IX

31 1 1
                                    


HIS POV

Pagkatapos ng dalawang taon nagawa kong bumalik sa dati kong hilig. Yung pangarap ko pa lang noong bata pa ako hindi ko nakalimutan ang pag compose ng kanta. Nakilala ko si Manager Patrick noong araw na balak kong ibenta sa JYP Entertainment ang kantang matagal bago ko natapos. Ang isa sa mga paborito kong ginawa.

Hindi si Wendy ang dahilan kung bakit pinilit kong kalimutan ang pangarap ko, mahal ko siya at gusto kong ipakita sa mundong kaya kong mabuhay kahit ayaw ng pamilya ko na maging composer ako kaya umalis ako sa bahay at nabuhay kasama ni Wendy sa loob ng sampung taon.

Pero mali ako.. lahat ng mga pinalano mga pangarap ko para samin hindi nangyari, walang may gusto sa mga ginawa ko sinubukan kong ibenta ang mga kanta ko pero walang may gusto kaya napilitan akong mamasukan sa isang convenience store.

Pero may isang pagkakataon sa buhay ko ang hindi ko inaasahang mangyari..ang iwan ako ni Wendy oo alam kong kasalanan ko ang lahat wala man akong ipinangako sakanya alam kong naghintay siya ng sampung taon para makasal kami masyado akong natakot, naunahan ng pride kaya umabot kami sa ganito. Hindi ko sya masisisi dahil nag bago talaga ako, lagi ko syang iniiwasan dahil nahihiya ako sakanya.

Ang sabi niya sakin bago kami maghiwalay na ipagpatuloy ko kung ano man yung pangarap ko kaya itinuloy ko. Ang buong akala ko magiging composer at producer lang ako para sa isang gagawing groupo ng isang entertainment pero mali ako naging isa ako sa groupong iyon at doon nagkita ulit kami ni Jimin yung classmate namin sa college ni Wendy.

Naging successful ang debut namin at nakilala kami bilang BTS.

Ang sabi nila masyado akong tahimik at nakakatakot kausapin pero ayoko lang talagang mag salita ayoko lang noon pa man gusto ko talagang mapag isa pero simula ng makasama ko sila naging maingay na ang mundo ko.

Isang araw nainis ako sa mga kamembers ko dahil masyado sila maingay kaya umalis muna ako ng dorm. Kinuha ko yung black coat ni Jimin na nakasabit sa likod ng pintuan at nagsuot ng black cap at mask.

Minsan kapag may time lumalabas ako mag isa at nagpupunta sa tabi ng Han River para manuod ng fireworks

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Minsan kapag may time lumalabas ako mag isa at nagpupunta sa tabi ng Han River para manuod ng fireworks. Habang naglalakad huminto ako at bumili ng bottled water at dumiretso sa damuhan para maupo. Walang nakakakilala sakin dahil gabi na.

Pagkatapos naming mag debut dalawang beses pa lang ako nakakapunta dito para manuod, lagi kong naaalala yung mga panahong magkasama namin pinanunuod ang fireworks.

'Kamusta na kaya siya ngayon? Ang huling balita ko bumalik siya ng Busan.'

"Wendy." Bulong ko.

Tama sila sa tingin ko masyadong nakakaintimidate akong kausapin pero ang totoo gusto kong mag focus para maging successful at matupad ko ang ipinangako ko. Na sa susunod naming pag kikita pakakasalan ko na sya.

Nag umpisa na ang fireworks katulad ng dati maganda pa din itong panuorin.

"Sana nakikita mo din ang pinanunuod ko ngayon paniguradong masaya ka kapag nakita mo to..sana makita kita uli."

The Things I Left Behind (Yoongi Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon