G-10

21K 362 5
                                    

G-10 

KASALUKUYAN siyang nag-aayos ng kanyang sarili nang biglang may kumatok sa kanyang pinto. 

"Ate Grace! Late na tayo ng five minutes!" sigaw nito sa labas ng kanyang kuwarto. Inayos niya ang kanyang pinakulot na buhok. 

"Palabas na!" sagot naman niya pabalik. 

Kinuha niya ang kanyang black prada purse at agad na lumabas ng kanyang kuwarto. 

"Ganda mo ate!" namamangha pang kumento ni Jenny sa kanya. 

"Maganda ka rin naman Jenny," sagot niya sa dalagita. 

Bumaba na sila sa hagdan. 

Simple lang naman ang suot niya kung tutuusin. Isang white gown with sequence na nagpapakita ng kanyang balat sa likod at sa biak ng kanyang dibdib. Ngunit ang sabi sa kanya ni Jenny ay magpapalit siya ng kanyang gown sa oras na dumating sila sa hotel kung saan gaganapin ang fashion show event. 

Nang makalabas sila ng bahay ay nagulat pa si Grace dahil biglang may itin na Lamborghini Aventador ang huminto sa tapat ng kanyang bahay. Nang lumabas ang driver ng sasakyan ay laking gulat nitong nang makita niya kung sino ang nagmamay-ari ng magarang sasakyan. It was Max. 

"Ay bongga si kuya Max sa entrance," bulalas pa ni Jenny na nasa kanyang tabi. 

Max wear a black tuxedo at hindi mahuhuli ang porma ng pananamit nito sa kanila dahil talagang bumagay ito sa kanyang suot na gown. Ang mahabang buhok pa nito'y nakatali at halatang pinaayos din sa salon.

"Shall we?" Napakurap si Grace at bumalik sa kanyang huwisyo. Damn! 

"Kita tayo sa hotel ate, paalam pa ni Jenny at sumakay na rin sa sundo nito." 

Nakagat niya ang labi. At talagang tinotoo ng lalaki ang pag-e-escort nito sa kanya. Mariin siyang napapikit at humakbang na palapit kay Max. He offered his left hand but she refuses. Diretso siyang sumakay sa loob ng kotse at sa labas ng bintana itinuon ang kanyang atensyon. Narinig niya ang pagsara ng pinto sa gawi ng lalaki at ang pagkabig ng manibela nito. 

HABANG nasa biyahe ay wala silang imikan. At kuntento siyang ganoon na lang sana lagi. Sinapo niya ang kanyang kuwintas na bigay ni Max at pinaglaruan ito. 

"It fits you," anito dahilan para hapyawan niya ito ng tingin. 

"Pinilit mo lang ako," sagot niya at muling ibinaling ang mga mata sa labas ng bintana. 

"I don't," tanggi pa nito dahilan para mapairap siya. 

"Huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan sa event mamaya. Hinding-hindi kita mapapatawad kapag sinira mo ang araw ni Jenny," banta niya pa rito. 

Hindi ito sumagot at kumikit-balikat lamang. 

NANG marating nila ang Marco Polo Plaza Cebu ay agad rin namang nag-park ang binata. This time ay hinayaan niyang pagbuksan siya ng pinto ng sasakyan ni Max. Hinayaan niya ring alalayan siya nito. At this moment, ilulugar niya muna ang pag-iwas sa binata. Ayaw niyang masira ang araw ni Jenny at ayaw niya rin namang ipahiya si Max sa maraming tao dahil lamang sa pagiging bitter niya. 

Kinuha niya sa bag ang invitation at tiningnan kung saan naroon ang event hall. Pipindot na sana siya sa elevator button ngunit laking gulat niya nang marahan siyang hilain ni Max papasok sa loob at pumindot ng floor number. 

Inalis niya ang pagkakahawak ni Max sa kanyang braso at umipod ng konti. Ayaw niyang makipagtalo at ayaw niyang masira ang gabi niya. 

NANG umabot sila sa floor na pinindot ni Max ay agad din naman nilang namataan ang ibang mga bisitang paparating. The event hall was sophisticated and all the people wore elegant dresses. 

"Ate Grace! Magbihis ka na," biglang sulpot ni Jenny sa kanilang harapan. 

"Okay," masiglang sagot niya at sumunod dito. Walang paalam niyang iniwan si Max. 

MAX gritted his teeth as he clenched his jaw. Gusto niyang mapamura, kahit pa napilit niya ang dalaga sa mga gusto niya'y malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. Marahas siyang napabuntomg-hininga at agad na hinanap ang kaibigan niyang may pasimuno ng event na ito. 

"Max!" sambit ng babae ng makita siya nitong papalapit. Agad niya itong hinapit sa baywang at hinagkan ang kaliwang pisngi nito. 

"Ang sweet talaga ng kaibigan kong 'to," wika pa nito at bahagyang hinampas ang kanyang dibdib. He smirk. 

"Pinapaselos ko lang ang bodyguard mo, masiyado kasing malagkit kung makatitig sa iyo," he said. 

"Asshole! Alam ko at hayaan mong mamatay sa selos si Amiel," sagot naman nito at payak na tumawa. 

Tinawanan niya rin ang kaibigan. 

"Hindi ka invited Max, how come?" usisa pa nito. 

"May kaibigan akong nag-invite sa akin at isa sa mga guest model mo ay ang babaeng pinakamamahal ko," sagot niya. 

Umarko ang kilay ng kaharap at pilyang ngumiti. 

"Alam mo ang patakaran ko Max, it a bidding process," sagot nito at uminom ng white wine.

"Come on Tahlia, name your price. Alam kong front mo lang ang event na ito. Alam kong nasa misyon ka, unang kita ko pa lang sa invitation mo'y sigurado na ako," tila iritado na niyang wika sa kaibigan.

Tumawa ang babae at nailing. 

"Thirty million kapalit ang ulo ng babaeng pinakamamahal mo," sagot nito dahilan para umigting ang kanyang panga. 

"Isa lang naman ang guest model ko rito. It was Grace, right? At alam mo kung ano ang patakaran ko sa bidding. Own the gown and you have the right to date the woman who wear's it." 

"That's why I am dealing with you," seryoso niyang sagot. 

"Yeah! I will make sure she'll end up with you." 

"Call, I'll transfer it right away," sagot niya at agad na kinuha ang kanyang cell phone sa bulsa. Nag-email siya sa bank manager niya sa Australia to transfer a money in Tahlia's account. 

"It's euro," inform niya pa. 

Agad naman na nagningning ang mga mata nito. 

"Thanks lover boy," anito pa at humalik sa kanyang pisngi. 

"Take her to room 124," he said. 

"As you wish," sagot naman nito at iniwan na siya. 

Agad siyang bumalik sa puwesto niya kanina dahil magsisimula na ang event. Kumuha pa siya ng red wine sa waiter na dumaan sa kanyang harapan at agad niyang nilagok ang lahat ng laman nito. Hindi siya mapalagay kahit pa nakuha na niya ang spot ni Grace. Alam niyang mas may tataas pa sa presyong ibinigay niya dahil talaga nga namang hindi basta-basta ang bisita ng kaibigan niyang si Tahlia. Posibleng may magkainteres ng malaki kay Grace at iyon ang hindi niya mapapayagan. 

SEÑORITA SERIES 2: GRACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon