Disclaimer:
Ang mga pangalan, pangyayari, petsa o anu mang nakasaad sa napakaikling kwentong ito ay likha lamang ng malikot na isip ng may akda. Anu mang tumutugma sa buhay mo o ng kapitbahay mo, o kahit sinong kakilala mo ay hindi po sinasadya. Wastong pagpasensya lang ang kailangan.
(PROLOGUE)
Ako si Bentong.
"Benigno Timoteo Ong" for Long. Tunog mayaman daw ang pangalan ko dahil sa “ONG”. Sumikat pa ko dahil katukayo ko daw yung panggulo.. este pangulo ng Pilipinas. Tapos may lahing banal at dumadaloy pa daw ang buhay santo sa akin dahil sa “Timoteo”. Eh ang lahat ng ‘yon ay hindi naman tugma sa buhay ko.. ayun.. nagpaka “Low Profile” nalang tuloy ako sa alias na ginagamit ko. Heheh :D
Nomad kasi ako dito sa Pasay. Tamang “Fun Run” pag umaga, “Walk for a Cause” sa hapon at “strolling” naman sa gabi. Minsan “Visita Iglesia” trip ko, yung tipong lahat ng simbahan ng relihiyon eh pinupuntahan ko. Makiki-tungo lang naman ako eh, tas konting pikit.. instant pansit bihon na yon with “Zesto Orange Juice” pag natapos. Heheh :D
Pero di naman ako katulad ng iniisip nyo na dugyot ng lansangan. Yung laging naasa sa iba. Yung mangangatok sa kotse para sa barya. Yung magaalok ng sampaguita tas dudukutan ka. Yung magaabang sa gabi tas tututukan ka. Yung magbebenta ng laman tas ipang to”tong its” pa. Yung sasakay sa jeep tas kakanta ng muntanga. Yung magdadala ng lata tas magkukunwaring komang ka. Ginagawang “asset” yung kabahuan at karumihan nila. Tapos ending, yung nakulimbat nila, pang rugby lang pala.
May “breeding” kaya to! May konting “edge” naman ako sa kanila. Di ako tambay sa iisang area lang, dapat laging nage-“explore”. Naga-“out of the country”. Tsempo naman na may “free water station” sa bawat “stopover” ko for every journey that I do (heheh kitams umi-english pako).
Poso.. Oo. Yung posong kulay “ihi” ang nilalabas na tubig kada bomba nyo nito. Yun yung sinasabi ko.
Ini-“exercise” ko rin naman yung utak ko kaya marunong ako magsala nun gamit ang simpleng tela na mapupuslit mo sa pinakamalapit na ukay-ukay nationwide. So pwede nang panligo yun. Swertehan nalang kung may pangsabon at shampoo. Heheh. :D
San man ako maglakbay, kahit wala ang mapa at backpack ni Dora, kaya kong mamuhay. Isa lang naman kasi ang pananaw ko simula nung pinanganak akong ganto; "Oo mahirap ako, pero hindi ang buhay. May pera kaya sa basura, choosy lang sila".
Pero may isa pang dahilan kung bakit ako nagkakayod ng maiigi. Dahilan kung bakit ang bawat adventure sa mga basurahan eh dapat may bente o trenta na kikitain.
Kasi may gusto akong patunayan. May gusto akong ipabatid.
May gusto akong dalaga..
Eh ang kaso..
..may gusto syang bilhin.
BINABASA MO ANG
Bentong's Love Story
RomanceKung POGI ang hanap mo sa nobela, tumingin ka na lang sa magazine. Kung PBB TEENS ang inaasahan mo, naku wag mo na 'tong basahin. Pero kung chismoso/chismosa ka sa buhay ng kapitbahay nyo, baka gusto mo 'tong intrigahin?! halina't umupo at magkape...