Chapter 5

7 1 0
                                    

Naglalakad si Summer papunta sa mansyon ng mga Grey. Katatapos lang niyang dumaan sa shop na dating pinagtatranahuan upang humingi ng cold compress kay Casey para sa nananakit niyang braso. Habang pinagtataguan kasi niya si Eros ay aksidenteng nadulas siya at naitukod ang kanang braso. Hindi niya alam kung nakita ba siya ng binata dahil kaagad siyang tumayo at tinungo ang exit gate. Nitong mga nakaraang araw ay mas lalo pang kumulit ang binata. Mabuti nalang at nakakapagtago siya sa tuwing namamataan niya ito. Wala ba itong mga kaibigan na mapapagbalingan nito ng atensyon? Nagbuga siya ng malalim na hininga. Mabuti na nga lang at tinutulungan siya ni Apollo upang hindi sila mapagsolo ng binata. Dahil kung napakakulit nito sa school ay doble doble pa pagdating sa masyon. Ewan niya kung saan nito nakukuha ang enerhiya nito. May sa demonyo ata ang isang iyon. Mabuti na nga lang at hindi parin siya nito nakikilala dahil kapag nangyari yun ay hindi na niya alam kung ano ang gagawin ng binata sa kanya.

"Summer Steele!"

Napapitlag siya ng marinig ang pagtawag na iyon na sinabayan pa ng isang malakas na busina. Hindi pa pala niya nasasabi na isa ang kumag na ito sa nag co-contribute sa noise pollution ng mundo. Nilingon niya ito.

"Hi!" nakangiting bati nito mula sa loob ng sasakyan.

Nanatiling tikom ang kanyang bibig.

Bumaba ito sa itim na sports car. "Saan ka pala papunta? Uuwi ka na ba? Ihahatid na kita?" walang prenong tanong at pag o-offer nito.

"Wala kanang pakialam kung saan man ako pupunta. Hindi rin ako uuwi at lalong wala akong planong magpahatid sayo." Pagsagot niya sa lahat ng tanong nito.

He was still not taken back. Kahit anong pagtataray niya ata ay hinding hindi tatablan ang binata. Ngumiti lang ito nang matamis. "May part time job kaba?" tanong nito.

Nagulat siya sa tanong nito. "W-wala kanang pa-pakialam kung anong ginagawa ko." Sheyt, wag kang mautal Summer. Iniiwas niya ang paningin rito. "Tigilan mo na ako." nagmamadaling iniwan niya ang binata.

Nang masigurong wala na ang binata ay saka niya tinungo ang daan papunta sa masyon. Hindi na naman siguro mag aabala ang binata na sundan siya.

"Bakit late ka?" salubong na tanong sa kanya Aaron.

"Nasundan kasi ako dito ng amo natin galing sa paaralan." pagkukuwento niya.

Tumalsik ang isang kilay ng binata. "Buko kana?" tanong nito.

Umiling siya. "Malapit na sana, kung hindi niya ako tinawag ay tiyak na nasundan niya ako dito."

Napailing naman ito. "Lucky you."

Nakagat niya ang pang ibabang labi. "Nandito naba siya?" tanong niya.

Tumango ito. "Kanina pa and he's looking for you."

Kinabahan siya. "Eh si Apollo?"

"Tsk, tsk, tsk. That's another bad news. Isinama siya ng Lola nila."

Patay. "S-sige, magbibihis na ako." pagpapaalam niya.

"Wag kang magpapahuli!" paalala pa nito.

Inirapan niya ito. "Che! Magluto kana nga lang diyan!"

Isang malutong na tawa naman ang ginanti nito.

Kumatok siya ng tatlong beses. "Sir?"

Walang sagot mula sa loob. Baka naman nasa labas. Sa isiping iyon ay nagkalakas siya ng loob na buksan ang hindi naman naka lock na pinto at pumasok sa loob. Nang makapasok ay hindi niya nakita si Eros. Narinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Nasa CR paka siya.

Kaagad na sinimulan na niya ang trabaho. Baka abutan pa ako. Matapos ang labing limang minuto ng paglilinis ay narinig niya ang paghinto ng lagaslas mula sa banyo. Patay tapos na ata siya. Makalipas ang isang minuto ay narinig naman niya ang unti unting pagbukas ng pinto. Nakagat niya ang panloob niyang pisngi.

"Hi Massy." bati nito.

Hindi niya ito nilingon. Massy ang ibinigay nitong pangalan sa kanya, at hindi niya alam kung bakit. Ipinagpatuloy niya ang trabaho.

"Are you ignoring me?" tanong nito.

"Masakit ang lalamunan ko Eros." pagdadahilan niya. May bahid naman iyon ng katotohanan dahil hindi naman talaga madaling mag iba ng boses.

Naramdaman niya ang paglakad ng binata papalapit sa likuran niya. "Anong nangyari dito?" tanong nito at hinawakan ang braso niyang binalutan ni Casey ng benda. Sigurado siyang mamamaga na iyon mamayang gabi.

Kasalanan mo 'to! "W-wala ito." napangiwi siya ng makaramdam ng sakit dahil bahagyang may diin ang pagkakahawak nito.

Hinawakan ni Eros ang magkabilang balikat niya at pinihit siya paharap dito. Giving her the view of his eight pack abs. His chest is really worth dying for. Tanging isang puting towel lang ang nakatapis sa beywang nito. Bahagya pang namamasa ang katawan nito, looking more yummy. Teka ano ba itong iniisip ko? Ipinikit niya nang mariin ang mga mata. "Bakit hindi ka nagdadamit?" mahinang tanong niya at halos bulong nalang.

"Why would I? This is my room." arognteng sagot nito. "Now answer me, saan mo nakuha ito?" pagtukoy nito sa injury niya.

Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata at hindi sinagot ang tanong ng binata.

"Massy." may diing ani nito.  Nagbuga ito ng isang marahas na hininga. "Open your eyes." he commands.

Dahan dahan niyang ibinuka ang mga mata. Ang lapit lapit ng mukha niya! Napalunok siya.

"Now, tell me. Were did you got that injury?" mahinahong tanong nito. "Binubugbog kaba ng boyfriend mo?" maya maya ay tanong nito.

Nanlaki ang mga mata niya. "Hindi!" kaagad na sagot niya.

Tila nakahinga naman ito ng maluwag. "Good. Now answer my question."

"Nadulas ako kanina." sagot niya.

"How?" tanong nito.

Ang kulit naman nito. "May makulit kasing humahabol sakin." At ikaw yun!

"Pinatingnan mo na ba ito sa doktor?"

"Hindi na kailangan." balewalang sagot niya. "Si-sige."Kinalas niya ang sarili mula sa pagkakahawak nito. "Tapos na ako sa trabaho ko dito." nagmamadaling kinuha niya ang mga gamit panlinis at tinungo ang pinto. Mukhang malapit na siyang mabuko ng binata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's Not His Damsel In DistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon