G-2

28.4K 496 46
                                    

G-2

KUYOM niya ang mga kamao nang humarap sa binata. 

"Do I have to repeat it again?" matabang pa nitong ani. Mas lalo siyang nainis. 

"Sa guest house ka titira. And please, don't talk to me," aniya pa sabay alis sa harapan nito. 

Agad siyang sumakay sa kanyang kabayo at pinatakbo na ito palabas sa ayenda ni Thad. Pinahiran niya ang kanyang mga luha sa mata. She's so stupid! Ang akala niya'y nakalimutan na niya ang nakaraan. Pero heto siya, umiiyak at parang kahapon lang nangyari ang bagay na iyon. Parang pakiramdam niya'y kasisimula pa lang niya sa stage ng moving on. 

Hindi pa niya nakakalimutan ang binata. Kaya nga hindi siya maka-react ng plastikan sa harapan nito. Talagang hindi niya maiwasan. Gusto man niyang gawin iyon pero sa tuwing nakikita niya si Max? The pain is starting to swell. Like it was crashing her fragile heart.

NANG makabalik siya sa kanyang asyenda ay agad din naman niyang inayos ang kanyang sarili. Hindi siya dapat makita ng mga tauhan niya. 

"Mang Dodong, pakisabi po sa mga katiwala natin, pakilinisan po sana ang guest house," aniya sa mata nang makababa siya sa kanyang kabayo.

"Si Jenny po ba? Umalis na?" usisa niya.

"Ay opo senyorita Grace, kanina pa," sagot naman nito.

Tumango lamang siya at pumasok na sa kanyang bahay. Nasa bukana pa lang siya at hahakbang pa ang kanyang mga paa sa hagdan nang marinig niya ang malakas na serbato mula sa isang sasakyan. Agad niyang nilingon ang kanyang malaking gate. Kumunot ang kanyang noo dahil wala naman siyang inaasahang bisita.

Umurong siya upang makita nang malapitan ang sasakyan. Kulay asul ito na Hyundai Eon. Mas lalong kumunot ang kanyang noo nang makita ang driver ng kotse. It was Max. Wala siya sa sariling napatiim-bagang at agad na napatalikod. 

Sumenyas lang siya kay Mang Dodong na pagbuksan ito ng gate. Agad na pumasok sa utak niya kung paano nito agad natunton ang kanyang asyenda gayong hindi naman ito along the road entrance. 

Wala sa sarili niyang pinaikot ang kanyang mga mata. Parang pakiramdam niya tuloy ay pinaglalaruan siya ng kanyang ate Amanda. Alam nitong hindi siya tatanggi  sa mga kahilingan nito at parang ito pa ang pilit na maglalapit sa kanilang dalawa ni Max.

Well, she's assuming that maybe Amanda and Thad are playing cupid to them. Well, ano pa nga ba ang ibang papasok sa utak niya. Wala na siyang ibang maisip bukod doon. 

Agad niyang tinungo ang kanyang silid. Nang makapasok siya sa kuwarto ay agad din naman niyang natanaw ang lalaki na kalalabas lang ng sasakyan nito. Nakagat niya ang kanyang labi. It's been years passed yet his charisma never changed. Maybe his hair got long but the Max years ago is still the Max she is seeing right now. Ang hindi niya lang matukoy ay kung pati ba ang ugali nito ay nagbago rin kaya. Hindi siya sigurado. Nakuyom niya ang kanyang mga kamao. Para na naman siyang praning sa kaiisip sa binata. Lumalabas lang ang totoo na hanggang ngayon ay devoted pa rin siya sa pagmamahal niya rito kahit pa labis siyang sinaktan ng binata. 

She sighs. Akmang lulubayan niya na sana ng tingin ang binata nang bigla naman itong nag-angat ng ulo at diretsong tumitig sa kanya. Agad siyang napaatras. Bigla siyang kinabahan. Kabang hindi niya pa rin makalimutan na nagdudulot sa kanya ng ibang pakiramdam. At ang binata lang ang dahil kung bakit nakararamdam siya ng ganoon.

Pinilig niya ang kanyang ulo. 

Kinuha niya ang kanyang roba at tuwalya. Naligo siya upang maibsan ang kakaiba niyang nararamdaman sa kanyang sarili. 

Matapos ang ilang minuto niyang pagbabad sa banyo ay napagpasiyahan niya na ang umahon mula sa pagkakalublob sa kanyang bathtub. Kinuha niya ang roba at isinuot ito. Ang tuwalya naman ay itinakip niya sa kanyang ulo habang pinupunasan ang basa niyang buhok. Lumabas siya ng banyo at akmang huhubarin ang kanyang roba nang matigilan siya.

"A-ano..." Napalunok siya nang makita ang binatang nakaupo sa kanyang kama. 

"So this is your room," anito pa habang pinaglalaruan ang kanyang snowball. 

Agad na uminit ang kanyang ulo. Agad siyang lumapit sa binata at inagaw ang hawak nito. She's busted! Ang snowball na hawak kanina ng binata na hawak na niya ngayon ay unang regalo ni Max sa kanya no'ng una nilang Christmas na magkasama. Mahigpit niyang nahawakan ito.

"Anong ginagawa mo rito!? Sino ang nagbigay sa iyo ng pirmiso para pumasok dito!?"

"I ask the maids," simpleng sagot lang din naman nito at para bang balewala sa binata ang paghe-hysterical niya. 

"Ask them? How dare you! Hindi basta magpapapasok ang mga katulong ko nang hindi ko kakilala!" galit niyang saad. 

Max stood up and hide his hands on his pockets.

"I claim as your boyfriend," seryosong sagot nito at umawang ang bibig niya dahil sa kanyang narinig. 

"Wala ka na ba sa sarili mo? Hindi kita nobyo!" singhal niya habang ang kanyang mga kamay ay nanginginig sa matinding galit para sa binata.

Hindi ito kumibo bagkus ay humakbang pa palapit sa kanya. Napaatras din naman siya dahil sa ginawa nitong pagsulong. Napaigtad pa siya nang pader na ang huling lumapat sa kanyang likuran.

"Your scents is still killing me Grace," seryosong bigkas nito. Nanigas ang kanyang leeg at mariing napalunok.

"You still used you favorite shampoo and body soap. It stuck on my nostrils and it gave me a warmth feeling," dagdag pa nito nang tuluyang makalapit sa kanya. Dalawang dangkal na lang ang pagitan ng kanilang mga katawan. 

Panay ang kurap ng kanyang mga mata. Loading ang utak niya dahil naka-focus lang ito sa kanyang harapan. 

"I wonder how it feels again to be next to you, I can't even keep my hands to myself right now," muling sambit nito ngunit pa anas na. Biglang bumigat ang kanyang hininga. 

Nang akmang hahalikan na siya ng binata ay agad siyang napapikit ng mariin. Ilang segundo rin ay ang pagsarado na ng pinto ang huli niyang narinig. Agad siyang napadilat. Wala na ang binata sa kanyang harapan. Diretso siyang bumagsak sa sahig. Nanghina ang tuhod niya dahil sa nangyari. Impit siyang napaungol at kinastigo ang sarili.

"Buang ka Grace! Buang gayud ka! Pastilan ning kinabui-a!" 

SEÑORITA SERIES 2: GRACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon