"Shǎzi... Alam mo ba ang ibig sabihin niyan?" tanong ni Kaloy sa akin matapos niya ako abutan ng tubig. Tinaasan ko lang siya ng kilay bilang isang sign na hindi ko alam. Ayokong yugyugin ang ulo at baka mahilo ako. Ang sakit-sakit pa ng buong katawan ko lalo na yung pwet ko. Pagbagsak ko kanina si Jhing ang sumaklolo sa akin. Parang nanghinayang pa nga ako na hindi si Kaloy pero thankful rin naman ako kasi I can't let him see my body until we're married.
"It's a Chinese word. It means fool. Tanga." pagpapatuloy niya. Tignan mo nga 'tong lalaking 'to.
"Oo na. Oo na. Tanga na kung tanga basta cute pa rin ako. Hmp!" pagmamaktol ko bago nagtangkang tumayo pero di rin naman nagawa kasi sumakit bigla yung likod ko kaya napabalik agad ang pwet ko sa sofa.
"Hwaaaaaaah! Mama!" Mangiyak-ngiyak kong sigaw pero bigla rin naman akong napatigil nang makarinig ng halakhak.
"Ate, wala na atang mas tatanga pa sayo." natatawang sabi ni Erina sakin.
"Fact." pagsang-ayon ni Kaloy sa sinabi ng kapatid ko. Nagpose naman agad si Erina ng 'babarilin kita' style patungo kay Kaloy gamit ang kamay niya at umakto naman ang lalaki na natamaan kuno siya.
"Sino ba talaga ang magkapatid? Kayo? O tayong dalawa?" inis-inisan kong tanong na binungisngisan lang ni Erina. Yung nakabusangot kong mukha ay naging ngiti na rin. Masaya akong nakikitang tumatawa ang kapatid ko.
"Di niyo ako binilhan?" Tanong ko kay Jhing nang pumasok sila sa loob ng kwarto habang kumakain ng Magnum.
"Di ka nagsabi, ate." sagot ni Erine sa tanong ko habang nilalantakan ang Magnum Classic niya.
Tulala na lang akong nakatingin sa kanila. Feel ko tutulo na ang laway ko kaya iniwas ko na ang mga mata ko sa magnum at nagsimulang tumayo. Iniunat-unat ko ang katawan ko bago magsimulang maglakad.
"Pinapauwi ka na ng mama mo. Siya na muna daw ang magbabantay kay Erina. Isasama natin si Erine." sabi ni Kaloy sa akin.
"Ha? Eh, pano si Erina? Hindi pa naman dumadating si mama." tanong ko sa sinabi niya.
"Ako na ang bahala, besh. Uwi na kayo." pagpepresenta ni Jhing.
"Okay lang ako, ate. Uwi na muna kayo." sabi ni Erina.
Lumapit ako sa kanya, niyakap siya at hinalikan sa noon. "Magpagaling ka, baby." bulong ko sa kanya.
"Opo, ate." sagot niya sabay ngiti.
~*~
Nagpaalam na kami kina Erina at Jhing. Si Kaloy ang nagbitbit ng gamit habang hawak-hawak ko naman si Erine. Hindi ko maiwasang mapangiti. Para kaming happy family. Imaginin niyo na lang yung heart emoticon na lumalabas sa akin dahil sa kilig. Lablablab~
"Ate, ano na naman yang iniisip mo?" naputol ang pagmumuni ko nang tanungin ako ni Erine.
BINABASA MO ANG
Our Not So Romantic Love Story
ChickLitMeet Xiara Elizabeth Abrenica ay isang masayahing babae na walang pakialam sa kung ano man ang kinalabasan ng grades niya. Bobo, panget, at pandak ang bansag niya sa kanyang sarili. Kahit sa totoo lang ay ayaw niya namang mag-aral, pumapasok pa rin...