Four

941 29 0
                                    

Unti unti kong minulat ang mata ko, nakita ko siyang nakaupo sa sahig at nakasuot ng underwear at nakahawak sa dibdib niyang nasuntok ko ata.

"Ang bastos mo kase gago ka!" Sigaw ko.

"Nagbibiro lang naman ako eh."

"Nasaan na ba yung damit ko?" Tanong ko at hinanap ng mata ko mga yun.

"Nagmamadali? May lakad? Kain muna tayo... Kainan tayo, sa kama." tapos ay tawa siya nang tawa.

Sakalin ko kaya to! Makita nito.

Agad kong hinanap ang damit at mga gamit ko na napulot ko sa sahig. Nang maayus ko ang sarili ko ay tumungo na ko sa pinto.

"Ihahatid na kita." Sabi niya habang nag aayus din siya.

"Hindi na. Salamat!" Sabi ko at binuksan ko na ang pinto at nagsimulang hanapin ang pinto palabas ng bahay na ito.

Palakad lakad sa loob ng subdivision, naghahanap ng taong pwedeng pagtanungan pero wala akong makita. Ang gaganda ng bahay sa lugar na ito ngunit nasaan ang mga tao? Wala man lang tao sa labas. Jusmeyo.

Babalik sana ako kela Greg pero hindi ko na alam kung saan ito. Oo, naliligaw ako. Good thing is dala ko ang phone ko, habang naghahanap ako ng pangalang Greg sa phonebook ko tsaka ko lang naalala na wala pala akong number niya. Shit!

Shit talaga!

Ang saya. Bwiset! Biglang bumagsak ang ulan at nababasa na ko. Tumakbo ako at naghanap ng masisilungan pero too late. Basang basa na ko! Badtrip talaga. Great! Tss.

🎶 I found a love for me. Darling, just dive right in and follow my lead. I found a girl, beautiful and sweet. 🎶

* Cellphone ringing. *

Kinuha ko ang phone sa bulsa ko.

"Hello."

"Musta?"

Hindi ko nabosesan ang kausap ko kaya naman tiningnan ko ang screen ng phone ko, unregistered number.

"Sino to?" Sagot ko.

"Filipino ka talaga! Hahaha. Sabi ko musta tapos sasagutin mo ko ng sino to? Haha."

"Excuse me?" Nagsisimula na kong mabwiset sa kausap ko.

"Basang basa kana ha? Masarap ba maligo sa ulan? Haha."

"Pakyu ka!" At in-end call ko. Bwiset!

Palinga linga ako sa paligid, kilala ko na ang kausap ko. Sino paba? Edi yung bwiset na nakatira dito.

Napatingin ako sa kotseng pula habang nababa ang bintana ng driver seat at may kumaway sa akin.

Tss. Inirapan ko lang ito.

"Hoyy! Rockie. Baluga ka, tara na! Hahaha." tiningnan ko ito at nakadungaw na.

"Baluga ka din!" Pumunta na ko sa kotse niya at naupo sa front seat katabi niya.

Hinubad niya ang shirt niya at bumalandra sakin ang maputi niyang katawan, pinkish niyang nipple, anim na pandesal at ang maumbok niyang chest. Bwiset. Nai insecure ako.

Binato niya saken yung shirt niya. Great! "Wtf?"

"Tanga. Ipunas mo! Basa ka."

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Habang pinupunasan ko ang leeg at braso ko ay bigla siyang lumapit sakin at hinila paitaas ang damit ko.

"Ano bang ginagawa mo?" Tinulak ko pa siya sa pagkabigla ko.

Lumapit siya sakin at pinilit na hubarin ang shirt ko. "Baka magkasakit ka." Dagdag niya. Thoughtful naman pala. Hindi na ko nakaimik pa hanggang sa natanggal niya.

Nagtama ang aming mga mata at bigla niya nalang akong sinunggaban ng halik. Napapikit nalang ako at narealize na lumalaban sa kanyang bawat pagsiil sa aking labi pero napatigil ako at iniwas ang mukha ko.

"Bakit?" Tanong niya.

"Sorry Greg! Mali to. Mahal ko parin yung ex ko." Pinunasan ko kaagad yung pumatak na luha sa pisngi ko at sinubukan kong buksan ang pinto pero naka-lock ito.

"Sorry Rockie. Nabigla lang ako." Sagot niya. Napatingin ako sa kanya, nakatingin siya sa malayo tila malalim ang iniisip.

Nagsimula siyang mag-drive at hinatid ako sa aking tinutuluyan. Tahimik lang kami buong biyahe at naisip kong baka ito narin ang last naming pagkikita pero isinawalang bahala ko nalang.

Kahit kagabi ko lang nakilala si Greg, masasabi ko namang mabuting tao siya dahil wala naman siyang kahit anong ginawang masama sakin. Actually, ang sweet nga ng mokong na ito e. Napahanga ako.

"Salamat!" Sabi ko bago ko tuluyang isinara ang pinto nang makarating kame sa harap ng tinutuluyan ko. Wala siyang kibo, na-disappoint ata talaga siya nung umiwas ako sa halik niya pero wala naman akong magagawa at wala naman akong pinagsisisihan sa ginawa ko.



"Hi!" Kaway sakin ng isang lalaking naka-blue na suit nang makalabas ako ng Employee's entrance ng Mall ng araw na iyon dahil tapos na ang shift ko. Hindi ko kaagad nakilala ang taong ito dahil wala naman akong kilalang executive na kaibigan hanggang sa... "Carlo?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

Tbc. 🍏

Operation: Moving On ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon