Chapter 34

82 5 0
                                    

Death pov

Limang taon na, simula ng nawala sya....

Gusto ko narin sumunud sa hukay at magsama kaming dalawa, hanggang ngaun hindi ko parin kayang kalimutan ang isang tulad nya...

"Miss, nakita Blood " hinawakan ko ang kanyang lapida.

At nilagay ang dala kong mga rosas.

Natatandaan ko pa noon, tatlong tao ang nakitang sunog sa loob ng arena at si Ero, Shan at ang mahal kong tao..

Halos, gusto ko ng magpakatiwakal at tumalon sa dagat o kaya sa bangin.

Pumatak nanaman ang masasagana kong luha na hanggang ngayon ay hindi maubos ubos...

"Blood, namamahala na ako sa kompanya ng aking ina" kuwento ko rito.

"Sana, nasabi ko man lang na mahal kita,bago ka pumanaw at iwan ako" pinahiran ko ng panyo ang aking luha.

"Alam mo ba , ang hirap hirap mong kalimutan, kahit na paminsan minsan sweet ka, minsan, badmood at masungit... namimiss ko ang maganda at nakakaakit mong mga ngiti,kahit na minsan ka lang ngumiti"

Humiga ako sa damo at tiningnan ang langit..

"Siguro,masaya kana diyan? Siguro... pinapanuod mo ako ngaun..." tinaas ko ang palad ko

"Ang hirap mong abutin... kahit na ang lapit lapit mo saakin Blood" ngumiti ako ng mapait at binaba na ang kamay ko.

"Blood... miss ko na ang kiss mo, sayang wala ka.., sige lakad na ako,  babalik ako ulit bukas para bisitahin ka.I love you Blood and always " sabay tayo ...

May kailangan akong puntahan ngaun sa Airport.. susunduin ko ang aking Pinsan  Galing  America.

Bad trip! Ako pa ang pinagsundo! Pasalamat sya at matanda na sya.. tssss! 

MIRC POV ( lilia Bloody)

*Kriiiing......Babe...Answer the phone Kriiiiing.......*

Namula ang buong mukha ko dahil sa ring tone ko, boses nya yan.

Ang daming taong pinagmamasdan ako...

Shit! Sana hindi nila ako makilala.

Sinuot ko ang shades ko, dahil baka kuyugin ako rito.

Nauna ako, kaysa sa Manager ko, sabi nya susunod din sya ngaun..

Pinauna nya lang talaga ako...
Sinagot ko ang tawag at tumingin sa buong palihid ng Airport
"Hello babe?" Ako  habang higit higit ko ang mga maleta.

(San ka na babe?)

"Nakababa  na ako ng eroplano,babe why?"

(Take care) halata sa boses nito ang lungkot.

"Don't be sad babe, ilang buwan lang naman ako rito at babalik ako" sabi ko rito habang tuloy lang ako sa paglalakad para makarating sa exit at makauwi agad...

Jetlag ako ngaun..dahil sa pagud ng biyahe.

(Hay.... okey babe, hihintayin kita,  I love you...) sabi nito

"Okey! Bye babe" sabay baba ng phone..

Those words I can't reply.
Tuloy tuloy lamang ako at palinga linga sa paligid.

This is my first day,here in Philippines... but I feel,nakarating na ako rito..

So strange....

Fearless Gangster ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon