four

69 3 3
                                    

Sabado. Hindi ko alam kung naglilihim ba 'to sa amin ni Erine sina mama at papa o sadyand paranoid lang talaga ako. Sigurado akong nasabi na ng doctor ang totoong kalagayan ni Erina pero everytime na tatanungin ko sila ay humahanap sila ng paraan para umiwas. Kahit aalis na sila, di pa rin nila sinasabi sa amin.

Kakatapos ko mag-empake. Ayoko sana kasi sa kabilang bahay lang naman kami lilipat pero pinilit talaga ako ni mama. Wala na tuloy akong excuse kay Kaloy para masuot ko yung shirt niya.

"Anak? Tapos ka na diyan?" Boses mula sa labas ng kwarto ko.

"Opo, pa. Lalabas na." sagot ko.

Lumabas na ako ng kwarto bitbit ang travel bag at nakasalubong ko agad si papa. Kinuha niya sa akin ang bag ko at sabay kaming naglakad patungo sa sala.

"Anak, magpakabait kayong dalawa ni Erine, ha? At 'tsaka may hihingin rin sana akong pabor sayo." Simula ni papa matapos niyang ilabag ang bag ko.

Hinawakan niya angagkabilang balikat ko. "Mahal kita, anak. Mahal ko kayo ng mga kapatid mo at wala na akong ibang iniisip kundi ang kapakanan niyo." Tumango ako kay papa bilang pagsang-ayon at pagpapakita na alam kong mahal niya kami.

"I know that you are capable of doing amazing things, anak. Be yourself and let it out. Ilabas mo ang talentong nakatago sa iyo. I know ginagawa mo na ang makakaya mo sa pag-aaral, but you can do better, anak. Trust yourself. Gusto rin ni Erina na sa pagbalik namin, mataas na daw ang grades mo."

"Pa, naman, eh. Alam niyo namang hindi ako -"

"Sabi nga ni Bruce Lee, anak, 'as you think, so shall you become', kaya kung ako sa'yo, isipin mong magaling ka at kaya mo. Sabihin mo parati yan sa sarili mo sa harap ng salamin araw-araw at alam kong gagaling ka. 알았어(Arasso)?"

"네, 알았어. (Ne, Arasso.)" Pagsagot ko kay papa at agad naman niya hinaplos ang aking ulo.

"Ikaw pa, ha. Anong Kdrama pinapanuod mo ngayon?" Panunukso ko kay papa.

Lumilingon muna siya sa paligid at mas lumapit sakin upang bumulong.

"Kakatapos lang namin panoorin ni Erina yung 화유기(Hwayugi) or A Korean Odyssey ba yun. Naawa ako kina Jin Seon Mi at Son Oh Gong." Sabi ni papa tapos bigla siyang naluha. Naexcite tuloy akong panoorin yun! Pinaiyak si papa eh. Hahaha.

Hinaplos-haplos ko ang likuran ni pa. "Okay lang yan, pa. Panoorin ko yan mamaya, ha."

Napatigil si papa sa pagdadrama at tinignan ako. "Pwede mong panoorin kung makakasama ka na sa honor list."

"Hinahamon mo ba ako, pa?" tanong ko kay papa na parang isang siga sa kanto.

"Oo. Bakit? Lalaban ka?" masiga ring tugon sa akin ni papa.

Kahit pabiro ang tanong ni papa alam kong seryoso siya sakin sa tanong niya.Lalaban nga ba ako? All my life hindi ako nagpadala sa pressure sa eskwela. Wala akong siniset na standard para sa sarili ko. Kung anong pwede sa akin, yun na. Kaya hindi ko alam kung saan aabot ang abilidad ko. Hindi ko alam kung saan ako magaling. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya ko. Kung lalaban ako, hanggang saan kaya?

Naging seryoso ako at tumayo ng matuwid bago sagutin si papa. "Opo. Lalaban ako."

Nabigla si papa sa sagot ko dahil alam niyang seryoso na ako sa sinabi ko. Napangiti siya at niyakap ako ng mahigpit. "Ganyan nga, anak. Ganyan nga." sabi niya sabay tapik sa likod ko.

"Oy, ano yan? Ba't kayo lang?" Sulpot ni mama sa likuran ni papa sa bandang kusina.

Lumapit si mama sa amin at nakisali na rin.

~*~

"Ma, pa, Erina, mag-iingat kayo ha. Mag-chat kayo ha. Wag niyo ako i-seenzone."

"Syempre naman, anak. 'Tsaka ikaw ang wag mangseenzone. Di ka nagrereply sakin o di kita macontact kaya si Kaloy na tuloy yung naaabala ko parati."

"Ikaw naman ma, ang serious mo. Pero promise po, I'll keep you updated." sagot ko kay mama.

Tumingin ako sa kapatid ko at bumaba hangang sa height niya upang maging patas ang lebel ng tingin namin. "Mag-iingat ka baby girl. Magpagaling ka ha." sabi ko sa kanya bago niya ako niyakap ng mahigpit.

"Opo, ate. At sa pagbalik ko, honor student ka na, ha." pagbibiro niya.

Mahina akong tumawa at pinakawalan siya. I patted her hair and smiled at her.

"I will." sagot ko.

"Ako naman." pakiki-eksena ni Erine sa tabi ko na kanina pa nababagot.

Nagyakapan ang dalawa at nagsimula nang mag-iyakan.

~*~

Sabi ng mga magulang ko, matalino daw ako pero hindi ko alam kung seryoso ba sila o nagbibiro lang.

They told me that I was an honor student back when I was in kindergarten. Ako rin daw parati ang first honor since grade 1 hanggang 4 bago ako nawalan ng ala-ala. They never told me what exactly happened but I think it was devastating. Kailanman ay hindi na nabanggit pa sa akin yun pero ang malalim na sugat ay parating nag-iiwan ng peklat.

Naputol ang pagmumuni-muni ko sa veranda ng bahay ni Kaloy ng may nag-abot sa akin ng Magnum.

"I thought you need this." Aniya habang inaabot parin sa akin ang Magnum at kumakain rin ng kanya.

Napakacaring talaga ng lalaking to.

Wag mo na naman nga akong pakiligin!

"Salamat." I answered cooly sabay tanggap sa inabot niya.

"Nakatulog na siya." Tukoy niya kay Erine.

"Thank you. Sa amin, siya talaga pinakaapektado. Dikit na dikit sila since birth. Naisip ko nga noon na baka hanggang sa magkaasawa na sila, magkasama pa rin." I slowly chuckled at the thought.

"Yeah..."

We were just there in silence eating our Magnum. Umaasa at nagdarasal ako na gagaling ang kapatid ko.

Our Not So Romantic Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon