G-7
"Really?" mangha pang reaksyon ng lalaki. Hilaw siyang napangiti kay Jenny at pinandilatan ito. Ibinaba na niya ang kanyang kamay na nakalapat sa bibig ng dalagita.
"Nako kuya Max, ibang lalaki yata iyon," pag-iiba pa nito kahit ang totoo'y nahuli na sila ng lalaki.
Max chuckle and she don't like it.
"I know the truth Jenny, don't make a sweet lie for her. Thanks for the compliment and nice meeting you. You're pretty too," nakangiti pang wika ni Max habang sumusubo ng hotdog. Grace find it too sexy. Shit!
Jenny giggles.
"Talaga kuya? Salamat ha!" magiliw pang sagot ni Jenny. Bumaling siya kay Max at matalim itong tinitigan.
Max hiddenly smirk at her and she response while rolling her eyes. Bumaling naman sa kanya si Jenny.
"Ate, puwede mo ba akong samahan sa gaganaping auction ng mga gown this weekend? Please! Ayaw kasi akong payagan ni Lolo. At isa pa pala ate, naka-yes na ako sa designer na ikaw ang magsusuot ng isa sa mga collection niyang gown. Please ate! Nagmamakaawa ako sa iyo!" mahabang paliwanag nito.
"Ano? As in? Kasama ako sa fashion show?" gulat niya pang ulit.
"Oo ate! Please! I beg you!" Akmang luluhod pa ito sa kanya pero agad din naman niya itong pinigilan.
"Batang 'to talaga! Oo na. May katawan naman akong irarampa," nakangiti niyang wika.
"Oh my god ate! As in payag ka!?" Napatalon pa ito dahil sa sobrang tuwa.
"Oo naman. Ikaw pa ba. At saka gusto ko rin naman maranasan iyong ganoon," sagot niya. Jenny hug her so tight.
"Thanks ate!"
"Welcome baby!" sagot niya pa. Nang balingan niya ng tingin si Max ay hindi maipinta ang mukha nito. Biglang nawala ang sigla sa mukha. Parang hindi ito sang-ayon sa pagpayag niya sa fashion show na gaganapin.
"Kuya Max, you can attend too. Heto ang invitation." Inabot nito sa lalaki ang isang gold envelope. Pati siya ay binigyan din ni Jenny.
Hindi umimik ang lalaki nang matingnan nito ang hawak na envelope. Instead, magkasalubong pa ang mga kilay nito.
"Kumain ka na Jen," aniya sa dalagita at hindi na pinansin ang pagda-drama ng lalaki.
MATAPOS ang almusal ay umalis na si Jenny at naiwan na lamang silang dalawa ng lalaki. Kanina pa ito buntot nang buntot sa kanya.
"Puwede ba Max! Umalis ka nga!"
"No. Don't go to that fashion event," matigas pa nitong wika.
Umarko agad ang kanyang kilay dahil sa kanyang narinig. Tama ang hinala niyang hindi nga talaga ito sang-ayon sa pagpayag niya.
"At sino ka naman para pagbawalan ako? Una, hindi kita boyfriend. Pangalawa, hindi kita asawa! Gets mo!?"
Tinalikuran na niya ito pero maagap ito sa pagpigil sa kanya.
"What happen about last time!? You give way..." Tinabig niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya.
"Oh bakit? Ngayon mo lang ba naranasan ang tawag ng laman?" sagot niya habang nagtatagis ang kanyang mga bagang. Ayaw man niyang sabihin ito ngunit gusto niya ring iparamdam sa binata ang sakit at pait na dinanas niya noong iwan siya nito. Oo, ang nangyari sa kanila kagabi ay hindi lang basta tawag ng laman dahil may matindi iyong pagmamahal pero ayaw niyang aminin iyon. Ayaw niyang magpakatanga muli. Kung magpapakatanga man siya ulit. Sisiguraduhin niyang siya ang magwawagi at hindi siya ang mauuwing luhaan muli.
"What?" hindi makapaniwalang reaksyon nito. Amusement are all over on his face.
"Tama ang narinig mo. Trip ko lang na makipag-sex sa iyo. It's just a one night stand Max so don't assume anything else."
Tinalikuran na niya ito. Nanginginig ang mga tuhod niya at parang mabubuwal na siya sa harapan ng lalaki.
"I won't believe your stupid lies Grace! I know what I feel last night. It's not just a one night stand! It's not just a lust!"
Mariin niyang nakuyom ang kanyang mga kamao at mariing napapikit.
"Bumalik ka na sa asawa mo," sagot niya at pumasok na sa kanyang silid. Pinagsarhan niya ito ng pinto.
Nang maisara niya ang pinto ay agad na bumagsak ang mga luha niya sa mata. Napatakip siya ng kanyang mukha gamit ang mga palad niya. Mali ang nangyari sa kanilang dalawa ni Max kagabi. May asawa na ito at aminado siyang pumatol pa rin siya kahit na alam niyang sasabit siya. Pero mahal niya si Max. Mahal na mahal. At kahit na mali ay ginawa niya pa rin. Bumigay siya kagabi at iyon ang hindi niya maipagkakaila sa kanyang sarili.
"Bakit kasi bumalik ka pa? Kung kailan nasa stage pa ako ng pagmo-move on, saka ka pa dumating," litanya niya sa kawalan habang sapo ng dalawang palad niya ang kanyang noo.
Laglag ang mga balikat niya nang tumayo siya at pinunasan ang mga luha niya. Hinila niya ang kanyang kumot. Bigla niyang napansing may nalaglag sa sahig kaya agad din naman niyang tiningnan kung ano ito. Wala sa sarili niyang pinulot ito at ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita kung ano ito.
"Bee..." sambit niya sa pendat ng kuwintas na kanyang hawak. It's a while gold bee necklace and covered with tiny diamonds.
Agad na bumagsak ang mga luha niya sa kanyang mga mata. Ang kuwintas na hawak niya. Ito marahil ang kanina pa hinahanap ni Max. She know that the necklace is for her. Sobrang hilig niya kasi sa honey kaya naman noong maging sila ni Max ay tinatawag na siya nitong honeybee bilang endearment nito para lamang sa kanya. Weird but that time, she felt so loved. But that was five years ago.
Agad na lumipad ang kanang palad niya sa kanyang bibig upang takpan ang kanyang hagulhol. Why the hell Max is giving her a fucking necklace!? Bakit hindi ang asawa nito!? Nanginginig ang kamay niya habang hawak ang kuwintas. Napaupo siya at niyakap ang kanyang mga tuhod habang sige pa rin sa pag-iyak. Pinapahirapan siya ng husto ng lalaki at naghihirap ang kalooban niya dahil doon. Ayaw niya ng ganito.Sobrang sakit.
BINABASA MO ANG
SEÑORITA SERIES 2: GRACE
RomanceSeñorita Series 2 R18 Not suitable for young readers. Cover by @Jejenok