Chapter 3*

5 1 0
                                    

"Sigurado kabang ito na yun?" naninigurong tanong ni Summer kay Casey. Namamanghang pinagmasdan niya ang mala palasyong bahay na iyon.

Humahangang sumagot naman ang katabi. "Oo eto na nga yun. Diyan nag tatrabaho ang pinsan ko."

Habang tinitingan ang bahay ay kinabahan siya. Baka naman halimaw ang nakatira diyan. "Sigurado kabang tao ang nakatira diyan?" naninigurong tanong niya.

"Mag door bell nalang kaya tayo, baka hindi ka pa matanggap kung tatayo lang tayo rito." paghila sa kanya ni Casey.

Tumango siya. "Sige, pero ikaw na ang pumindot ha. Kinakabahan ako eh."

"Sige " anito sabay pindot sa doorbell.

Mula sa loob ay sumungaw ang isang ulo ng babae na tantiya niya ay mas matanda sa kaniya ng ilang taon. "Kristine?" tila inaasahan na sila nito

Sumimangot si Casey. "Bakit mo ba ako tinatawag sa kanyang pangalan Ate Aden?"

"Bakit? Ano bang nakalagay sa birth certificate mo?" inosenteng tanong nito.

"Kristine." sagot naman nito.

"O iyon naman pala eh, bakit mo ba kasi ipinagpipilitan yang palayaw mong maarte?" sagot nito at ibinaling ang paningin sa kanya. "Eto na ba iyong kaibigan mong sinasabi mong nangangaikangan ng trabaho?" pinasadahan siya nito ng tingin.

"Oo siya na nga Ate." tumatangong sagot nito.

Ngumiti sa kanya ang pinsan ni Casey. "Ikaw pala si Summer. Nice to meet you. Pumasok na tayo, tamang tama nandito si Madam na siyang nag iinterview." yaya nito  sa kanya. Bumaling naman ito kay Casey. "At ikaw Kristine, umuwi kana. Baka hinahanap kana ng Nanay mo." pagtataboy nito sa pinsan.

Ngumuso naman ang kanyang kaibigan. "Puwede naman siguro akong pumasok kahit sandali." ungot nito.

"Hindi pu-puwede at baka masesante pa ako." matigas na ani nito sa kawawang si Casey.

"Pero..."

"Wag nang matigas ang ulo Kristine." nagbabantang tono ang ibinigay nito.

Laglag ang balikat na nagpaalam ito sa kanila.

Hinila na siya nito. "Tayo na?"

Tumango siya. "Sige po."

"Ang laki naman po ng bahay ng amo niyo Ate." komento niya habang binabagtas ang daan papunta sa likod bahay.

Tumango naman ito, "Malaki talaga. Nung unang araw ko nga rito ay naligaw ako sa laki." pagkukuwento nito.

Napangiti siya. "Buti nakalabas pa kayo." pagbibiro niya.

Natawa ito ng bahagya. "Buti nga at nakita ako si Sir."

Kumunot ang noo niya. "Sir?"

"Oo yung..." napatigil ito sa pagsasalita at muli siyang pinasadahan ng tingin.

"Ba-bakit titig na titig ka?" tanong niya.

Bumuntong hininga ito. "Tingnan mo nalang sa loob." anito saka mas lalong binilisan ang paglalakad.

Kaagad na humabol siya rito at hindi na muling nagtanong.

May beauty pageant bang nagaganap? tanong ni Summer sa sarili.

Bakit posturang postura ang kababaihang nakalinya sa harapan niya? Nagseseksihan ito sa mga suot na damit at ang kakapal ng mga make up.

Hindi siya nakatagal at kinalabit ang katabi. "Talaga bang ganito rito?" tanong niya.

She's Not His Damsel In DistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon