"Wala naman. Maybe, it's called Destiny kaya tayo pinagtagpo ng tadhana!" Muntik ng maibuga ni Carlo ang kinakain niya at humagalpak ng tawa.
"Teenager amputa!" Halos mangiyak ngiyak si Carlo sa katatawa at tila nagbago naman ang mood ni Greg. Napikon ata! Jusko.
Nagtitigan silang dalawa at nakakita ako ng kidlat sa pagitan nila kaya tumayo na ko at uuwi na sana ako.
"Hatid na kita." Sabay nilang sabi at nakaramdam na naman ako ng tensyon sa parehong kilay nilang nagsalubong sa pagtitig sa isa't isa.
"Kaya kong mag-commute. Magsi-uwi na din kayo! Para kayong mga bata." Saad ko at nagpatuloy na ko sa paglakad.
Hinawakan ni Carlo ang kanang kamay ko at hinila ako. "Ako nang maghahatid sayo."
Hinila naman ni Greg ang kaliwang kamay ko. "Ako na!"
Pinagtitinginan na kami ng tao pero hindi ko makuha sa tingin ang mga kolokoy na ito. "Hahatiin niyo ba talaga ang katawan ko? Nasasaktan na ko. Bitawan niyo nga ko!" Sabay kabig ng pareho kong kamay.
Parang mga batang nagbangayan na naman ang mga mongoloid na ito. Napasapo ako sa noo ko, jusmeyo. Ang sakit nila sa ulo!
Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko at napatakbo ako sa taong nakatayo sa 'di kalayuan sa harap ko na nakangiti sakin.
Biglang nag-blurred ang lahat at siya nalang ang nakikita ko sa mall na ito.
Natulala ang dalawa unggoy sa ginagawa ko at niyakap ko agad si Rence nang mahigpit na mahigpit at halos mag-iiyak na ako dun.
"Siya yung Ex ni Rockie?" Tanong ni Greg marahil kay Carlo, narinig ko.
"Oo, tapos yung katabi yung boss ko." Sagot naman ni Carlo.
Pinunasan ni Rence ang basang basa kong pisngi dahil sa luha. Siyang siya parin yung Rence ko. "I missed you so much Rence kung alam mo lang." Nakangiti lang siya sakin.
Hahalikan ko na sana siya nang bigla akong nakarinig ng pag-clear throat kaya bumalik ako sa ulirat. "Uhm.." si Ardee. Kaya napaatras na ko ng konte, kung bakit kase laging nakabuntot ang unggoy na 'to kay Rence.
"Akala ko next month pa kayo sabi ni Carlo?" Takang takang tanong ko na hindi ko parin inaalis ang mata ko sa mapupungay niyang mata.
"May sasabihin kase ako sayo Rockie pero tatawagan nalang kita para magkita tayo, miss na miss ko na rin kase sila Mama, gusto ko narin silang makita. Pasensya kana huh?" At niyakap niya ko nang mahigpit.
"Okay lang Rence. Sige lang." Nakangiting tugon ko. Kahit papaano ay sumaya ako dahil may chance na magkita kami ulit.
"Yeah, dumaan lang kami para hiramin kay Carlo yung Auto. Nagtaxi lang kase kami papunta dito from Airport." Dagdag pa niya.
"Ah, sir. Ito oh." Mabilis pa sa alas kwarto na abot ni Carlo ng susi kay Ardee. Natawa nalang ako.
"We really have to go. Sorry Rockie, Carlo and..."
"Greg."
"Yeah Greg." Sabay ngiti muli ni Rence. Parang biglang nanghina ang tuhod ko sa ngiting iyon ni Rence buti nalang nasalo ako ni Carlo.
"Bye guys. See you soon." Dagdag ni Ardee.
Nagpunas pa ko ng basa kong pisngi. He still the same at natuwa ako dahil lalo siyang pumogi na, halatang alagang alaga siya ni Ardee.
Hinatid kami ni Greg pareho ni Carlo. Tahimik lang kami sa kotse. Nasa frontseat ako habang nasa back seat si Carlo. Nakasimangot ito dahil pinilit ko lang siyang sumabay samin habang lumilipad naman ang utak ko sa sobrang kasiyahan.
NAGKITA kami ni Rence sa isang kilalang Coffee shop makalipas ang dalawang araw.
"Bakit hindi mo kasama si Ardee?" Bungad na tanong ko kay Rence dahil may sasabihin daw siya sakin kaya siya nakipagkita ngayon.
"May inaasikaso sa company e."
"Ah, so what it's all about?" Nakangiting tanong ko habang hindi winawaglit ang mata ko sa kanya.
Nag order muna siya ng dalawang coffee at sweets para samin bago niya in-open ang topic.
"Ahm... Rockie, hindi na ko magpapaligoy ligoy pa. I want you to be our... Best Man on our Wedding." Parang biglang gumuho ang mundo ko sa sinabing na iyon ni Rence. Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam kung pinapasakitan niya ba ko or what pero isa lang ang nararamdaman ko. Parang pinipiga ang puso ko. Sobrang sakit. Hindi ko na napigilan ang pag-agos ang tubig sa mata ko.
"G-ganun ba? A-ano kase E-e." Hindi ako makahanap ng sasabihin ko. Hinawakan ni Rence ang kamay ko at nakikiusap ang mga mata niya na parang nagsasabing pumayag na ako. "Rockie... please?"
"R-rence... M-mahal na mahal parin k-kase kita e. At kahit anong gawin ko, sabihin ko or puntahan ko. I-i always end up loving you Rence. At ang t-tanga tanga ko kasi ako pa mismo ang naghatid sayo sa karibal ko. Ang sakit sakit nun! Pero wala naman akong pinagsisihan dahil m-mahal kita at gusto ko lang m-maging masaya ka." Napaubob na ko sa coffee table na ito habang patuloy sa pagbagsak ang luha ko.
Naramdaman ko nalang na may humahagod sa likod ko, tiningnan ko ito. Si Rence, umupo siya sa tabi ko at napansin ang mga taong nakatingin samin dahil sa eksenang ginagawa ko.
Tbc. 🍏
Chapter 7 is Rated SPG. Follow me para mabasa niyo. Thanks!
BINABASA MO ANG
Operation: Moving On ✔️
Historia Corta"Paano nga ba mag-move on?" Yan ang laging tanong ni Rockie sa kanyang sarili. Gustong gusto niyang maka-move on over Rence pero hindi niya magawa-gawa. Sa sobrang pagmamahal niya dito ay nakalimutan niya na ang sarili niyang kapakanan kaya hirap na...