"Hi Ma." Matamlay na bati niya sa puntod ng ina.
Nag squat siya at inialis ang mga dahong nagkalat sa lapida nito.
Napabuntong hininga siya. "Miss na kita Ma. Sana narito ka na kasama ko." malungkot na ngumiti siya.
"Ang hirap na kasi Ma." napasinghot siya. "Ang hirap nang mag isa "
Pinahid niya ang namumuong luha sa mga mata. "Bakit ba kasi ang aga mong umalis? Kung narito ka sana… sana hindi ako naghihirap ng ganito, sana… sana masaya ako, tayo."
Kung may makakakita siguro sa kanya sa ganoong posisyon ay baka akalaing isa siyang aswang. Sino ba naman kasing matinong tao ang pupunta roon nang mag isa gayong ganap na ang dilim sa kalangitan?
"Oo nga pala Ma, alam mo bang nasesante ako sa trabaho kahapon?" natawa siya at ikinuwento rin niya ang nangyari sa eskuwela kanina.
"Pinagtatawanan mo na siguro ako diyan Ma." pagpapatuloy niya.
Humiga siya sa malalagong damo at tumitig sa kalangitan kung saan nagkalat ang maraming bituin sa langit. Humugot siya ng malalim na hininga.
What now?
Ipinikit niya ang mga mata at pinilit ang sariling iwaglit kahit sandali ang kaniyang mga problema. Alam naman niyang makakagawa rin siya ng paraan. Hindi ngalang niya alam kung ano.
Habang kumakagat nang sandwitch ay naglakad si Summer patungo sa huling klase niya. Sa ngayon kahit paubos na ang natitirang pera niya ay wala pa naman siyang nagiging aberya sa araw na iyon. Mabuti nalang at nakisama ang panahon.
Nang makapasok sa silid ay wala pang tao roon, maaga pa kasi siya ng ten minutes at hindi pa nag ri-ring ang bell.
Napabubtong hininga siya. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin siya nakakahanap ng mapapasukang trabaho.
Magpakamay nalang kaya ako sa gutom?
Sira! Napaka gaga mo talaga. Kastigo niya sa sarili.
Nasabunutan niya ang sarili sa kawalan ng magawa at ipinatong ang noo sa desk table niya ipinalo palo niya ang noo. Mag isip ka, mag isip ka, mag isip-----.
"Are you okay?" tanong ng isang lalaki sa kanya.
Huminto siya sa pagpapalo ng ulo sa kanyang dest ngunit hindi siya nag angat ng paningin. "Okay lang ako."
"You don't seem to be okay."
Ano bang pakialam ng isang to? Naiinis na nag angat siya ng tingin. "Ano bang pakialam mo kung okay ako o hindi?" mataray na tanong niya. Mas lalo pa siyang nairita nang makita kung sino ang pakialamerong iyon. Eros Grey!
Tila nagulat naman ito ng makita siya.
"Pwede bang wag mo nalang akong pakialaman?" pakiusap niya.
Nanatiling walang imik ang binata.
"Bakit hindi ka pa umaalis?" naiinis na siya sa lalaking ito.
Nagkibit naman ito ng balikat. "You like me." it's not a question though but rather a statement.
Nanlaki ang mga mata niya. "Ako?" itinuro niya ang sarili. "May gusto sayo?" napapantastikuhang tanong niya.
He confidentialy answer. "Bakit wala nga ba?"
Bakit ba dumadagdag ang kumag na ito sa problema ko? Ipinikit niya ng mariin ang mga mata. "Wala akong panahon sa mga kalokohan mo at pwede ba," naiiritang tumayo siya. "Wag kanang dumagdag sa problema ko!" medyo napalakas na singhal niya mabuti nalang at hindi pa nagsidatingan ang mga kaklase nila. Huminga siya ng malalim saka iniwan ang binata. Nang dahil sa lalaking ito nawalan na siya ng ganang pumasok.
Habang naglalakad sa hallway ay napakunot siya nang mapansin ang babaeng tila may hinahanap. Casey?
Ano naman kaya ang kailangan nito? "Casey!"
Lumingon ito sa direksyon niya. Nang makita siya nito ay ngumiti ito.
Kaagad na nilapitan niya ito. "Anong ginagawa mi rito?" tanong niya ng ganap siyang makalapit.
"May good news ako sayo!" excited na ani nito.
"Talaga?" curious na tugon niya.
Tumango ito. "Oo, may alam na akong puwede mong pasukan."
"Ano namang trabaho?" tanong niya. Nagtanong ka pa kahit maging kargador eh tatanggapin mo.
Casey smiled knowingly. "Ewan ko kung tatanggapin mo to." pagpapabitin pa nito.
"Ano nga yun?"
"Maid." sagot naman nito.
Napakamot siya sa leeg. "Maid lang pala, sige go ako diyan. Bakit ba mukhang kiti-kiti ka diyan?" kunot noong tanong niya.
Ngumiti naman ito. "Sabi kasi ng pinsan kong nagtatrabaho sa mansyon, ang guwapo daw ng boss nila."
Itinirik niya ang mga mata. "Ano namang pakialam ko kung guwapo siya? Alam mo namang wala akong interes sa mga lalaking iyan. Ni hindi ko nga mapakain ng maayos ang sarili ko lalandi pa ako?" litanya niya.
Napailing naman si Casey. "Sabagay."
Nagbuga siya ng hininga, akala niya ay tatahimik na ang kaibigan.
"Pero pag nagka crush ka sa kanya ha, sabihan mo lang ako at pahihiramin kita ng lingerie ko." humahagikhik na ani nito.
Tinampal niya ang balikat nito. "Tigilan mo ako Kristine Joyce Falcon." paggamit niya sa buong pangalan nito.
"Oo na, titigil na po." nakatawa paring tugon nito.
Hinila na niya ito. "Tara na nga. Dalhin mo na ako diyan sa sinasabi mo at nang makapag apply na ako."
Nag atubili naman ito. "Teka, diba may klase ka pa?"
"A-absent muna ako ngayon, may sumira na kasi sa araw ko." Argh! Naalala ko pa tuloy ang mayabang na iyon.