Nagmamadaling naglakad siya sa hallway.
Late na ako!!
Hindi siya nakatulog kaagad kagabi dahil wala nang ginawa ang mag asawang nakatira katabi ng kuwarto niya kundi ang mag away buong magdamag.
Mabilis na tinatahak ang daan patungo sa first class niya ng nakayuko. Ganoon naman talaga siya. Ayaw niyang pinapakialaman siya kaya hanggat maaari ay pinapanatili niya ang sariling invisible sa paaralan. Tutal paaralan naman ito ng mayayaman.
Mayayamang ang sasama ng ugali.
Nang makarating siya sa classroom ay napausal siya ng pasasalamat ng mas late pa pala ang english teacher niya.
Tahimik na umupo siya sa bakanteng upuan. Habang ang iba naman niyang kaklase ay busy sa pakikipag tsismisan ang iba naman ay busy sa pagmi-make up. Wala naman siyang kaibigan kaya wala siyang ibang ginawa kundi ang tumunganga.
"Eros! Congrats!" malakas na bati ng isa nilang kaklase sa kapapasok palang na si Eros.
Naghiyawan naman ang iba pa niyang kaklase lalo na ang mga babae.
Si Eros Grey ang itinuturing na isa sa mga popular na lalaki sa Riverland Academy.
Mukhang nanalo na naman ito sa football game na naganap kahapon.
"Thanks brod." pasasalamat nito.
"Ahm Eros..." lumapit rito ang isa pa nilang kaklase nila na si Gina.
"Yes Gin?" malapad ang pagkakangiting nilingon nito ang dalaga.
Gina chew her lower lip. "Uh, congratulations for winning the game. I actually watched it and... you did really, really great."
"Really?" tila sayang saya naman ito sa narinig na papuri.
"Ofcourse, nothing could really beats you."
Eros smiled widely. "Thank you Gina." hinalikan nito sa gilid ng mga labi ang dalaga.
Manwhore. Napailing siya.
Mabuti nalang at dumating na ang teacher nila bago pa siya makapanood ng live show mula sa dalawa.
Habang nag ka-klase ay rinig na rinig parin niya ang palitan nang mga malalaswang salita sa pagitan nila Gina at Eros.
Urgh! Naiinis na tinakpan niya ang dalawang taenga.
"Miss Steele!" malakas na tawag sa kanya ng kanilang english teacher.
"Sir?" tumingin siya rito.
Napansin niyang nakatingin rin sa kanya ang buong klase. Maliban ngalang sa dalawang kaklase niyang pinag uusapan na ata kung papaano gumawa ng bata.
"Hindi mo ba nagustuhan ang nili-lecture ko sa klase?" tanong sa kanya.
At bakit ko naman magugustuhan iyang sinasabi mo na halos araw araw mo nalang pabalik balik na sinasabi? Matandang walang buhok.
Narinig niyang nagtawanan ang buong klase. Huh?
"Miss Steele!!!" namumulang sigaw nito sa apelido niya.
