"Lalalala, nananana." mahinang pagsabay ko sa kantang pinapakinggan.
Hay, walang kuwentang buhay. Himutok niya sa sarili. Kung may parangal man sa pinakamalas na taong nabubuhay ay tiyak waging wagi siya.
Kasesesante lang niya mula sa pinagtatrabahuan.
Basagulera ka kasi! paninisi niya sa sarili.
Ang manyak naman kasi ng matandang iyon. Katwiran niya, kaya tama lang ang ibibigay niyang suntok.
O, ngayon? Anong napala mo ha Summer?
Napabuntong hininga siya.
Hindi pa siya nakakapagbayad ng upa sa tinutuluyan niyang kuwarto at tiyak susugod uli mamaya ang landlady niya.
Napaungol siya. Ano ba namang klaseng buhay to?
Ipinagpatuloy nalang niya ang ginagawang assignment na kailangang maipasa kaagad bukas.
Mabuti na nga lang at nakakuha siya ng scholarship sa pinapasukang paaralan ngayon. Pagkatapos ng klase ay dumidiretso siya kaagad sa pinagtatrabahuan na siyang pinagkukunan niya ng pambayad sa kuwarto at pagkain niya.
Anong gagawin mo ngayon? At saan ka kukuha ng pambayad ha?
Kung bakit ba kasi siya nagkaroon ng duwag na ama. Nang malaman kasi nito na nabuntis ang nanay niya (siya yun) ay kaagad nalang itong nawala na parang bula. Namatay ang nanay niya anim na taon nang nakakaraan sa hindi malamang sakit (wala naman silang pera para magpasuri sa ospital) ay pansamantalang kinupkop siya ng isang malapit na kapitbahay. Mabait naman ang matanda sa kanya pero ipinanganak na yata siyang tangan ang kamalasan dahil muntik na siyang ma-rape ng asawa nito. Kaya nagpasya siyang lumayas at tumayo sa sariling mga paa.
Heto siya ngayon, isang babaeng mag isang namumuhay at sumusuporta sa sarili. Natuto siyang maging matatag at lumaban para sa sarili.
Naputol siya sa ginagawa ng makarinig ng malakas na kalampag mula sa kanyang pinto.
Mukhang kailangan muna talagang maghanap ng trabaho. Hay.