Finale
Di ko na napigilan ang sarili kong maiyak at napahagulgol na ko sa pinaggagawa ng lokong to.
Naramdaman ko ang pagyakap niya at paghagod sa aking likod, "sarili mo lang ang makakatulong sayo Rockie. Dapat kung gusto mong kalimutan ang isang tao dapat may sapat kang kakayahang gawin yun. Dapat, talagang gusto mo. Kasi kung hindi ka pa ready, kailan ka magiging ready? Kaya mo yan. Kasi kahit anong gawin natin kung ayaw mo, wala rin. Lahat ng bagay may rason, kaya dapat may rason kadin kung bakit mo gustong gawin ito at yun ay para sa sarili mo at para masabi mo sa sarili mong karapat dapat kang mahalin ay dapat matuto ka munang mahalin ang sarili mo. Paano ka mamahalin ng ibang tao kung ang sarili mo, ayaw mo? Love yourself Rockie. Although pogi ka, nababasa ng lahat ng mga taong tunay na nakakakilala sayo ang lungkot sa iyong mga mata. Kaya mo yan, find yourself. Mag-soul searching ka. Mag-unwind mag isa. Maraming bagay sa mundo ang dapat ikasaya hindi dapat kay Rence lang umiikot ang mundo mo lalo na ngayon may ibang mundo nang ginagalawan ang taong mahal mo." Dagdag pa niya.
Sasapakin ko na talaga to. Hindi ko na kinakaya yung mga sinasabi niya. Ang sakit sakit na!
"Carlo please. Umalis kana muna, I promise I'll be okay. I'll just call you." Sinunod naman niya ang sinabi ko at tama lahat ng sinabi niya. Siguro kasalanan ko kung bakit ako ganito and it's about time na i-prioritize ko naman ang sarili ko.
Ako na mismo ang gumawa ng inumpisahan ni Carlo na pagliligpit ng gamit ni Rence at pagbabago ng bahay at sunod, ng aking buhay.
Dino-nate ko ang lahat ng iyon at nag-pasa ng leave sa trabaho at bumili ng ticket papuntang El Nido.
"Kaya mo yan Rockie." Sabi ko sa sarili ko at pinunasan ko agad yung luhang pumatak sa gilid ng mata ko. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang papaangat ang eroplanong sinasakyan ko. This is the time. The right time!
-----
Kababa ko lang ng plane nang tinungo ko ang aking tutuluyan. Refreshing. Naiyak ako bigla, kung makikita lang to ni Rence itong nakikita ko sa kahabaan ng daan na aking tinatahak, siguradong matutuwa yun!
Rockie stop!
Make yourself a priority.
Stop thinking someone else!
ME TIME ka muna...
-----
Ilang araw na din akong namalagi sa hotel na tinutuluyan ko. Na-enjoy ko naman ang trip ko kahit mag isa lang ako. Dala ang camera, gumawa ako ng panibago memories na hindi siya kasama. Si Rence.
Naglalakad lakad sa dalampasigan, namasyal at in-enjoy ang ganda ng kalikasan.
Swimming.
Hiking.
Diving.
Gumaan ang pakiramdam ko ng mga panahon yun at every sunday ay kinakausap ko si God na mas lalong i-guide ako para ayusin ang buhay ko.
At dahil sa nararamdaman kong malapit na kong maging maayus ay it's about time to return the favor.
-----
Makalipas ang isang buwan ay bumalik din ako ng Manila.
Okay na ko ngayon. Wala na kong hatred or anything negative feelings about my life.
Maraming bagay ang dapat kong ipagpasalamat at yun yung pinagtutuunan ko ng pansin.
Tuwang tuwa si Carlo ng magkita kame ulit dahil sa wakas nakikita niya na daw ang saya at sigla sa aking mga mata.
Umaliwalas daw ang mukha ko. Gumanda ang aura at lalong pumogi pa.
Nagsimula narin akong mag-work out na hindi ko na nagagawa nung isinubsob ko ang sarili ko sa trabaho.
Naiiyak na niyakap ako ni Greg. "I missed you so much Rockie. Bakit hindi mo sakin sinabi, sana sinamahan kita?"
"Ginawa ko yun para sa sarili ko, pasensya kana, na-miss din kita Greg and this time, ready na ko at masasabi ko ng nahanap ko na ang sarili kong deserving sa pagmamahal mo. Yung ako na buong buo. Yung ako na handang maging sayo."
Nakita ko si Rence sa likod namin. Nakangiti siya sakin.
Niyakap ko siya na parang isa na lamang sa aking malalapit na kaibigan at sinabi sa kanya ang magandang balita ng aking pagpayag bilang kanilang Best man sa kasal nila.
Tuwang tuwa si Rence na lalo kong ikinasaya. Pareho na kaming masaya at thank God, I made it.
We made it.
"Thanks to you Carlo."
"Yeah, thanks to me." And he rolled his eyes. Natawa nalang ako.
Niyakap siya ni Greg. "Bitawan mo nga ko. Kadiri ka." Pagpupumiglas niya pero lalong hinigpitan ni Greg ang yakap sa kanya habang tawang tawa naman kami ni Rence at ni Ardee.
Kinutusan ni Greg ng mahina si Carlo. "Ang arte mong bata ka." Sa aming lahat, siya kase ang pinakabata. Lalo kaming nagtawanan at natawa narin siya.
"I'm outta here." At tumalikod na siya samin.
"Carlo, si Junic." Sigaw ni Ardee.
Napalingon naman bigla si Carlo at lumingon lingon. "Sir asan? Sir?"
"Joke lang! Haha."
"Sir naman e. Who you talaga kayo sakin pagnakita ko yung obsess kong boypren! Hahahaha."
"Oh, itong susi. Kawawa ka naman! Wala kang kasama umuwi. Sasabay nalang kami kela Greg."
Inabot naman ito ni Carlo. "Okay, bye love birds."
Muli ay niyakap ko si Carlo. "Maraming salamat. Ito yung address ni Junic."
The end. 💕

BINABASA MO ANG
Operation: Moving On ✔️
Короткий рассказ"Paano nga ba mag-move on?" Yan ang laging tanong ni Rockie sa kanyang sarili. Gustong gusto niyang maka-move on over Rence pero hindi niya magawa-gawa. Sa sobrang pagmamahal niya dito ay nakalimutan niya na ang sarili niyang kapakanan kaya hirap na...