Chapter 6

11.2K 240 8
                                    

Dave's Point of View:





Its been 3 months since she left me without telling me about her pregnancy. Hindi niya sinabing buntis pala siya, at halos tatlong buwan ko na ring pinagsisisihan ang kahayupan at kagaguhan kong ginawa sa buhay ni Clara.



Alam kong walang kapatawaran ang ginawa kong pagpapahirap at pananakit sa kanya physically and even emotionally.


Bakit kasi nagpadala pa ako sa galit? Mahal ko si Clara pero hindi iyon naging sapat kasi nangibabaw ang galit na nararamdaman ko. I know I'm late, huling-huli na ako para humingi sa kanya ng kapatawaran sa mga nagawa ko.


Alam kong hindi na maibabalik 'yung dati pero umaasa pa rin akong sana mapatawad niya ako at sana makita ko ang anak namin.


Tatlong buwan ko na rin siyang hinanap at pinapahanap pero walang nangyari. Wala akong makitang bakas o impormasyon kung nasaan talaga siya, pumunta ako ng Korea sa pagbabakasakaling nandoon siya ngunit nabigo lang ako.


Halos mabaliw ako sa kakahanap sa kanya pero talagang tadhana na siguro ang naglayo sa amin.


Kung pwedi lang ibalik 'yong dati pipiliin kong maging mabuting asawa kaysa sa maging kontrabida. Kung pwedi lang sanang ibalik 'yong panahon na mahal ko siya at mahal niya ako.

Iyong time na walang galit at pananakit kundi puro PAGMAMAHALAN at pag-iibigan lang. Ang kaso nahuli na ako, eh. Huli na para sa lahat.

Sa ngayon naka-focus ako sa pag-aaral ko pero bawat oras palaging sumasagi sa isip ko kung okay lang ba si Clara at ang magiging anak namin.


Daig ko pa ngayon ang prisong nag-iisa at nangungulila sa pamilya, kahit sila Mama at Papa ay galit na galit sa akin.



Lahat na lang sila galit, hindi ko rin naman sila masisisi dahil kasalanan ko naman. I don't know if how to survive in this situation. Daig ko pa ngayon ang paunti-unting pinapatay.



"Dave!" Nagulat ako ng makita ko si Mommy. Hindi siya makapaniwala sa nadatnan niya. Nanatili akong walang kibo habang hinihintay ang sasabihin niya.



"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" Inis niyang tanong. Hindi ako umimik.




"Are you trying to kill yourself? Ano ka ba namang bata ka!" Muling sermon niya sa akin.




Sinimulan niya na ring ligpitin ang mga nagkalat na bote ng alak sa bahay ko.





"Itigil mo na 'yang paglalasing mo dahil kahit lunurin mo 'yang sarili mo sa alak ay walang mangyayari sa 'yo, Dave! Binibigyan mo lang ng sakit ang ulo mo sa ginagawa mo! Bakit hindi mo subukang magpakabuti, ang gumawa ng mabuti para naman makita naming nagbago ka na talaga?" She said before finally leaving.



"Thank you." Mahinang sabi ko. Hindi ko alam kong narinig iyon ni Mommy.






Isang bote pa lang ng alak ang nauubos ko kaya naman hindi pa ako nalalasing. Tumayo ako at isa-isang inipon ang mga bote ng alak na nagkalat sa loob ng bahay, itinuloy ko ang ginawa ni Mommy.



Mom is right, hindi ko dapat nilulunod ang sarili ko sa alak dahil wala rin naman itong maitutulong sa akin.







Isa-isa kong ibinuhos sa lababo ang mga natira ko pang alak. I should stop drinking and start doing good things to prove myself that I am still good despite how I treated Clara.






Kinaumagahan, nakipagkita ako sa inutusan kong private detective para maghanap kay Clara. Akala ko may maganda siyang balita sa akin, umasa lang pala ako.




"I'm sorry, Mr. De Castro. Tatawagan na lang kita kung sakaling may improvement sa paghahanap ko sa asawa niyo." Sabi niya. If it wasn't the old me na madaling mag init ang ulo at magalit, maybe, just maybe, nasuntok ko na siguro ang taong ito. Subalit dahil gusto kong mag bago at maging mabuti kaya naman naiintindihan ko siya.



"I understand. Thank you." Kalmado kong sabi bago ako nauna ng tumayo sa kanya dahil may klase pa ako.





"I have to go, Mr. Guevara. May klase pa ako." I told him. Tumango lang siya sa akin.





Habang naglalakad ako pa-labas ng coffee shop, bigla akong may nakitang babae na dumaan sa harapan ng coffee shop na ito. Dali-dali akong naglakad palabas para habulin ang babaeng iyon.




"Clara! Clara, sandali!" Tawag ko sa kanya. Mabuti na lang at nahawakan ko siya sa braso niya kaya napalingon siya sa akin.




"Ano ba?" Inis na tanong ng babae. Pag tingin niya ay nadismaya ako. Akala ko si Clara ang babaeng hinabol ko, nagkamali ako.



"I'm sorry, I thought it's her." Humingi ako ng paumanhin sa kanya. Inirapan niya lang ako bago siya nagmamadaling umalis palayo.




Bakit ko nga ba iniisip na mananatili pa si Clara sa bansa sa kabila ng mga pag babanta ko sa kanya? She's too scared to stay. Kasalanan ko ang lahat, aminado naman ako doon.




Napahilamos na lang ako sa mukha ko bago ko napag pasyahan na dumiretso na lang sa school.




Hindi ko dala ang kotse ko kaya naman nag commute ako papasok sa University na pinapasukan ko.




Nang makarating ako sa school, natigilan na naman ako. Bigla ko na namang naalala si Clara. Magmula sa Bahay, hanggang dito sa University ay alaala niya ang nakikita ko.






"Clara, nasaan ka na ba? Sana naman magpakita ka na sa akin. Pangako, hinding-hindi na kita muling sasaktan, gusto ko rin sabihin sa 'yo na nagsisisi na ako sa mga nagawa ko." Sabi ko sa hangin sa pagba-baka-sakaling maririnig niya iyon.





Cring-ring!



Nang tumunog na ang bell, dali-dali na akong pumasok ng gate para tumuloy sa klase ko.



"Wait for me, Clara! Balang araw, mahahanap at mahahanap rin kita. Sa ngayon, kailangan ko na munang mag aral ng mabuti para kahit papaano ay may mapatunayan naman ako sa 'yo."




Muli kong sabi sa hangin habang tinatahak ang daan patungong fourth floor kung nasaan ang unang klase.







Siguro nga, mukha na akong baliw para sa ibang estudyante dahil nakikipag usap ako sa hangin habang naglalakad, ngunit wala akong pakialam.




Nang makarating ako sa classroom ko ay tahimik akong naglakad papasok.





"Clark Dave Dr Castro!" Masama ang tingin na tawag sa akin ng prof ko. Maybe she's angry because I'm always late to her class.




"I'm sorry if I'm late." Mahinahon kong sabi. Nagulat ako ng biglang tumingin sa akin ang mga kaklase ko. Para bang may nakita silang multo sa klase ng mga titig nila.



"Himala at mahinahon ka yata ngayon? Congrats, naka-perfect ka sa exam!" Iyon pala ang ikinagulat nila. Naalala ko, madalas nga pala akong sumigaw noon. Well, people change.



"Thank you." Naglakad ako paunahan para kuhanin ang test paper na ibinalik sa akin ni Mrs. Lincoln.




'100/100.'



Hindi na masama. Naglakad na ako patungo sa upuan ko at tahimik na umupo. Ramdam ko pa rin ang mga titig ng ibang kaklase ko. Nag kibit balikat na lamang ako.

My Devilish Husband (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon