Kinagabihan, hindi ko sinasadyang makarinig ng isang usapan ng iba. Promise!
Promise hindi ko talaga sinasadya.
Napadaan lang ako sa academy garden dahil pauwi na ako mula sa firing range ni Aaron. Hindi na kasi ako nagpahatid. Mukha namang kampante si Aaron na umuwi ako mag-isa.
Sa tingin ko nga super close na kami ni Aaron. Para kaming mag-kuya. ^_____^
“Look, I’m sorry.” Rinig kong sabi ng lalaki.
Hindi ko maaninag ang mga mukha nila. Medyo nasa madilim silang parte ng garden.
Hinid naman ako makadaan dahil masisira ko ang momentum nila kaya nagtago muna ako sa may damuhan.
“Sorry? Ganun-ganun lang iyon?”sagot naman nung babae.
“Wala akong iba. Ikaw lang. Kaya huwag ka naman maniwala sa iba na nakikita nila akong may kasama.”
“Please stop lying. Mas nasasaktan lang ako!”sigaw nung babae. Sa tingin ko sa boses ng babae ay naiyak na ito.
“Totoo iyon. Maniwala ka sa akin.”lumapit ang lalaki sa babae at hinawakan nito ang mga kamay ng dalaga.
Para akong nanonood ng live drama nito..
Umiling-iling ang babae.
“Please babe.”
“Nung una palang nahihirapan na ako. Hindi ako bagay sayo. I’m sorry.”
“Hindi kita titigilan hanggang maging okay lang ulit tayo. Sabihin mo lang sa akin na hindi mo na ako mahal papakawalan na kita.”
Natahimik sila.
Lumayo ang babae sa lalaki, “I’m sorry, Eros. Hindi na kita mahal.” Umiiyak na sabi nito saka nito iniwan ang lalaki.
Eros? The son of Mr. Bellona, the heir of a textile company is one of the bad boy of glitterati boys,broken hearted na?!
OMG! Malaking issue ito.
Sandali, bad boy ito ah bakit, bakit ito umiiyak?
Akala ko aalis na ito kaya tumayo na ako mula sa pagkakadapa sa damuhan kaya lang bigla itong lumingon sa likod nito at nakita ako.
Napataas ako ng kamay ng hindi oras. Ewan ko ba.
“Sorry hindi ko naman sinasadya na marinig ang usapan niyo.”saad ko. Patay!
He’s scary!
Ang sama niya tumingin.
Hindi ko naman talaga sinasadya eh!
Bigla niya inilabas ang isang kwintas.
Eh? Akala ko baril o panaksak na gagamitin niya para patahimikin na ako habang buhay.
“Sandali, sayo ba ito?”
Ang kwintas ko!
“Akin iyan!”kinuha ko ang kwintas ko.
Parang baliwala lang dito na may narinig ako pero okay na din iyon. Bitter pa siya eh.
Sandali,Ibigsabihin nahulog dito ni Achilles ang kwintas ko?
Ang ulol talaga ng lalaking iyon. Huh! Sa wakas!
Tinignan ko agad ang laman ng kwintas ko.
O________O Oh no! Wala ang memory card ko!
Umalis na si Eros.
Hindi ako umuwi. Hinanap ko magdamag ang memory card na maaaring nahulog lang din dito sa garden.
“Please pakita ka na naman oh.”bulong ko.
Unting-unti ng tumulo ang mga luha ko.
Kinabukas ay hindi na ako pumasok.
Wala na akong gana.
“Hindi ka ba papasok?”tanong sa akin ni Ariadne.
“Hindi.”sagot ko sabay taklob ng kumot sa mukha ko.
Wala ako sa mood. Ano ng gagawin ko? Nawawala ang memory card ko!
Bumalik ako sa garden.
Ngayon ay madami ng tao doon dahil umaga na at may klase ang ilan.
Hinanap ko pa din ang memory card ko.
“Anong hinahanap mo?”tanong ni Aaron sa akin.
“Aaron? Wala ka bang klase?”sagot ko.
“Meron. Papunta pa lang ako.”saad nito.
“Ah sige. Bye!”saad ko na lang habang sinisilip ang ila-ilalim ng mga upuan sa garden.
“Gusto mo hindi na ako pumasok? Tulungan na lang kita.”saad nito.
“Huwag na. Salamat na lang. Kaya ko itong hanapin ng mag-isa.”sagot ko.
“Sigurado ka ha? Sige alis na ako.”paalam nito.
Hindi na ako sumagot bagkus ay kumaway na lang ako.
Kahit saang sulok ko tignan,walang memory card akong nakuha.
Nakakainis! Okay na sana eh.
Kasalanan ng Achilles na iyon ito eh!
“Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang mga nakikinig sa usapan ng iba.”biglang lapit sa akin ni Eros.
Oh..Oh...
Napatayo ako ng ayos at napataas ang kamay ko.
“Sorry. Sorry. Hindi ko naman kasi sinasadya.”saad ko.
Tinitignan niya ako na para bang gusto niya akong patayin!
Oh no! Hindi pa pwede! Bata pa po ako!
"Tutulungan mo akong maintindihan ang ex ko kung bakit nasabi niya ang mga salitang iyon. Naintindihan mo? bilang kapalit ng pakikinig mo sa amin kagabi."sabi nito.
Ha? ANo daw?
"ANo? Hindi ko maintindihan."sabi ko.
Lumayo ito sa akin ng bahagya.
"I want you to help me na maintindihan ang babaeng iyon. Babae ka kaya alam mo. Isa pa may kasalanan ka sa akin."sabi nito.
Gets ko na.
"Eh pwede bang mamaya na lang? Kasi may hinahanap pa ako."saad ko.
Lumapit na naman ito kaya lumayo ako.
"Memory card ba? Heto oh. Nakita ko iyan bago kami magusap ng ex ko."abot nito sa akin ng memory card ko.
Akin nga ito! AKo lang naman ang may memory card na ganito ka-cute ang kulay eh, pink.
"Wow! Wait lang titignan ko lang kung nandito pa ang laman."saad ko.
Kinuha ko ang phone ko at sinaksak ang memory card dito.
Holah! Kompleto pa lahat ng files!
Napangiti na lang ako. Pagtingin ko sa kaharap ko ay nakapamaywang ito.
"Ngingiti ka na lang ba diyan o tutulungan mo na lang ako?"mataray nitong sabi.
Tumango na lang ako.
Katulad ng inaasahan dinala ako nito sa isang restaurant kung saan ay may private room.
Oh mga isip niyo madumi. Pakilinis!
Nandito kami to discuss some matters about his ex-girlfriend.
Bobo ba ito o hindi lang talaga makaintindi ng sinabi ng babaeng iyon?
"Bakit ba hindi mo maintindihan ang sinabi niya? Na hindi siya bagay sayo at hindi ka na niya mahal,Eros?"tanong ko.
"Naiintindihan ko iyon kaya lang, I'm Eros, son of Mr. Bellona, the heir of a textile company. Mayaman,gwapo at nasa akin na ang lahat. Ano pang hahanapin niya sa akin?"saad nito.
"Sometimes, we just have to accept that the one we like doesn't like us back."sagot ko.
"Eh bakit nga? ANo pang hahanapin niya sa akin?" pasigaw na sabi nito.
"Hindi ako bingi."saad ko. "it's time to move on to the other fish in the sea--there are plenty of them. At tsaka sabi mo nga na sayo na ang lahat."
"Siya ang gusto ko at masakit na hindi niya ako gusto. ANo iyong pinagsamahan namin? Lokohan? Seneryoso ko siya sa lahat ng babae tapos ganito isusukli niya sa akin?"iritang-irita ang tonong ginamit ni Eros.
"As much as it hurts, you have to face the reality that she's just not that into you then move on."sagot ko.
"Tsk! HIndi mo kasi alam ang pakiramdam ng ganito."saad nito saka sumandal sa upuan.
"Alam ko. He's not just into me. At may mga steps akong ginawa para kahit papaano maka-move on ako."sabi ko.
I'm talking about Leui. I like him. Binalikan ko naman siya sa Argentina pero wala na siya doon.
Hindi niya ako nahintay.
"Ano na?"basag ni Eros sa iniisip ko.
"Be honest with yourself. The good way to cope with the pain is to not lie to yourself like you don't care at all."saad ko. SUmandal na din ako sa upuan.
Nakakangalay kaya.
"I'm honest.Ano pa?"mataray nitong sabi.
Naku kukutusan ko na ito mamaya.
Mas okay pa si Aaron kaysa dito.
"Don't call her first, text her sometimes if you don't want to lose contact at all. Whatever you are trying, Play it cool. Para naman hindi niya masabi o maisip na naghahabol ka. Sama kaya tignan."saad ko.
"Then?"
"DO some test. Yung hayaan mo siya ang maghabol sayo. After doing some tests and you can't deny that she really doesn't like you, it's time to cope with the pain.MOVE ON na dre!"saad ko.
"Tapos?"
"Move On. Look at other girls. You will see that the one that breaks your heart isn't even that hot or that cool.Pero huwag ka agad papasok sa isang relationship kasi baka mahirapan ka na naman makalabas."
"Okay. Then?"
"Iyon lang."saad ko. Wala na ako maisip eh.
Ano pang sasabihin ko?
"Oo nga pala. Para hindi ka magmukhang mahina Don't let the world know your loss. And don't get drunk and call her, at huwag kang magsasabi ng masasama about your ex. bad iyon."dagdag ko.
"Anong gagawin ko? Kapag uminom ako ng alak makakalimutan ko lahat ng paalala mo."saad nito.
"Eh di huwag kang uminom. Problema ba iyon?Psh."saad ko.
"Alam mo wala kang kwentang magbigay ng payo."saad nito.
"Tsk. Ikaw ang humingi nito kaya magtiis ka."saad ko.
Isip. Isip.
"Alam ko na. Take a deep breath!"saad ko.
"What?"saad niya ng tinitigan ko lang siya. "Fine!"
He took a deep breath. Hmmm... Amoy close up! Nyahahha.
"Then, Cry! It may sound silly, Sabi nga ng ate ko 'crying your eyes out for a few minutes may help you get over it in the longer term'."saad ko.
"Nagawa ko na iyan kagabi."
"Distract yourself! Paka-busy ka."
"I'm trying to do that last night pero kapag pumipikit ako siya lang ang nakikita ko."saad nito.
Aww.. May ganito palang side ang isang bad boy ng glitterati boys.
"I think I know what I need to do."nakangiti ng nakakaloko itong si Eros.
Ano kaya iyon?
Tumayo ito bigla at hinila ako palabas ng room.
"Kapag namiss ka ng taong gusto mo,tatawagan ka niya o magtetext siya. Kapag gusto ka niya,sasabihin niya. Kapag nagaalala siya, ipapakita niya iyon. Pero kung hindi. HIndi siya karapatdapat sa oras mo at sayo."biglang sabi nito.
Improving!
"Oh pwede ng pang status sa facebook iyan!"biro ko.
"Kaya kung hindi siya para sa akin. Magpapakasaya na lang ako kasama ang iba. AT ikaw ang gusto kong kasama ngayon."saad nito.
"HUwaaat? No way!"angal ko.
"Bakit may boyfriend ka ba?"tanong nito.
"Wala."sagot ko.
"Iyon naman pala eh.Tulungan mo lang ako makalimutan siya okay na. Iyon lang ang gagawin mo."saad nito.
"Okay pero may golden rule tayo. Hindi ka maiinlove sa akin!"saad ko.
"Asa ka naman na mainlove ako sayo. Makikipag date ako. Samahan mo ako."saad nito.
"Ano ako chaperone?"saad ko.
"Samahan mo ako mamili ng susuotin ko."saad nito.
"Ahhhhh iyon naman pala eh. Mabuti at klaro. Leggo!"saad ko.
Nagpunta kaming mall.
Ang saya-saya nasa akin na ang aking kwintas at ang memory card ko meaning hindi na ako slave ni Achilles.
BUwahahahahahaahha!
"Tinext ko siya kanina kaya lang hindi siya sumagot. Last text ko na iyon sa kanya."biglang iba na naman ng topic. Nu be yen?
"Nagtext ka,hindi sumagot. Isa lang ibig sabihin niyan. Nahimatay na siya sa sobrang excited na makita ang text mo."saad ko.
"Really?"
"Joke lang syempre. Baka ayaw lang talaga niya sayo."
"Tsk."
Nagpunta kami sa isang mall.
Pumasok kami sa isang store ng damit.
"Sir Eros. Good morning meron kaming mga bagong styles ng damit. Oh is this your girlfriend?"salubong sa amin ng isang matandang babae.
"Girlfriend? Siya?"sagot nito.
Ngiting-ngiti naman ito.
-________-
"Hindi niya po ako girlfriend."sagot ko.
"Ganoon ba? Bagay pa naman kayo,hija."saad ng matandang babae.
"Anong magandang tie? This one or this one?"tanong ni Eros.
May hawak itong neckties ang isa ay polka dot na black and white ang kulay at ang isa naman ay plain grey.
"'Yung plain gray nalang para kahit saang damit terno siya."sagot ko.
"Okay."saad nito.
Nakailang sukat naman ito ng coats and pants.
"Eros punta lang akong wash room."paalam ko.
"Ge. Balik ka na lang agad. Dalian mo. Hindi ako aalis dito hanggang wala ka."saad nito.
TUmango na lang ako at lumabas ng store.
I need to go in the wash room.
Grabe ihing-ihi na ako.
Naglalakad ako ng mabilis ng may humawak sa aking braso.
Achilles? O___O
"Nakuha mo na ang kwintas? Tama ba ako?"tanong nito. Nakakatakot siyang tignan.
He looks like a monster to me.
"Sinadya kong ihulog iyon doon ng araw na iyon para kalimutan ang nalaman ko pero hindi ko kaya."saad ni Achilles.
Napatango na lang ako.
HIndi niya pa ako binibitawan. Ang sakit pa naman ng hawak niya.
"Bitawan mo ako. Nasasaktan ako,Achilles."saad ko.
Tinignan niya ang suot kong kwintas.
"Masaya ka na? Hindi na kita slave. Hindi na kita mauutusan, hindi na kita mapahihirapan at higit sa lahat hindi ka na mahihirapan sa pagkuha ng kwintas mo."saad nito.
"Achilles.."
"Kung binabalak mong maghiganti dahil sa kapatid mo. I bet,hindi mo na iyon magagawa. Nahuli na kita."
"ANong sabi mo? Hindi ko maintindihan."
"Nabasa ko lahat ng nasa folder mo sa memory card na nasa kwintas mo."
"Lahat-lahat?"
"Hindi. Sa isang folder lang."
"ANong folder?"
"Yung diary mo." saad nito. "Maghihiganti ka sa akin dahil sa pagkawala ng kapatid mo? NI hindi ko nga alam na wala na siya. Na patay na siya."
"Alam mo naman na pala. Hindi na ako magpapanggap pa sa harapan mo. Kinamumuhian kita. Makita ko lang iyang mukha mo naiinis na ako."saad ko.
"Wala akong kasalanan sa nangyari kay Aphaea.Wala na kami ng nangyari iyon!"
"Pero ikaw ang dahilan kaya niya iyon nagawa! Bitawan mo ko!"
Binitawan na niya ako.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.
Nakakainis!
Hindi ko inaasahan na malalaman niya ng ganitong kaaga.
Pero mabuti na din ito kaysa naman magpapangap akong okay kami.
Mas hindi ko iyon kakayanin.
"Ngayong alam mo na. ANong gagawin mo Achilles?"
Kung akala mo hindi ko itutuloy itong plano ko, nagkakamali ka.
I need another plan. Plan C!
Ngayon alam mo ng kaaway mo ako.
Pagkagaling kong wash room ay bumalik na ako sa store.
"Bakit ngayon ka lang? Gusto mo ba akong bulukin dito?"naiinis na sabi ni Eros.
Kalma Thalia. Hindi siya kaaway. Kaibigan lang siya ng kaaway ko.
"Sorry. Dami kasing tao sa wash room."saad ko.
"OKay. Kain muna tayo. Saan mo gusto chinese restaurant o japanese?"
"Jollibee."sagot ko.
"Tsk! Pambata naman--"
"Ayaw mo di wag. Kumain ka mag-isa."
Naglakad na ako palabas ng store at sumunod naman siya.
"Fine. Sa Jollibee tayo."saad nito.
Ayun nga kumain kami sa Jollibee.
Yummy!
MInsan talaga pampakalma ang mga pagkain dito.
"Mabubusog ka ba diyan sa sundae ice cream, fries, burger at spagetti lang? AYaw mo ng rice o diet ka lang?"tanong ni Eros na mukhang natatawa.
"Oo na matakaw na ako. At hindi ako diet. Ito lang talaga ang gusto kong kainin ngayon."sagot ko.
"Bahala ka. Sabi mo eh."
"Ang paglimot ay posible. Para lang iyang pagbangon sa umaga para pumasok sa eskwela dahil kailangan."saad ko.
"ANong pinagsasabi mo?"tanong nito.
"Nakasalubong ko kanina ang lalaking kinaiinisan ko. At hindi ko makalimutan lahat ng sakit na dulot niya sa akin. Pero kailangan kong gawin ang lahat para maramdaman niya na kaya ko siya."saad ko.
"Siya ba ang ex mo?"
"Excuse me. No boyfriend since birth ako. Atsaka hayaan mo nga ako magopen sayo. Kanina pa na ikaw ang open ng open."saad ko.
"Okay then, ano bang ginawa ng lalaking iyon sayo? Maybe pareho tayo. He's not into you."
"HIndi naman talaga. Iba tayo ng pinagdadaanan. Ako gusto ko makalimot pero hindi pwede. Ikaw gusto mo makamove on at pwedeng pwede iyon."
"Yeah right."
![](https://img.wattpad.com/cover/16856574-288-k500011.jpg)
BINABASA MO ANG
Inheritors Academy
Fiksi PenggemarDear Young Inheritors, Welcome to Inheritors Academy! Do you have always felt apart, different, as though you didn't belong in the society? You attend in a prestigious academy, and found a place where you could live wasting your money and wasting...