"Ahh!"
Malakas na hiyaw ni Clara matapos siyang sakalin ng kanyang asawa dahil sa aksidenteng pagkatapon niya ng kapeng ipinatimpla nito sa kanya.
"What the h*ll!" Galit na Galit nitong bulyaw sa kanya dahil sa katangahang nagawa niya. Bigla rin itong tumayo at pabagsak na inilapag sa lamesa ang papel na binabasa nito kanina.
Alam na ni Clara ang susunod na gagawin ng mapanakit niyang asawa kaya naman ihinanda niya na ang kanyang sarili para rito. Ngunit gayon pa man, kahit araw-araw na siyang sinasaktan nito ay hindi niya pa rin maiwasan ang hindi makaramdam ng takot sa asawa.
"Ito na nga lang ang gagawin mo, hindi mo pa magawa ng tama!" Nagngingitngit sa galit na sabi nito kay Clara. Habang si Clara naman ay nagsisimula nang manunibig ang mga mata at manginig ang katawan dahil sa labis na pagka-takot sa asawa.
"So—sorry, hindi ko sinasadya." Nanginginig ang ang boses ni Clara habang sinasabi iyon sa asawa. Dali-dali rin itong kumuha ng basahan para punasan ang sahig na natapunan at nabasa ng kapeng tinimpla niya para sa asawa. Hindi niya naman akalain na matatapon iyon at magiging dahilan ng pagka galit na naman ni Dave sa kanya.
"Sorry? Ano bang mapapala ko sa sorry mo? Walang kwenta!" Lumapit ito kay Clara at ginawa ang madalas niyang gawin kay Clara, ang saktan ito physically.
"Dave, maawa ka sa akin, please?" Pakiusap nito habang pilit iniinda ang sakit ng pagkakasakal sa kanya ng asawa. Ngunit sarado ang utak at isip ni Dave para pakinggan ang pagmamakaawa ni Clara.
"Palagi ka na lang hindi mo sinasadya! Kahit hindi mo sinasadya, ginawa mo pa rin! Napaka wala mo talagang dulot sa mundo, bakit nga ba hindi ka na lang mawala, huh?" Nanginginig sa galit na bulyaw niya kay Clara. Bawat pagkakamaling magawa ni Clara ay bumabalik sa kanya ang kasalanang ginawa nito na hindi niya matanggap kahit anong gawin niya.
Galit na galit siya kay Clara kaya hindi niya magawang pigilan ang sarili na hindi masaktan ang dalaga. Kaunting pagkakamali lang nito sa kanya ay labis-labis na galit na kaagad ang nararamdaman niya para sa babae.
"Da-Dave, please?" Muling pakiusap ni Clara kahit na alam niya sa sarili niya na hindi ito makikinig sa kanya. Masyado na itong bulag at nagpapadala sa galit niya kaya kahit anong pakiusap niya ay wala itong pakialam.
Kitang-kita sa mata ni Clara ang labis na pagdurusa sa kamay ng kanyang asawa, at pilit niya itong tinitiis kahit na hindi lang pisikal ang pananakit nito sa kanya.
Unti-unting dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata dahil wala siyang makitang pagka awa sa mata ng lalaki.
Labis na pagka awa sa sarili ang naramdaman ni Clara sa mga sandaling iyon."Maawa? Hahaha!" Lalong hinigpitan ni Dave ang pagkakasakal sa babae at lalong gumuhit ang labis na galit sa kanyang mukha.
"Sa tingin mo ba may awa pa ako sa 'yo pagkatapos ng ginawa mo?" Nanlilisik ang mga matang sigaw niya kay Clara.
Napapikit na lamang si Clara sa labis na sakit na hatid sa kanya ng asawang si Dave. Bukod sa pananakit nito sa kanya physically, madalas din nitong ipamukha sa kanya na wala siyang kwenta, na pinakasalan lang siya nito para makapag higanti.
Mula ng maging mag-asawa silang dalawa sunod-sunod na pananakit na ang natatanggap ni Clara mula sa mapagpanggap niyang asawa.
Ngunit ang lahat ng iyon ay binalewala at tiniis niya alang-alang sa pagmamahal niya sa lalaki.
"Maawa ka, please?" muling pakiusap niya sa asawa na hanggang ngayon ay nag aapoy pa rin sa galit.
Ngunit tila bingi ito. Hindi, nagbibingi-bingihan ito o sadyang wala na itong natitirang pagka-awa sa kanya dahil nababalot na ng galit ang puso nito. Oo, tama, marahil iyon nga ang totoo.
Hindi nito pinakinggan ang paulit-ulit na pagmamakaaawa niya, hanggang sa tuluyan na siyang nanghina, hindi na siya makapagsalita, ipina-ubaya niya na lang ang sarili kay Dave. Doon lang siya marahas na binitiwan ni Dave dahilan para mapasubsob siya sa sahig.
Wala siyang magawa kundi ang tanggapin na ito na nga marahil ang kapalaran niya. Iniisip niya na lang na kabayaran niya ito sa kasalanang nagawa niya noon sa pamilya ni Dave.
Kung puwede lang bumalik sa nakaraan, kung pwede lang balikan ang nakaraan–pipiliin niya na lang sana ang hindi lumaban. Siguro kung hinayaan niya na lang noon ang kapatid nito sa plano nito, sana hindi siya ngayon nag durusa.
Ngunit ang nakaraan ay nakaraan na, hindi na ito puwedeng balikan at ulitin o itama pa. Kaya wala na siyang magagawa para alisin ang galit at poot sa puso ng asawa, ang tanging magagawa niya na lang sa ngayon ay ang magtiis nang magtiis at magpaka tatag para sa sarili niya.
—
What is love?
Love endures everything.
Love is sometimes painful.
BINABASA MO ANG
My Devilish Husband (Under Revision)
RomanceClark Dave De Castro the Devilish husband of Clara Sophia Mendez. Clara was a kind and loving woman but when she got married, her peaceful life become hell. Dave was full of anger, he hates Clara so much because of killing his twin brother. ____ Boo...