya ako sa may dingding ng bahay niya.
Hindi na ako makapagsalita. Natatakot ako.
“Sino ka ba talaga? Pamilyar yang mukha mo sa akin.”tanong nito habang tinititigan ang mukha ko.
“Tha-Thalia.Thalia Andromeda Walker.”pakilala ko.
Oo nga pala hindi pa nila ako kilala.
>____< Scary naman oh! Badtreeeep!
Palapit na ng palapit ang mukha niya sa akin!!!
Noooooo! Virgin pa ako!!!
Napapikit na lang ako.
“I remember now. Ikaw ang babae sa Summer camp sa Argentina. Ikaw yung tumulong sa amin ni Leui nung napaaway kami sa grupo nina James.”saad nito. Napamulat ako.
Malayo na siya sa akin at umupo ito sa may sofa ng salas. Nakahinga na ako ng maluwag.
“Masaya akong nagkita ulit tayo.”nakangiting sabi nito.
Grabe ngayon ko lang siya nakitang ngumiti mula kanina.
“Gwapo ka naman dapat lagi kang ngumingiti.”nakangiting saad ko.
“Talaga? AT dahil sa sinabi mo we need to go out often.”sabi nito.
“Ha?”
“May utang ako sayo dahil dalawang beses mo na ako tinulungan makipaglaban. Kaya babawi ako sayo. May-ari ako ng isang firing range dito sa academy malapit sa kanto ng under society.”sabi nito.
“Anong gagawin ko doon?”tanong ko.
“Tuturuan kita humawak ng baril.Deal?”abot ng kamay nito sa akin.
Firing range?
Pangarap ko iyon. Ang humawak ng baril.
“Deal! Kailan tayo magsisimula?”abot ko sa kamay niya.
Excited na ako!
Bata pa ako ng nangarap na ako humawak ng baril. Simula ng mabaril si dad ay naisipan kong gumanti pero bata pa ako noon kaya hindi ko pa kaya.
“Pwede mo na bitawan ang kamay ko,Thalia.”biglang sabi ni Aaron.
Oo nga pala hawak-hawak ko pa. Binitawan ko na.
“Tuwing gabi lang kita matuturuan. Anytime pwede na tayo magsimula. Para din ito sa self defense mo.”sagot nito.
“Yes! Heheh pangarap ko talaga makahawak ng baril at matutong magpaputok nito. Hulog ka ng langit Aaron!”masayang sabi ko.
Napangiti naman ito. Wow! Ang hot niyang ngumiti.
“Here’s my number.”abot nito sa akin ng isang maliit na papel. “Tawagan o itext mo ko kung may kailangan ka.”
“Salamat ha.”
“Wala iyon.”
“Ngayon na kaya? Kahit ipakita mo lang sa akin yung lugar. Please?”
Napaisip ito.
“Maaga pa. Pero sige ipapakita ko sayo. Ngayon kumain muna tayo.”tumayo na ito at tumungo sa kusina. Sumunod naman ako.
“Pwede makikain? Sorry ha feeling close ako.”sabi ko.
“Pagkakain natin saka pa tayo pupunta sa firing range ko.”saad nito. “Pero wait lang ha, magluluto lang ako para sayo.”
“Tulungan na kita?”
“Huwag na.”
“Please! Hindi mo ba hahayaan na tumulong ang isang cute na katulad ko?”
Tumingin siya sa akin ng nakakaloko.
“Hindi ka cute. Maganda ka.”sabi nito.
Mukha namang seryoso ito sa sinabi niya.
Natutuwa ako!! Siya lang sa araw nito ang nagsabi sa akin ng maganda ako!
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.
Sorry, feeling close ba?
“Nakakatouch ka talaga Aaron!”sabi ko.
“Ehem. Magluluto pa ako.”sabi nito.
Natawa naman ako.
Lumayo ako ng konti kay Aaron.
Naggagayat na ito ng mga ingredients.
Tumulong naman ako sa pagtatadtad ng karne.
“Sino ba nagsabi sayong hindi ka cute o maganda?”biglang tanong nito.
“Hay naku, sino pa ba eh di ang demonyo mong kaibigan na si Achilles. Tsk! Pangit daw ako. Pwes mas pangit siya.”sagot ko.
Natatawa naman ito.
“Don’t mind him. Hindi pa kasi iyon nakakapag girlfriend kaya hindi maalam tumingin ng maganda.”sabi nito.
“Siguro nga.Ayoko siyang pagusapan.”sabi ko.
“Sorry pero na-curious lang ako. Paano kayo nagkakilala?”tanong nito.
Sasabihin ko ba ang totoo sa kanya?
Pero friends sila at kami feeling close lang.
“Sa museum nung history class. Natapunan ko siya ng juice tapos nakuha niya ang pinakamahalagang kwintas ko.Kaya heto ako ngayon slave niya for 3 months.”
“Need help?”
“Gusto ko kunin ang kwintas. Matutulungan mo ako?”
“Sige. Sa isang kondisyon,”
“Ano ba naman iyan lahat na lang may ganyan?”
“Hoy madali lang naman ang sa akin.”
“Ano?”
Grabe ang glitterati boys ha! Laging may kapalit talaga?
“Kain tayo sa labas sa birthday ko. Gusto ko lang may kasama sa araw na iyon. Para maiba naman.”nakangiting sabi nito.
“Yun lang pala eh. Kailan ba iyan?”
“Sa next month pa naman.”
“Alright! Basta ha tutulungan mo ako. You owe me one!”Sabi ko.
“I know.”
Pagkaluto ni Aaron ay kumain na kami.
Madami-dami din kaming napagusapan.
Magaan naman pala kausap ang gangster ng Glitterati boys.
Akala ko nung una, hot headed ito katulad ni Ares pero hindi naman.
Gentleman nga eh.
Ang bait-bait niya.
Sarap pa magluto.
“Nasarapan ka ba?”tanong nito. Sa ngayon ay naghuhugas ito ng pinagkainan namin. Nakapang apron pa nga eh. Ang cute!!!
“Oo naman. Feeling ko nga nasa langit na ako eh. May future ka na mag chef!”
“Chef? Imposible. Tagapagmana ako ng under society kaya hindi iyan mangyayari.”
“Ano ka ba? Habang may pangarap may posibilidad na makamtan mo ang pangarap na iyon.Daig mo nga ako. Hindi ako maalam magluto.”saad ko.
“Si Gabriel nga pala ang naturo sa akin magluto. Siya ang may pangarap na maging chef.”sabi ni Aaron.
“Wow,singer din siya di ba?”tanong ko.
“Oo.. Talented iyon masyado.”
“Nasaan siya?”
“London. Pero babalik din siya dito sa academy baka this weekdays.”
Gabriel. He is the only glitterati boys who I don’t barely know. Hindi ko pa siya nakikita at nakakasalubong man lang. They said that he is one of the talented boys in the group. He is the vocalist of the Voices of the Academy. Iyon lang ang alam ko at ngayon nga nalaman ko pa na hilig at pangarap niyang maging cook.
“Pagdating niya ipapakilala kita sa kanya para siya naman ang magturo sayo kung paano magluto.”saad ni Aaron.
Tumango na lang ako. Pagkahugas niya ng pinagkainan namin ay tumungo na kami sa kanyang firing range.
Malawak ito at may private area kung saan personal na nagfa-firing range siya.
Excited na ako!
BINABASA MO ANG
Inheritors Academy
FanficDear Young Inheritors, Welcome to Inheritors Academy! Do you have always felt apart, different, as though you didn't belong in the society? You attend in a prestigious academy, and found a place where you could live wasting your money and wasting...