seven

121 3 2
                                    

~•~

"Though sometimes when life brings me down,
You're the cure my love,
In a bad rainy day,
You take all the worries away."
- I Like You So Much, You'll Know It, ALSB (English version by Ysabelle), 2018

~•~

"Nasa counter si Sir Lindo. Alis na tayo." Biglang kaming naalerto sa ibinulong ni Luis.

Dahan-dahan kaming tumayo habang nakayuko, bitbit ang mga bag namin.

Nakita namin ang isang matandang lalaki na naka asul na uniporme ng mga guro sa paaralan namin, si Sir Lindo. May katangkaran siyang katulad ng kay Kaloy. Hindi pa gaanong kaputi ang kanyang buhok. Siya ay may maliit na mata at matangos na ilong.

Kausap ni sir Lindo yung babae sa counter nang mahagilap niya kami at dali-dali kaming tumakbo papunta sa kanya-kanyang bike namin.

"Flat yung bike ko." Bulong ko at agad akong hinila ni Kaloy pasakay sa bike niya.

"Kumapit ka ng mabuti." Utos niya sa akin na siyang sinunod ko naman at agad na siyang nagtindak.

Mabilis ang takbo namin at malakas ang hampas ng hangin sa aking beautiful face. I smiled and raised my hands up high and felt the cold breeze. Ramdam ko ang kalayaan habang nakatanaw sa napakaberde kong palihid. Maraming mga puno at halam sa lugar namin dahil ito ang pinakapinapahalagahan ng Mayor dito. Nakakatanggal din ito ng masasamang hangin kaya maaliwas na maaliwalas ang humahampas sa mukha ko.

Ang excitingness pala talaga nito! Hindi ko alam kung saan na sila Jhing.   Nagkahiwalay-hiwalay na pala kami.

Napakapit ako ng mahigpit kay Kaloy nang mas nilakasan pa niya ang pagtindak niya.

"San mo gusto pumunta muna?"

Mas lumawak ang ngiti ko sa tanong niya.

"Sa tabing-ilog."

Mas bumilis ang takbo niya at napakamit naman ako sa kanya ng mahigpit.

Nakapikit ako habang dinadama ang simoy ng hangin. Naka upo na kami ngayon sa damohan. Walang niisa sa amin ang nagsasalita. Sa katahimikan nami, punong puno na ang utak ko sa pag-aalala kay Erina at sa magulang namin.

Nakakain na kaya sila? Maayos ba tulog nila? Kumusta kalagayan ni Erina? Ano kaya ang resulta sa sakit ni Erina? Gagaling pa kaya ang kapatid ko? Hanggang kailan  kaya sila doon?

"Did your mom call?" basag niya sa katahimikan.

Tumango ako. "Tumawag sila kahapon nung pagdating nila. Nagtext rin sila kaninang umaga. Na-examine na daw si Erina. Mamaya na malalaman ang resulta."

Lumingon si sakin at ngumiti ng konti. "Erina's a strong girl. Malalagpasan niya 'to." He said as he pats my back.

Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi dahil sa kilig kung hindi ay dahil sang-ayon ako sa kanya.

Erina... "Owemji! Si Erine! Susunduin pa natin!" Biglang sigaw ko nang ma realize ko na hindi pala namin nabigyan ng susi ang kapatid ko.

Bumangon agad si Kaloy at agad na kinuha ang bike niya. "Tara."

Agad akong sumunod sa kanya at sumakay.

~•~

"Ate, kuya, sabihin niyo na. Nagdate kayo kaya nakalimutan niyo ako." Pangungulit slash panunukso sa amin ni Erine. Sige, Erine, tuksuhin mo pa kami. Para magkakatotoo. Omjii.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Not So Romantic Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon