six

90 5 4
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


~•~

"Kilala mo?"

"Hindi. Nakasalubong ko lang kanina." Sagot ko sa tanong ni Jhing.

Inayos ko ang pagkakaupo ko nang lumingon si sir Ocampo sa banda ko.

"Magandang umaga! Ako nga po pala si Briley Simeon Vizcaino. Pero tawagin niyo lang ako sa pangalang Lee. 16. Galing St. Carmen International School." Pagpapakilala nung transferee sa kanyang sarili.

"Any questions for Mr. Vizcaino bago natin siya paupuin?" Tanong ni sir.

"Bakit ka nagtransfer dito sa  Montecarlos National High School? Ang ganda pala ng school na pinanggalingan mo." Tanong agad ng kaklase kong si Shanna.

Si Shanna ang bestfriend ni Rhian. Siya rin ang palaging third honor sa klase namin. Maldita siya at palagi niyang pinagtatanggol si Rhian. Inaaway niya rin yung mga lalaking nagkakagusto kay Rhian. May mahaba siyang buhok pero lagi namang nakaponytail. Kasing tangkad ko lang rin siya na 5'2.

"Nagtransfer po ako kasi lumipat po kami ng bahay at dito na rin nagtatrabaho ang papa ko." Sagot ni Lee.

"Teacher din ba siya?" Tanong naman ni Mexie.

Si Mexie naman ay may maiksing buhok ngunit mas mahaba pa yung buhok niya kaysa sa akin. Matanong siya na estudyante. Siya rin ang isa sa mga palaging perfect kapag may oral recitation kami. Idol ko siya sa bagay na yan. Lagpas langit kasi kapag ako yung sumagot, pero kapag siya ay pasok na pasok sa mahiwagang baul ni lola Basyang talaga!

"Siya ang coach ko." Sagot ni Lee sa tanong ni Mexie.

Sabay-sabay silang na pa 'woah'.

Ako naman, broken hearted pa rin. Mas masakit pala ang mareject ka dahil may iba kaysa sa mareject ka dahil ayaw niya lang sa 'yo. Akala ko ako pipiliin niya kasi mas madaling magpractice kapag kapitbahay lang kayo ng kaklase mo pero si Rhian ang pinili niya.  Masakit pala talaga mag-expect. Di na ako mag-eexpect o mag-aassume basta gagawin ko ang dapat kong gawin.

"Okay. Tama na yan. Lee, you may now sit down on that vacant chair." Sabi ni sir Ocampo sabay turo sa vacant chair sa harapan ni Jhing.

"Bossing." Bulong niya nang makalapit na siya at umupo sa silya niya. Tinanguan ko naman siya bilang tugon.

Paglingon ko sa kaliwa ko ay nakatingin pala si Kaloy sa akin. Inirapan ko kaagad siya at pilit na nakinig kay sir. Ang sarap sabihan ng 'anong tinitingin-tingin mo diyan? Gusto mo bang makita ang mukha ng pusong binasag mo?!'. Pero echos lang.  Strong ang heart ko. Di madaling nababasag.

Nagsimula nang magdiscuss si sir ng statistics and probability niya. Inaantok na ako pero kakayanin! Para sa bayan! Para sa kinabukasan ko! Para sa love life ko! Chars. Lamporeber pero baka ako magkakaron kahit lampag-asa ngayon.

Our Not So Romantic Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon