Humugot muna ng isang malalim na hininga si Summer bago inihakbang ang mga paa papasok sa pangatlong klase niya ngayong araw at pareho sila ng schedule ni Eros. Hindi naman siguro niya makikilala iyang mukha mo.
Nang makapasok siya ay nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala ito. Wag sana siyang dumating. Wag kang darating. She curse. Ngunit hindi dininig ng langit ang panalangin niya ng marinig ang boses ni Eros sa tabi niya.
"Kumusta?" tanong nito.
Hindi niya ito nilingon. "Ano na naman ba ang kailangan mo?" tanong niya. Bakit mo ba siya tinatarayan amo mo yan, baka nakakalimutan mo na? Pagpapaalala ng isang bahagi ng kanyang isipan. Hindi naman niya alam. Tsaka magkaklase kayo ngayon kaya hindi ka niya katulong. Susog naman ng kabila.
Nagkibit naman ng balikat ang binata. "I don't see any wrong talking with you." kalmadong sagot nito.
"Wag mo nalang akong kausapin puwede?" may diing ani niya. She bet, 99.9 percent of the female population is deadly glaring at her. Kung nakakamay lang ang tingin tiyak kanina pa nagkalasog lasog ang katawan niya.
Ngunit mukha hindi man lang napansin ng binata ang nag aapoy na tingin sa kanya ng mga kabaro niya. Nagpatuloy parin ito sa pagkausap sa kanya. "Gusto ko lang namang maging kaibigan mo." nakangiting ani nito.
Plastic ba ang isang ito? O baka naman may sakit lang sa utak? "Hindi ako interesado." malamig na sagot niya. The last thing she need is to be attach with someone. Tama nang mayroon siyang isang kaibigan na tulad ni Casey. Hindi na kailangang dumagdag ng lalaking nasa tabi niya. Naramdaman niya ang pag usog nito palapit sa kanya.
"Bakit ba parang ayaw mo sa akin?" tila batang pagmamaktol nito.
Mas lalo niyang diniinan ang pagkakahawak niya sa kanyang ballpen. "Ayaw ko lang maging kumplikado ang buhay ko. Yun lang yon."
Sasagot pa sana ang binata kung hindi lang dumating ang proffesor nila.
Nang nagsimula na ang klase ay hindi na siya muling nagsalita kung hindi siya tinatawag ng proff nila upang sumagot sa mga tanong nito. Sa kanilang magkaklase kasi ay siya lang ata ang inaasahan nitong sasagot sa lahat ng tanong nito. Si Eros naman na nasa kanyang tabi ay nanatiling tahimik. Salamat sa Diyos. Ngunit ramdam niya ang pagpapatama nito sa mga paa at braso nila.
Nang sa wakas tumunog narin ang bell ay siya ang pinakaunang tumayo at nagmartsa palabas. Wala siyang panahong makipag usap sa makulit na binata o di naman kaya ay sa mga babaeng naghahabol rito.
"Summer!" tawag ng binata mula sa kanyang likuran.
Seriously? Wala na ba talagang magawa ang lalaking ito sa buhay nito at ibinabaling nito ang atensyon sa kanya? Mas lalo pa niyang binilisan ang paglalakad at namalayan nalang niyang lakad-takbo na pala ang kaniyang ginagawa makatakas lang rito.
Hinihingal na huminto siya at ipinatong ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod. Ano bang problema ng isang iyon?