"Wag ka nang magpapakita sakin.. kahit kailan." Naiiyak na sabi ni Wendy.Naiinis siya dahil nagawa nitong pag laruan siya hanggang ngayon.
"Hindi ko alam kung anong ginawa ko sayo noon para gawin mo sakin to Jimin."
Hindi na mapigilan ng dalaga ang kanyang pag- iyak bukod sa ginawa sakanya ng binata isa din sa dahilan ay ang nangyari sakanya kanina ng makita niya si Yoongi.
"Im sorry Wendy hindi naman yun ang gusto kong mangyari."
"Ano bang gusto mo?"
".. ang maging masaya ka."
Napatigil bahagya si Wendy. "Ano."
"Oo niligtas mo ako sa mga bully noong college pa tayo at ngayon gusto kong makaganti sayo." Sagot niya saka ngumit. " Gusto ko lang ipadama sayo yung mga naramdaman ni hyung nung iniwan mo sya at maramdaman mong mahal mo pa din sya."
"Jimin.. sa loob ng dalawang taon pagtapos namin maghiwalay ni Yoongi walang oras na hindi sya naiisip at simula nung makabalik ako ng Seoul lahat ng bagay, lugar na dati naming pinupuntahan at ginagawa sya lagi ang naiisip ko. Lagi kong pinag sisisihan na nakipag hiwalay ako sakanya pero ngayon alam kong masaya na sya kung nasaan man siya ngayon sa tingin ko tama din ang desisyon ko dahil nakikita ko na syang masaya. "
"Wendy."
Sabay silang napatingin sa likuran ni Jimin at nakita nilang nakatingin sakanila si Yoongi.
"Hyung."
Hindi makapag salita si Wendy. Bigla syang nanigas sa kinatatayuan niya habang nakatayo sa harapan niya ang binata.
'Gi.'
Naglakad ito palapit sakanilang dalawa.
"..hyung-"
Hindi na natuloy ni Jimin ang sasabihin niya ng bigla siyang suntukin nito at mapaupo sa kalsada.
"..para yan sa pag sabi kay Patrick ng tungkol kay Wendy."
Hindi makapaniwala si Jimin habang nakahawak pa din siya sa pisngi na sinuntok nito. "Hyung."
Tinignan siya niya ang kaibigan habang nakaupo sa kalsada saka tinignan si Wendy na nakatulala sakanya.
"Wend-"
Hindi na natapos ni Yoongi ang sasabihin nang biglang tumakbo palayo sakanya ang dalaga.
"Wendy!" Habol niya.
Sinubukan niyang habulin ito ngunit hindi na niya naabutan dahil nakasakay na si Wendy ng taxi.
Tumigil sa pagtakbo si Yoongi habang hinahabol ang pag hinga at ginulo ang buhok sa sobrang inis.
"Bakit sya tumakbo?"
***
"Bakit ka tumakbo? Sis ang tagal mong hinintay na makita sya ulit tapos tatakbuhan mo lang sya? Ikaw ba ang gumawa ng masama sainyong dalawa." Tanong ni Yura sa kabilang linya.
"Hindi ko din alam kung bakit ako tumakbo.. wala na kasi akong maisip. Nung makita ko syang nakatayo sa harap ko at nakatingin sakin bigla akong nanliit. Yung suot nya, yung mismong sya, dalawang taon pa lang kaming hiwalay pero ang dami na niyang nagawa sa pangarap niya kung hindi sakin sana matagal na niyang naranasan ang ganung buhay. Kinulong ko sya ng sampung taon."
"Wag mong sisihin ang sarili hindi mo wala kang kasalanan tandaan mo yan. "
"Pero Yura pasensya na talaga kung umalis na ako agad sa reception mo."
BINABASA MO ANG
The Things I Left Behind (Yoongi Short Story)
Romantizm"Don't come closer, you'll be unhappy"