One

1.6K 41 0
                                    

     "Thanks rockie." At nagpunas pa ng luha si Rence. Marahil bumalik na ang alaala niya nang ipabasa ko sa kanya ang Diary niya. "S-si ardee? N-nasaan na?" Dagdag niya.

"2PM ang flight niya papuntang america." Sagot ko ng hindi tumitingin sa mata niya dahil nadudurog ang puso ko ngayon umiiyak siya.

Tumingin siya sa wrist watch niya at nagsimulang mataranta habang nanlalambot ang tuhod at nahihirapang lumakad.

Hiniram niya ang susi ng kotse ng papa niya at iniwan kami para agad na pumunta ng airport.

Tinawagan ko agad si Ardee para sabihin sa kanyang papuntang Airport si Rence para habulin siya pero sabi niya sakin, hindi siya tumuloy dahil hindi niya kayang iwanan si Rence. Napabuntong hininga nalang ako, mahal niya talaga ang taong mahal ko at sigurado akong iingatan niya si Rence ko. Kaya, pinapunta ko nalang siya sa dito sa bahay nila Rence dahil baka magkasalisi pa sila kung pupunta din siyang Airport. "Salamat Rockie." Sagot niya bago tuluyang natapos ang pag uusap namin sa telepono. Ano ba ko sa love story nila? Third party ako dito e, bakit parang naging FairyGodfather ata ako? Naiiyak na napagtanto ko.

Nang dumating si Ardee ay nagpaalam na ko pero napatago ako sa gilid ng bahay dahil nakita kong dumating si Rence at kinausap ang Papa niya hanggang sa pumasok sila.

Nakita ko kung gaano kasaya si Rence nang makita si Ardee. Napangiti nalang ako kasabay ng pagdurugo ng puso ko habang patuloy sa pagtulo ang luha ko.

Nasa labas lang ako ng bahay nila rence. Nakatanaw sa bintana sa bawat nangyayare sa loob. Masakit para sakin ang makitang may nagpo propose sa taong mahal ko dahil ako dapat yun! Naiyak ako lalo. Pinunasan ko agad ang mga luha sa pisngi ko at tinakpan ang bibig ko, baka kase marinig nila ang paghagulgol ko. Ang sakit sakit putangina!

"Okay lang yan rockie!" I told myself. Sometimes, we have to sacrifice when we love someone. Rence' smile is my life, kaya kung saan siya masaya. Gusto ko, yun yung sundin niya. Kase, mahal na mahal ko siya. And all I want is to make him happy. To see him happy, even if it hurts me.

Kasama talaga sa pagmamahal ang pagpapalaya. Don't let our loveones to be miserable just to be with us. Love supposed to be unconditional. We shouldn't have to expect something in return. If it's meant to be, it will happen.

I know someday. Someday, someone came into my life and changed everything. Maybe it's not the right time for me, but I believe. In god's perfect time. His plan is better than mine. In god we trust-----.

"Ayokong sabihing 'okay lang yan.' Dahil obvious naman na hindi okay. Kaya mo yan!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang assistant ni Ardee, si Carlo na nakapamulsa habang tinitingnan ako.

Nagpunas kaagad ako ng luha at napasimangot sa lalaking eksenador na ito. Nagmo-moment yun tao dapat hinayaan nalang niya ko.

"Alam mo bilib ako sayo. Siguro kung lahat ng karibal sa mundo kagaya mo, siguro masaya ang mundo."

"Daming satsat!" Iritableng sagot ko at umiwas ng tingin dahil ayokong makita niya ang marahil namumula kong mga mata.

Nag-offer siyang hinatid ako at hindi na ko nag inarte pa dahil makakatipid ako sa pamasahe.

Pagpasok ko palang ng kotse ay sinita ko na siya dahil kay Ardee itong Auto.

"Okay lang yan! Siguradong nakalimutan na ni Sir Ardee ang reality dahil for sure, ngiting tagumpay na yun ngayon." Sabay pagtawa niya. Hindi ako interesadong makinig sa mga kwento niya kaya pinikit ko nalang ang mata ko hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nang ako'y magising ay nasa harap kame ng isang Comedy Bar.

"Tara. Masaya dito para kahit papaano ay makalimot ka," tinanggal niya na ang seatbelt niya at lumabas.

Sumama naman ako sa kanya. May point naman siya at hirap na hirap narin ako, ano man lang ba yung pansamantalang makalimot sa sakit na nararamdaman ko.

Naupo kami sa di kalayuan sa stage at nagsimulang mag okrayan/asaran ang mga Stand Up Comedian doon habang patuloy kami sa pag inom ni Carlo habang nanunuod sa mga performer.

"Ganda oh? Bea..." puri ng isa sa ka-tandem niya.

"Bea Alonzo?" Sagot nito.

"Bea bunda!" At halos lumagalpak ako ng tawa. Laughtrip amputa!

"Alam mo ba friend, kanina may yumakap sakin. Ang pogi pogi!"

"Oh, anong sabi?"

"Hold-up to!" Naghagalpakan na naman ng tawa ang mga tao kasama na kong nakikitawa at nakatitig lang sa kanila.

"Oh, anong ginawa mo?"

"Wala. Sabi ko, halaman ako." Tawanan na naman.

"Gaga. Cactus ka! So ano nga?!"

"Wala. Mamaya masasaksak pa ko edi nagkagripo ako sa tagiliran. E, ikaw, anong gagawin mo?"

"Edi, sasabihin ko. Koya, wag po. Koya, koya, rape nalang." Napapalo na ko sa lamesa sa sobrang sakit ng tiyan ko tiningnan ko si Carlo: Chill lang siya habang nagpupunas ng tubig na namumuo sa gilid ng mata niya sa pagtawa.

Sa mga ganitong panahon pala masarap tumawa dahil kahit corny yung joke, matatawa ka. Ironically, para siguro gumaan yung bigat na nararamdaman mo.

"I had a lot of fun Carlo. Thank you so much!" At napayakap pa ko sa kanya.

Tbc. 🍏

Operation: Moving On ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon