Troy's POV
Ngayon ang unang araw ng pasukan pero hanggang ngayon Ay hindi parin umuuwi si Mommy. Alam Kong bukod sa kompanya namin ay may iba pa siyang pinagkakaabalaban. Isa siyang secret agent at ang Alam niya Ay wala akong Alam patungkol dun. Lingid din sa kaalaman ni Mommy Ay miyembro ako ng isang gang. Gangster ako at kaya Kong pumatay nang taong kriminal at kakalaban sakin. Walang ibang nakakaalam ng pagiging gangster ko maliban sa mga kaibigan ko na kapwa ko gangster rin.
"Brother? Okay lang ba yong suot ko?" Umikot ikot pa siya sa harap ko habang nakahawak sa mahabang palda na dapat Ay above the knee lang. Ang kanyang uniform Ay sobrang laki at luwang na halos lamunin na siya nito. Hindi ko maintindihan kung anong klaseng fashion ang meron sa babaeng to. Pinanganak ba siya noong 70's at walang Alam sa salitang modernong kasuotan? Sabagay, kahit naman ano pang sabihin ko Ay maganda parin para sa kanya ang suot niya.
"Ask your classmates later." Hindi na ako magtataka mamaya kung pagtawanan siya ng mga kaklase niya.
"Okay, sabi mo eh." Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa kalsada. Malapit lang Unibersidad na papasukan namin kaya ilang minuto lang Ay nakarating na kami.
"Bakit ganyan ang itsura mo? Wag mo sabihing ngayon ka lang makakakita ng isang paaralan? Base on your papers Ay tapos kana sa second year college. So I don't think na ignorante ka parin sa pag-aaral. Eto ang map ng school, hanapin mo nalang ang room mo diyan, alis na ko."
Anastasia's POV
PAGkatapos niyang sabihin yun at ibigay ang isang papel na mapa daw ang pangalan Ay umalis na siya. Oo nga at tapos na ko sa second year college, pero Alam niya ba na ang pinasukan Kong paaralan Ay Schools for demons? Ang Royal Academy Ay isang eskwelahan na tanging pakikipaglaban, paghawak ng sandata at pagpatay lang ang itinuturo sa kanilang mga estudyante.
Kung dati Ay pumapasok ako na tanging kutsilyo, baril, bomba, lason at kung ano ano pang pwede mong magamit laban sa kalaban ang dala ko, ngayon naman Ay bag na may lamang papel, notebook at ballpen. This is all new for me lalo na ang makakita ng mga estudyanteng malalim ang mga titig sakin saka nagbubulong bulongan.
Hindi ko Alam kung saan ako pupunta kaya naglakad lakad nalang ako. Hindi parin nawawala ang masasamang tingin na nakatuon sakin.
"Ana?" Tumingin ako sa likod ng marinig ang isang pamilyar na boses.
"Kuya Mark?" Nakangite siyang lumapit sakin. Sa tingin ko Ay dito rin siya nag-aaral. Sabagay, magkaibigan sila ni brother kaya malamang Ay dito rin nag-aaral ang lalaking to.
"Sabi ko wag mo na Kong tawaging kuya diba? Panganay lang naman ako ng isang taon sayo." Pliwanag niya ng nakangite parin.
BINABASA MO ANG
Half Angel Half Demon {On-hold}
FantasyIsa akong anghel, anghel sa paningin ng lahat. Simple, Maria Clara, Palangite, Inosente at mabait yan ang tingin ng lahat sakin. Pero ang hindi nila Alam Ay sa likod ng mala-anghel Kong mukha at ugali Ay nagtatago ang aking itim na pakpak. Kahit gaa...