Pagkatapos ng trabaho ni Wendy dumiretso siya sa isang cake shop para bumili ng cake."Ano po ilagagay na dedication?" Tanong ng cashier.
"Happy Birthday."
***
Pag uwi niya nagluto siya ng seaweed soup para kay Yoongi at ilan pang pagkain.
Habang nagluluto ng stew bigla napaso ang kanyang kamay pero hindi na lang niya pinansin ito.
Habang naghihiwa naman ng kimbob nahiwa naman ang kanyang daliri kaya agad siyang tumakbo papunta sa lababo para hugasan ito pagkatapos pinunasan niya at nilagyan ng band aid.
"Bakit ang malas ko ngayon." Inis niyang tanong sa sarili.
9 PM
Nakatitig lang si Wendy sa lamesa kung nasaan nakahanda ang cake at ilang pagkain na hinanda niya. Lumamig na din ang seaweed soup na hinanda niya.
"Nasaan na kaya sya?" Bulong niya.
Napabuntong hininga na lang siya at tumayo para initin ulit ang seaweed soup.
Habang iniinit kinuha niya ang kanyang phone para tawagan si Yoongi nagriring ito ngunit hindi sinasagot ng binata kaya pinatay na lamang niya ang tawag.
"Pinag over time ka ba ngayon ng boss nyo?" Text niya.
Pinatay na niya ang kalan at naupo sa sofa para manuod ng tv habang hinihintay ang pag uwi ni Yoongi.
***
Naalimpungatan si Wendy nang mahulog ang hawak niyang remote. Napatingin siya sa phone niya.
"2 am na.. bakit hindi pa sya umuuwi?" Kinakabahan nyang bulong.
Tinawagan niya ulit ang binata ngunit tulad ng kanina hindi nito sinasagot ang tawag niya.
Ilang beses na niyang sinubukang tawagan ito pero walang sumasagot.
'Gi nasaan ka na ba?'
Tumayo siya at kinuha ang jacket para isuot at lumabas ng unit nila.
Naglakad si Wendy habang hawak ang phone nagbabakasakaling tumawag ang binata sa kanya.
Makalipas ng ilang minuto nakarating na din siya sa convenience store naabutan niya ang boss nila Yoongi habang nagbabasa ng news paper.
Pagpasok niya tinignan siya agad nito.
"Diba ikaw yung girlfriend ni Yoongi?" Tanong nito sakanya.
Tumingin-tingin siya sa paligid nagbabasakaling andoon si Yoongi.
"Mmm.. tatanong ko lang po kung pinag over time nyo ba si Yoongi?" Tanong niya.
Napakunot noo ang lalake.
"Maaga ko syang pinag out kasi Birthday nya kahapon diba? Ang akala ko magkasama kayo ngayon."
Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ni Wendy.
"Hi-hindi pa po sya umuuwi simula kagabi." Naiiyak niyang sagot.
"Talaga? Sabay pa nga silang nag out ni Yuna."
Hindi makapaniwala si Wendy. Hindi na niya alam ang gagawin. Natatakot syang baka may nangyaring masama dito pero ang mas ikinatatakot niya..bakit nito kasama ang katrabaho.
'Magkasama silang dalawa ni Yuna? Ng buong gabi?"
***
Habang nagliligpit ng mga hinanda niya si Wendy biglang nagring ang kanyang phone.
BINABASA MO ANG
The Things I Left Behind (Yoongi Short Story)
Romance"Don't come closer, you'll be unhappy"