G-23
"RELAX, honeybee," cheer sa kanya ni Max. Sinimangutan niya lamang ang nobyo.
"I told you, kaya ko naman ang sarili ko."
"Binabawalan mo na ba akong maging escort mo?" Inirapan niya ang nobyo.
"Promise me Max, hindi ka gagawa ng kalokohan. Hold your temper just this one, please?"
He smiled.
"It depends on the situation honey," sagot naman nito. She rolled her eyes. Ayaw niya naman talaga na wala si Max sa kanyang tabi pero naranasan niya na rin kasi na makita kung gaano ka konti ang pasensiya nito lalo na kapag nagseselos.
"Come on honeybee," kayag pa nito sa kanya papasok sa loob ng hotel venue kung saan gaganapin ang business meeting na dadaluhan niya.
Apparently, she was rest assured na magiging maayos ang kalalabasan ng event. She expected this. Minsan lang magkaroon ng ganitong pagtitipon kaya hindi niya ito palalagpasin. It was an event that every business minded should experience. Isa itong exposure para sa magbabalak na palakihin pa ng husto ang pag-export ng mga product na galing sa kanya-kanyang farm.
"Honeybee, is it really necessary to attend in this kind of event?" kunot-noong baling sa kanya ni Max.
"Why? Do you find it boring?"
Saglit pa itong napa-isip.
"Not at all but in your case, we can expand your hacienda if you really wanted to create a big opportunities without joining this kind of event," anito pa at konting pinisil ang kanyang tagiliran.
"Max, I need this. Marami akong nakukuhang information kung paano pa palalawakin ang nasimulan kong negosyo. In fact, I was planning to build an association para sa mga magsasaka."
Max smiled at her.
"I'm so proud of you honeybee," anito at hinagkan ang kanyang kanang sintido.
"Restroom lang ako saglit," paalam niya. Tumango si Max sa kanya at tinanggal ang pagkakahawak nito sa kanyang baywang. Agad din namang hinanap ng kanyang mga mata ang restroom. Gusto niyang masigurong maayos ang kanyang sarili bago tuluyang humarap sa mga possible niyang magiging investors. Nang makita nya ang restroom ay hindi rin naman siya nag-atubiling pumasok sa loob. As she expected, isang magarang restroom agad ang bumungad sa kanya. She starts to fix her make-up. When she's done. She take a quick pee just to make sure it won't bother her later. Patapos na siya at palabas na sana nang aksidente niyang marinig ang pangalan ni Nicole sa dalawang babaeng kapapasok lang sa magkabilang cubicle. Nanatili siya sa kanyang kinatatayuan at mataman lang na nakinig sa dalawang babaeng pumasok.
"Would you believe it Amara!?" anang isang babae.
"No, Thea! Absolutely not! Hindi ako naniniwalang basta na lang nakipaghiwalay si Nicole sa asawa niya," sagot naman no'ng isa na nagngangalang Amara.
"Maybe it's true na may kabit ang asawa ni Nicole at hindi niya nakayanan iyon kaya after five years of being married to her husband, nakipag-divorce siya dito," ani Thea.
"Really? I heard to Niressa na hindi daw totoo na may kabit ang asawa ni Nicole. Talagang they separated their ways because their love doesn't really work out," wika ni Amara.
"Hmp! Naniwala ka naman agad. For sure it was just an alibi! May kabit talaga iyon, period! Alam mo naman ang mga kabit ngayon, mas matapang pa sa original! Hmp! I swear if that thing happens to me. Mapapatay ko talaga ang kabit ng asawa ko!" Thea said.
Malakas naman na tumawa si Amara.
"Whatever you say Thea! Let's go!" ani Amara.
Huling narinig ni Grace ang pagsara ng pinto ng restroom. Naiwan siyang tulala sa kawalan at ayaw gumana ang utak niya. She was trembling in anger. Kuyom niya ang kanyang mga kamao. Lumabas siya ng cubicle at humarap sa salamin. She just now realized, her tears are falling down. Nanginginig siyang lumapit sa lababo at binuksan ang faucet. Naghilamos siya ng kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
SEÑORITA SERIES 2: GRACE
RomanceSeñorita Series 2 R18 Not suitable for young readers. Cover by @Jejenok