III

25 1 0
                                    

"Wendy.. kailangan nating mag usap." Seryosong sabi ng kaibigan niya.

"Para saan? Nag tatrabaho tayo ngayon pwede bang mamaya na natin pag usapan yan."

"Sige.. pero hindi ko kayang hindi sabihin sayo ang nakita ko. Sabihin mo alam mo bang may kasamang ibang babae sa trabaho si Yoongi."

"Oo alam ko dumaan ako doon nung isang buwan."

"Talaga?"

"Oo nga. Yun lang ba ang sasabihin mo."

"Pano kung sabihin ko sayong nakita ko din silang kumakain sa isang restaurant kanina? Kung makikita mo lang silang dalawa para silang isang cute couple na magkasama sa iisang upuan."

"..anong ibig mong sabihin."

"Alam mo sa tingin ko dapat mong bantayan ang boyfriend mo mukhang mang aagaw ng lalake yung babaeng yun. Hindi sya mukhang katiwa- tiwala."

***

Pagbaba ng taxi ni Wendy sa tapat ng apartment nila gabi na at halos lahat ng ilaw sa poste ay bumukas na.

"Matatapos nanaman ang araw na to at panibagong araw nanaman bukas. Bakit kaya ang bilis lumipas ng panahon?" Bulong niya sa sarili.

Pagpasok niya sa apartment nila napatingin siya sa calendaryo na nakadikit sa pader.

"..anniversary namin ngayon nalimutan nya kaya?" Bulong niya.

Nagpalit muna ng damit si Wendy at lumabas ng apartment para salubungin si Yoongi.

Ngunit lumipas ang 2 oras pero hindi pa umuuwi si Yoongi, ngayon lang ito umuwi ng late.

"Nasaan na kaya siya?" Bulong ni Wendy.

"Kanina pa kita nakitang nakatayo dyan. Wala pa din ba yung hinihintay mo."

Napatingin sa may gilid ang dalaga ng makita niya ang lalakeng nakatira sa tapat ng apartment nila. Si Jimin. Isang buwan nang makalipat sila nang upahan naman ng lalake ang katapat nilang unit.

"Kanina ka pa ba dyan?"

Nagkibit balikat lang ito.

"May gagawin ka pa ata umalis ka na." Naiilang na sabi ng dalaga.

Natawa ito at nilapitan siya. " Yung boyfriend mo mukhang busy sya." Nakasmirk nitong sabi.

Kumunot ang noo ng dalaga. "Andito ka ba para inisin ako? Pwede umalis ka na kasi kanina pa ko naiinis sayo."

"Wendy."

Sabay silang napalingon.

Napangiti si Wendy. "Gi."

Lumapit ito sa kanilang dalawa pero nagulat si Wendy nang biglang hawakan nito ang kamay niya at tignan ng masamang si Jimin.

"Tara na."

Hinila siya nito hanggang sa makapasok na sila ng apartment nila.

"Gi nasasaktan ako." Sabi ni Wendy.

Binitawan siya nito ngunit hindi siya nito nililingon.

"Bakit mo kausap ang lalakeng yun."

"Si Jimin? Sya ang unang kumausap sakin."

"Bakit hindi ka umalis? Bakit kinausap mo din sya?"

"Kasi hinihintay kita, hinihintay kitang dumating."

"Bakit kailangan mo kong hintayin doon pwede naman dito na lang sa loob ng bahay." Inis na sigaw ng binata.

Napatigil si Wendy dahil sa pag sigaw nito. ".. hindi mo ba naaalala?"

The Things I Left Behind (Yoongi Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon