❌I❌

299 9 0
                                    

Third Person's POV

"Tasya!"

"Bakit kaba sumisigaw?"

"Asan na yong card dito sa mesa?"

"Card? Anong card?" Nasapo ng binata ang kanyang noo dahil lumabas na naman ang pagka-slow ng dalaga.

"Yong kulay blue na card. That's my debit card, saan mo nilagay? Ikaw lang ang naglinis dito Kanina." Halos sumigaw na ang binata dahil sa inis.

"Ah yun ba? Tinapon ko na." Simpleng sagot niya. Ang card na yun Ay may lamang isang daang libo pero tinapon lang niya.

"Alam mo ba kung ilan ang laman non? Uggh! Malamang hindi bakit ko pa ba tinatanong.. Saan mo tinapon?" Naiinis na wika ng binata.

"Doon.." Tinuro niya ang basurahan na malapit sa kanila at agad na kinalkal ito. Mabuti nalang at nasa ibabaw lang ito.

"Tsk." Umalis na ang binata at iniwan ang dalagang nakatingin sa kanya palabas.

"Gwapo nga ang sungit naman!" Padabog na umakyat ang dalaga sa kanyang kwarto.

Troy's POV

Ang aga aga pinapainit ng babaeng yun ang ulo ko. Akalain mo ba namang itapon niya ang card na nilapag ko sa mesa.? Mabuti sana kung walang laman tsk. Puro nalang katangahan ang Alam niya nakakainis. Ano ba kasing tumatakbo sa isip ni Mommy at kinupkup ang babaeng ignoranteng yun? Paano kung may binabalak pala siyang masama? Paano kung mamamatay tao pala siya? Urrggh! Sumasakit lang ang ulo ko pag iniisip ang babaeng yun.

"Troy!" Ano kayang ginagawa ng lalaking to dito?

"Ano na naman?" Tsk.

"Oh.. Oh.. Relax bro. Asan si Ana?" Tch. May gusto ba talaga siya Kay Tasya? Yuckk!

"I don't know. And I don't care!" Bakit niya ba sakin hinahanap yun, muka na ba akong hanapan ng nawawalang pulubi? Tsk.

"Hindi mo Alam? Kapatid mo hindi mo Alam kung nasaan? Ewan ko sayo." Umalis na siya at naiwan akong tulala. Ang Alam nila kapatid ko si Tasya pero ang totoo Ay hindi. Wala akong kapatid na abnormal noh?

Mark's POV

Nakakainis talaga si Troy, noon palang pansin ko na, na parang wala siyang pakialam sa kapatid niya. Naaawa tuloy ako Kay Ana. My heart captured by her because of her unique innocent personality. Napaka simple niya lang kase compared to other girls. Minsan slow siya at inosente sa bagay bagay kaya napapatawa niya ako. Maganda siya para sakin kahit naka malaki siyang nerdy glasses at laging naka ponytail, hindi ko nga Alam kung mahaba ba yong buhok niya o maiksi, hindi ko pa kasi siya nakikitang nakalugay, ayaw niya raw.

Wala kaming klase ngayon dahil bakasyon kaya heto ako gumagala mag-isa. Ewan ko nga kung saan pupunta Kanina si Troy. Wala akong pake. Pumunta ako sa isang coffee shop at nag order ng hot choco.

Habang inaantay ko yong inorder ko Ay napadako ang aking tingin sa glass wall ng coffee shop kung saan kitang kita ang mga taong tumatawid sa kalsada. Pero may isang lalaking naka cap at jacket ang nakaagaw ng aking atensyon. Nagulat ako ng magtama ang aming paningin. Kulay pula ang kanyang mga mata at nakakatakot. Ngumise siya sakin na halos kinatindig ng aking balahibo.

"Sir eto na po yong order niyo." Halos mapatalon ako sa gulat ng may nagsalita, yong waiter pala.

"Ayos lang ho ba kayo Sir?"

"I'm fine." Kahit sa totoo lang Ay kinikilabutan parin ako sa nakita. Tumingin ako ulit sa labas pero wala na siya. Pilit Kong winaksi sa isipan ang aking nakita at lumabas sa coffee shop, wala na akong ganang magkape.

'Sino ang lalaking yun at ano ang pakay niya?'

Half Angel Half Demon {On-hold}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon