Justin's POV
I'm Justin Fortaleza, no need to tell more about myself.
Halos hindi ko magawang tumingin sa nakakaawang sinapit ng katawan ng isa naming kaibigan. Wala kaming magawa kundi ang umiyak at maghinagpis dahil huli na ang lahat. Hindi na maibabalik ang buhay ng aming kaibigan. Mas lalo lang kaming ginagalit ng p*nyet*ng grupo ng bloody gang.
Binuksan ko ang phone ko at sinagot ang tawag. Bakit kaya napatawag si Harold? Siya ang Vice President ng SSC at ako naman ang SSC President.
"Hello Harold?"
["Pres, may nangyareng krimen sa loob ng school."] Parang may halong takot at kaba ang kanyang boses.
"Bukas nalang natin yang pag-usapan Vice." Siguradong nakita na nila ang mga dugong kumalat sa rooftop. Napag desisyunan na naming wag ipaalam ang nangyare Kay Miley.
["Pero siguradong hindi ka maniniwala pag nakita mo ang mga bangkay."] Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Mga bangkay? A-anong ibig niyang sabihin?
"Anong ibig mong sabihin?"
["Pumunta ka nalang dito pres, kailangan ka ng team. Nakakapagtaka talaga ang insidenteng ito."] Magtatanong pa sana ako pero namatay na ang Linya.
"Sino yun Justin?" Mga nagtatakang tingin ang nakaharap sakin.
"May nangyareng insidente daw sa school. Akala ko ang rooftop ang nakita nila pero may mga bangkay daw sabi ni Vice."
"W-What?!" Reaksyon nilang lahat maliban Kay Tasya. Kanina pa siya tahimik.
"Puntahan natin, nag text ang yaya ni Miley, papunta na daw sila dito para kunin ang bangkay."
Maya maya lang Ay may pumasok na matanda at siya daw ang yaya ni Miley. Wala pa ang mga magulang nito dahil nasa ibang bansa at bukas pa daw sila makakauwi. Kinuha na nila ang bangkay at hindi na naman namin maiwasang umiyak.
BINABASA MO ANG
Half Angel Half Demon {On-hold}
FantezieIsa akong anghel, anghel sa paningin ng lahat. Simple, Maria Clara, Palangite, Inosente at mabait yan ang tingin ng lahat sakin. Pero ang hindi nila Alam Ay sa likod ng mala-anghel Kong mukha at ugali Ay nagtatago ang aking itim na pakpak. Kahit gaa...