G-25

14.5K 281 2
                                    

G-25

NANG lumapag ang helicopter na sinasakyan nila sa isang bakanteng lote ay hindi na sumunod ang kaibigan ni Max sa kanila. Nagpaalam na rin itong aalis na agad at may aasikasuhin pa. Max invited him to stay actually but Brax refused. Hindi naman na nagpumilit pa si Max at hinayaan na lamang ang kaibigan. Agad din namang tumakbo palapit si Max sa kanyang nang makaalis na ang helicopter kung saan lulan nito sa Brax.

"Dapat bumawi ka sa kanya," suhestiyon niya pa.

"Soon honeybee, this time, gusto muna kitang masolo!"

Bigla naman siyang binuhat ni Max. Panay naman ang hagikhik niya at natutuwa siya sa ginagawa nitong paglalambing sa kanya. Ibinaba naman siyang ulit ni Max at kinayag na papasok sa resort na napili nito.

ISANG first class room ang kinuha ni Max para sa kanilang dalawa. Nataon pang pagkabukas mo pa lang ng kurtina ay ang magandang tanawin na agad ang bubungad sa iyo.

"Honeybee, I'll go ahead first at the restaurant. Anong gusto mong kainin?" Binalingan niya si Max.

"Puwede bang ikaw na lang?" she teased.

He groans.

"Not now. I think I already know," nakangisi nitong ani.

"Max, take out please."

Kumunot naman ang noo nito.

"Mas gusto ko dito sa room. Please," aniya na may kasama pang pang-aakit sa kanyang boses.

"Alright. I'll be right back." Humalik ito sa kanyang labi at agad din naman na lumakad na. Nang masiguro niyang wala na si Max ay agad niyang hinila ang kanyang maleta na nakalapag sa kanilang kama. Agad niyang binuklat ito at kinapa ang secret pocket. Kinuha niya agad ang sim card at isinaksak sa isa niyang cellphone. Kinuha niya rin ang kanyang laptop at nagbukas ng email. She dial Greg's number. Sinagot din naman ng kabilang linya ang kanyang tawag.

"Greg," panimula niya.

"Ikaw po ba ito ma'am Grace?" Hindi niya ito sinagot.

"Ang pinapagawa ko sa iyo. Nasaan na?"

"Ise-send ko po ngayon ma'am, sorry po talaga. Nakalimutan ko po kasi ang email address niyo. Nabura ko po kasi lahat ng files nang mag-away po kami ni misis." Hindi niya pinansin ang huling sinabi nito.

"I'll send you my email. Asap Greg! Tungkol sa isa ko pang ipinagawa sa iyo. Ano na?"

"Ayon sa tauhan kong inutusan po ma'am, nasa Camotes Island po siya." Agad na uminit ang ulo niya at nahilot ang kanyang sintido. Hindi talaga sila titigilan ni Nicole. Malalim siyang huminga.

"Iyong usapan nating pera, ipapasa ko na agad sa account mo. Tatawagan na lang kita ulit. Ako na ang bahala sa babaeng iyon kapag nagkita kami." Agad niyang pinatay ang tawag at tinanggal ang sim card. Mabilis niya itong binali at itinapon sa labas ng bintana.

"Grace?" Napalundag siya dahil sa gulat nang marinig ang boses ni Max. Napalunok siya at bumaling dito.

"Y-yes?"

"Namumutla ka honeybee. May nangyari ba?" Lumapit si Max sa kanyang at alalang-alala ang mukha nito.

"G-gutom lang ako. Bakit? Kakain na ba tayo?"

"Five minutes pa. Hmm, you sure, you're okay?" Tumango-tango siya at yumakap kay Max. Agad na pumasok sa utak niya ang gagawin sa oras na magkaharap silang dalawa ni Nicole. Hindi talaga siya magtitimpi kapag nag-eskandalo ito. Talagang ilalampaso niya ang pagmumukha nito kapag sinira nito ang araw nilang dalawa ni Max.

SEÑORITA SERIES 2: GRACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon