IV

22 1 1
                                    


Lumipas ang ilang linggo nang simula ulit silang lumabas labas ni Yoongi para kumain o di kaya ay magdate sa tabi ng Han River.

Kahit hindi niya nakikitang ngumingiti ang binata masaya pa din siya dahil binibigyan na siya ng time nito.

Ngayong araw ang birthday ni Wendy kaya pinauwi siya ng maaga ng kanilang manager.

Habang naglalakad hindi niya maalis ang ngiti sa labi. Iniisip niya kung ano naman ang gagawin nila ni Yoongi. Saan kaya sila pupunta ngayon.

Nang makarating na siya sa convenience store wala si Yoongi, si Yuna lamang ang nandoon.

"Hello pwede ko bang malaman kung nasaan si Yoongi?" Tanong niya kay Yuna.

Tinignan siya nito."Lumabas siya may inutos sakanya yung boss namin." Sagot nito habang ngumunguya ng gum.

"Ah ganun ba sige hihintayin ko na lang siya sa labas." Sabi niya.

Lalabas na sana siya para hintayin si Yoongi.

"Mmm.. pwede ba kong mag tanong?" Tanong sakanya ni Yuna.

Hinarap niya ito. " Ano yun."

"Pasensya na kung straight to the point na ko pero paano ka nagustuhan ni Yoongi? I mean ang manang mo kasing manamit. Sana di ka magalit sa tanong ko."

Tinignan niya ito at halata naman seryoso sa tanong niya. "Boyfriend ko na sya since 1st college pa lang kami at hindi ko alam ang sinasabi mong manang akong mag damit, dahil lang ba lagi akong nakapalda o di kaya naka jeans manang agad? Ano bang basehan mo para di matawag na manang? Ang manamit ng kulang sa tela? Na kita ang tiyan? Na hanggang puwet na ang iksi ng shorts. Yun ba ang baseshan mo na hindi manang."

Ngumisi ito nang mapang asar. "Palaban ka pala ang akala ko kasi weak ka yung pwedeng tapak tapakan ng kung sino. Nagkamali pala ako. Balita ko 10 years na kayo ni Yoongi may balak ba syang pakasalan ka?"

Napakuno siya ng noo. "Masyado nang personal ang tanong mo bilang katrabaho ni Yoongi hindi ka dapat nakikialam sa personal naming buhay."

"Babae ako Wendy at lalake si Yoongi alam kong nagsasawa na siya sayo kaya sa oras na bumitaw na siya andito ako para saluhin siya. Nararamdaman kong may gusto din sakin ang boyfriend mo kaya wag ka na lang magulat kung isang araw magising kang wala na si Yoongi sa tabi mo."

"Nagtapos ako ng college na may degree kaya hindi ko papatulan ang katulad mo." Seryoso niyang sabi at naglakad palabas ng store.

"Wala akong pake sinasayang mo lang si Yoongi." Habol nito sakanya hanggang sa makalabas na siya ng store.

Sobrang sikip na ng dibdib niya sa sobrang inis na kanina pa gustong sumabog.

'Ang babaeng yun hindi na sya nahiya sakin hindi ba sya natatakot na sabihin ko lahat ng sinabi niya kay Yoongi?' Sa isip niya.

Biglang bumalik sa isip niya ang lahat ng sinabi ni Yuna dahilan para maluha siya sa sobrang inis.

Hindi niya namalayan ang pag dating ng binata.

"Bakit umiiyak ka?" Tanong ni Yoongi na may hawak na itim na plastic.

Yumuko siya saka pinunasan ang pisngi.

"Hindi.. hindi ako umiiyak napahikab lang ako." Palusot niya.

"Anong ginagawa mo dito? Mag a-out ako ng maaga kain tayo sa labas." Sabi ni Yoongi.

"Ha?"

"Basta.. umuwi ka muna uuwi na din ako maya-maya." Sabi nito.

***

The Things I Left Behind (Yoongi Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon