VI

25 1 0
                                    


Kinabukasan pagkatapos ng trabaho ni Wendy pumunta siya sa convenience store kung saan nag tatrabaho si Yoongi pero naabutan nya lang doon yung manager.

"Ikaw yung girlfriend ni Yoongi hindi ba?" Tanong nito sakanya.

Tumango na lang siya.

"Hindi sya pumasok ngayon pati na din nung nakaraang araw pati na din nung nakaraang linggo. Andito ka ba para hanapin sya."

Biglang sumikip ang dibdib niya sa nalaman. Nang dahil sa paghihiwalay nila nawala ang trabaho ni Yoongi.

"Kung hinahanap mo sya wag mo sya dito puntahan andoon sya sa food stand sa may kanto lagi ko syang nakikita doon."

"..salamat po."

Naglakad siya papunta sa sinasabi ng manager ni Yoongi, doon sila laging kumakain kapag gusto nilang kumain sa labas.

Pero bago makapunta doon napadaan muna siya sa apartment nila kaya doon muna siya pumunta nagbabakasakaling doon niya makikita ang hinahanap.

Nang makarating na siya sa tapat ng unit nila inincode niya ang password.

'Hindi nya pa din pinapalitan yung pass code.'

Pagpasok niya naabutan niyang walang tao hindi magulo ang buong paligid pero naramdaman niya ang lungkot na bumabalot sa loob.

Naglakad siya papasok ng kwarto nila naabutan niya ang ilang damit ni Yoongi na nakakalat sa sahig at kama.

Natawa sya. "Hindi talaga sya marunong maglagay ng damit sa labahan."

Kinuha niya ang damit at inilagay sa loob ng isang basket pagkatapos binuksan niya ang kabinet niya. Kinuha niya ang ilang damit at inilagay sa loob ng isang bag.

Pagkatapos mailagay ang mga gamit lumabas na din siya ng kwarto.

Narinig niyang bumukas ang pintuan kaya napalingon siya. Nakita niyang napatigil si Yoongi sa pagpasok habang nakatitig sakanya.

Mas pumuntla ang mukha ng binata medyo pale na din ang kulay ng labi nito. Nakasuot ng itim na jacket na napapatungan ng paddle coat.

Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan pakiramdam niya naabutan siya ng may-ari ng bahay na nagnanakaw.

Walang emosyon ang itsura ni Yoongi habang nakatitig pa din sakanya pero hindi niya inaasahan ang biglang pagtulo ng mga luha nito.

"Tss.. kailan ba ko titigilan ng ilusyon ko." Seryoso nitong sabi saka naglakad papunta sa sofa at naupo, pinunasan nito ang pisngi.

Hindi pa din siya gumagalaw at patuloy pa ding pinapanuod ang binata.

'Ilusyon?'

Sumadal si Yoongi sa sofa at pumikit. "Hindi na sya babalik sayo Yoongi tama na ang pag iilusyon." Bulong nito.

Gusto niyang magsalita at sabihing hindi ito nag-iilusyon dahil nasasaktan syang makitang ganito ang binata medyo pumayat din ang mukha nito.

Hindi niya maigalaw ang katawan hindi niya kayang makapagsalita napahigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng bag.

"..ku-kukunin ko lang ang mga gamit ko." Nanginginig niyang sabi.

Hinintay niya kung ano ang magiging reaksyon ng binata pero nakapikit pa din ito.

Pumikit siya at humakbang papunta sa harapan ng binata.

"Yoongi." Tawag niya.

Dahan-dahan nitong inalis ang kamay sa mukha at tinignan siya sa mata.

The Things I Left Behind (Yoongi Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon