"Xiara, maraming-maraming salamat talaga sa pagtatanggol mo sa akin kanina. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung hindi ka dumating." pagpapasalamat ni Channie sa akin habang kumakain ako ng cookies and cream donut na binili niya para sa ain.
Nandito kami ngayon sa labas ng bakeshop na katapat ng Kaleesi's Cafe nakatambay dahil hinihintay namin ang sundo ko na dumating. Nalaman kong Channie pala ang pangalan niya dahil sa nakasabit na name tag sa uniform niya. Ang sabi niya sa akin kanina na hindi raw siya nakapasok sa school kanina kasi sinugod sa ospital ang mama niya dahil nasagasaan daw ito ng isang motorsiklo. Late na sana siya papasok kaso naabutan naman siya ng mga kawatan at manyakis na grupong yun.
"Nako, Channie, wala yun. Masama ang ginawa nila sa iyo pati na rin sa akin." Itinaas ko ang kanang braso ko at pinakita ang muscle ko na invisible. "Kita mo 'to? Takot sila rito." pagmamayabang ko sa braso kong maraming fats with bones.
Natawa saglit si Channie. "Pero ang astig mo talaga kanina girl! Idol na kita!" pagpupuri niya sa akin.
I flipped my hair. "Syempre naman! Ako kaya si Arya Stark of Winterfell at kung sino man ang mang-aapi sa mga mahal ko sa buhay ay kikitilin ko ang buhay nila! Hahahaha!" pagbibiro ko habang nagpose ala Arya Stark sabay tawa ng mala kontrabida na nakapagpatawa uli sa kanya.
Nang napagod kami sa kakatawa ay naging seryoso na ang usapan namin. "Kidding aside, mahina talaga ako. Kita mo namang umiyak ako kanina diba? Hindi ako matapang. Best actress lang ako, te. Kung di mo ako binilhan ng donut, baka umiiyak pa rin ako ngayon. Hindi ko ma-imagine yung pinagsasabi nila kanina." pag-amin ko sa kanya.
Ngumiti siya at niyakap ako. "Hindi ka man ang tunay na Arya Stark of Winterfell, ikaw naman si Xiara Elizabeth ng Regina Academia! Ang nagligtas kay Channie the Chabilita!" pagpapagaan niya ng loob ko na kinatuwa ko naman.
"Anong nangyari?"
Napalingon kami sa hingal na hingal lalaki na nakasakay sa kanyang bike at agad lumapit sa amin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pina-ikot-ikot ako.
"Nahihilo ako Kaloy. Tigil na." utos ko sa kanya na agad naman niyang ginawa.
"Wala kang galos."
"Hinarang ako kanina ng mga kawatan at manyak. Niligtas ako ni Xiara pero siya naman yung pinagbantaang ikakama nila." Pagpapaliwanag ni Channie nang tinignan siya ni Kaloy.
Kumunot ang noon ni Kaloy at nanliit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
"Kunin mo ang bike mo. Uuwi na tayo." ma-otoridad niyang pag-utos sa akin na agad ko namang sinunod.
"Bye, Channie!" pagpapaalam ko kay Channie bago sinimulan ang pagpadyak.
BINABASA MO ANG
Our Not So Romantic Love Story
ChickLitMeet Xiara Elizabeth Abrenica ay isang masayahing babae na walang pakialam sa kung ano man ang kinalabasan ng grades niya. Bobo, panget, at pandak ang bansag niya sa kanyang sarili. Kahit sa totoo lang ay ayaw niya namang mag-aral, pumapasok pa rin...