G-11

19.4K 345 11
                                    


G-11

KABADO si Grace habang inaayos ng baklang designer ang kanyang suot na evening gown. Masiyado kasing lantad ang kaluluwa niya rito at halos lumuwa na ang dibdib niya. A black gown cropped top and scrunched detailing ang suot niya. Kitang-kita ang kurba ng kanyang katawan at ang makinis niyang likuran. 

Nang makita ang damit kanina ay halos umayaw siya at namili pa ng iba ngunit taken na halos lahat ang mga damit na naka-display sa dressing room. 

"Puwede bang pakilugay na lang ng buhok ko?" request niya pa sa baklang nag-aayos sa kanya. 

"Puwede naman madam," masiglang sagot nito at binago ang ayos ng kanyang buhok mula sa pagkakarolyo hanggang sa inilugay na lamang. 

"Great," sambit pa ng baklang nag-ayos sa kanya nang makita nito ang resulta ng kanyang ayos.

She looks so stunning and people see her wearing this would never praise how lovely she are. Konti pang nilagyan ng make up ang kanyang dibdib upang magmukhang shiny ito mamaya kapag rumampa na siya. 

"Okay na ba?" kabado niya pang tanong sa stylish. 

"Oo naman madam! Good luck!" cheer pa nito sa kanya dahilan para maibsan ng konti ang kanyang matinding kaba. 

Kinayag na siya nito papunta sa likod ng stage at agad na pinapuwesto.

"Tapos na ba ang iba?" tanong niya pa sa baklang sige pa rin sa pag-ayos ng kanyang buhok kahit naman na okay na. 

"Finale ka madam kaya galingan mo sa pagrampa tapos huminto ka lang sa gitna. Na-briefing ka ba sa gagawin mo tonight?" anito pa. Bahagya siyang tumango. Ang totoo'y si Jenny ang panay ang inform sa kanya sa mga dapat niyang gagawin. Mas may alam pa kasi ito kumpara sa kanya kahit na may katawan naman siyang irarampa. 

Nagsimula na ang tugtog at pinarampa na siya ng kanyang stylish. With poise and firmness niyang nilakad ang red carpet. All the people mumbles of how stunning and graceful she walks at the red carpet. 

At gaya nga nang sinabi sa kanya at huminto siya sa gitna. May isang magandang babae naman na kagaya niya rin ang suot ngunit iba lamang ang kulay at pagkakadesenyo ng mga beeds sequence.

 "Now, let's start the bidding of the gown and the chance to win a date to this lovely woman," announced nito dahilan para matigilan siya. 

"D-date?" mahinang utas niya sa kawalan. 

Agad na hinanap ng kanyang mga mata si Jenny at nang makita niya ito ay panay din ang hand gesture, nagsasabing wala rin itong alam sa nangyayaring bidding. 

"Shit!" mahinang mura niya sa kawalan. 

Lumapit naman ang babae sa kanyang tabi.

"Relax sweety, ang bidding ng gown ay para sa charity, puwede ka pa rin namang tumanggi sa date na mangyayari, no one is forcing you," nakangiti nitong bulong sa kanya. 

"Pero nakakahiya po iyon," alanganin naman niyang sagot kahit na ang totoo'y ayaw niya sa ideyang ito kahit pa kapalit nito ang makatulong sa charity. 

"Don't worry, you'll be fine," sagot naman nito. 

"Now ladies and gentlemen, just raise your number if you want this gown," announced muli ng babae.

Nakuyom niya ang kanyang kamao at nakagat ang kanyang labi. Paano siya ngayon makakalusot sa problemang ito. Hinanap ng kanyang mga mata si Max at nakita niya ito sa sulok. Igting ang panga habang hawak ang glass na may lamang red wine. Wala siyang nakitang placard sa mesa nito. Ang ibig ba nitong sabihin ay hindi ito makikipag-agawan sa iba? Gusto na niyang maiyak. Kita naman niya kay Jenny ang matinding pag-aalala. 

"One million!" sigaw ng isang matanda kasabay ang pag-angat ng numero nito. Muntik na siyang manlumo at napamura sa kanyang utak.

"Five million!" sigaw naman ng isang matrona, nakahinga siya ng maluwag.

"Ten million!" sigaw naman ng isang matandang naka-wheelchair. Nakagat niya ang kanyang labi. Namamangha siya sa kanyang naririnig mula sa mga ito. Para lang sa isang gown ay maglulustay ang mga ito nang milyong-milyong salapi. Unbelievable!

"Thirty million!" wika naman nang emcee. Mas lalong nanghina ang kanyang mga tuhod lalo pa at hindi naman niya alam kung sino ang nagpusta ng malaki para lang sa isang gown na suot niya. Ang mas lalong ikinadismaya niya ay hindi niya man lang talaga nakitang may ginawa si Max. Sumasakit ang kalooban niya.

Naghiyawan ang ilan at agad na isinara ang bidding. Inalalayan naman siya ng baklang stylish na nag-ayos sa kanya kanina at dinala muli pabalik sa dressing room. Agad na bumungad si Jenny sa kanya at mangiyak-ngiyak itong yumakap sa kanya. 

"Ate Grace! Hindi ko talaga alam na may ganito! Sorry!" ngawa ng dalagita. 

Hinagod niya ang likod nito. 

"Tumahan ka na Jenny, hindi mo naman din talaga alam na may ganito. Ang alam ko'y usually talaga kapag may mga charity works ay talagang may bidding. Huwag ka na umiyak. Ayos lang ako. Date lang naman ang sinabi ng emcee, hindi naman sinabi na pipilitin ako."

Pinunasan nito ang mga luha sa pisngi, siya naman ay inayos din ang buhok nitong nagulo. 

"Tahan na," muling wika niya at hinagkan sa noo si Jenny. 

"Madam, heto ang card key ng kuwartong makaka-date mo, huwag ka mag-alala, hindi ka pipilitin ng kahit ano nang bisita namin," imporma pa ng baklang stylish niya nang makalapit ito sa kanila. 

Nakita naman niyang nakagat ni Jenny ang ibabang labi at nagsimula na namang mag-alala. 

"Ayos lang ako Jen. Mauna ka nang umuwi ha, sabihan mo na lang din si Max na hindi ako sasabay sa kanya pauwi," aniya pa at kinuha sa bakla ang card key ng kuwarto. 

Lakas loob siyang lumabas ng event hall at tinungo ang elevator. Pinindot niya ang floor at agad pumasok sa loob ng elevator. Napasandal siya sa dingding ng elevator at marahas na nagpakawala ng kanyang hininga. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya sa oras na tumapak ang mga paa niya sa kuwartong ibinigay sa kanya. 

Alam naman niya kung paano dipensahan ang sarili niya ngunit iba pa rin kapag nasa akto na at kung kaligtasan na niya ang nakasugal. 

Mariin niyang nakuyom ang kanyang mga kamao at tumayo ng tuwid. 

SEÑORITA SERIES 2: GRACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon