Chapter 3

11.9K 242 29
                                    

Clara's Point of View:

"Ano ba?"

Dahil sa ginawa ni Dave kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na pagtaasan siya ng boses.

Sabado ngayon at walang pasok kaya nakahiga pa rin ako sa higaan ko dito sa kuwarto ng dating mga katulong ni Dave sa bahay.

Ngunit nagulat na lamang ako ng bigla siyang pumasok. Kagaya ng nakasanayan niya ay galit na galit na naman siya ngayon.

May bitbit siyang isang tabo ng tubig na hindi ko alam kung para saan, gano'n na lamang ang naging reaksyon ko matapos niya iyong ibuhos sa ulo ko sa mismong hinihigaan ko.

Napabalikwas tuloy ako ng bangon para harapin siya.

"Bakit nakahilata ka pa diyan? 'Di ba sabi ko sayo na maghanda ka ng maaga dahil darating sila Mommy at Daddy?"

"Aray!" Reklamo ko matapos niya akong sapilitan na hinatak patayo.

"Mag-ayos ka at magbihis ka ng maayos para mag mukha ka namang tao sa harapan ng mga magulang ko! Ilagay mo na rin sa kwarto 'yang mga gamit mo!"

Bulyaw niya sa akin pagkatapos ay iniwan niya na ako.

Napapahid na lang ako ng mga luha ko. Wala namang nag bago e, iyakin pa rin ako.

Kung tutuusin dapat sanay na ako kay Dave, pero hindi ko magawa. Araw-araw pa rin akong nasasaktan at umiiyak dahil sa ginagawa niyang pagtrato sa akin.

Kagaya ng sinabi niya ay inayos ko ang sarili ko. Pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako ng maayos na damit. Naglagay din ako ng makeup para takpan ang mga pasa na gawa niya.

Matapos kong suklayin ang buhok ko sa harapan ng malaking salamin ay hindi ko maiwasan ang hindi maawa sa sarili ko.

Muli na namang namuo ang mangilan-ngilang butil ng luha sa mga mata ko.

"Ito ba talaga ang gusto niya? Ang araw-araw akong saktan at pahirapan? Bakit hindi niya nalang ako patayin diba?"

"Tapos ano—magiging asawa niya lang ako kapag kaharap ang mga magulang niya?"


"Hindi ito ang buhay na pinangarap ko."

"Sana pala—hindi nalang ako nagpakasal sa kanya. Sana hindi ako nahihirapan ng ganito."


Pagkatapos kong ilabas ang lahat ng hinanakit ko sa harap ng malaking salamin ay kaagad ko rin sinunod ang isa pang utos niya, ang ibalik ang mga gamit ko sa kwarto niya.

Sakto pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko sa aparador sa kwarto ni Dave ay dumating na rin sila Tito at Tita.

"Clara, na-miss kita!" Kaagad na sabi ni tita pagkakita niya sa akin. Mabilis niya rin akong niyakap ng mahigpit. Naluha na lamang ako dahil sa mahigpit na yakap ni tita.

Ngayon ko na lang ulit naramdaman 'yong ganito. Yung tipong may nagpapahalaga sa akin. Halos anim na buwan na kasi akong itinuturing na basura at walang kwenta ni Dave. Kaya naman ngayong yakap-yakap ako ni tita ay tila unti-unting nawawala yung sakit na dulot sa akin ni Dave.

"Why are you crying? Is there something wrong?" Biglang tanong sa akin ni tita.


"Wa-wala naman po, Ma. Na-miss ko lang din po kasi kayo ng sobra." umiiyak kong sagot kay tita. Lalo ko rin hinigpitan ang yakap ko kay tita.


My Devilish Husband (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon