4: “SLOTH”
“Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay”. Pilit ko mang isabuhay ang kataga ng kungsino man yang nagpauso nyan, eh hindi ko pa din magawa, noon. Magpapasalamat ka pa ba kasi nakutusan ka? Hihirit ka ba ng isa pang konyat matapos kang bugbugin at gawing “Barney” sa pasa? Sinong tatanga-tanga ang magpapakabanal sa panahon ngayon? Kaya hanggang sa mga panahong yon, kulung-kulo na ang dugo ko sa babaeng mandarambong na anghel ang pangalan, demonyita kung aking ilarawan!!! Pero ano nga bang magagawa ko? Hindi ko naman alam kung san ba nagtatago yung estapadorang pokpok na yun? Mas mabuti nang ituloy ko ang kwento ng buhay ko kesa mag-abang ng langaw na tatambay sa nakangangang bibig nang dahil sa wala.
Mga limang araw na ang nakalipas mula ng nabagsakan ako ng malas. Simula kasi nung naloko ako ng babaeng escort na yun eh nawalan na ata ako ng bwenas. Biruin mo limang araw na ang nakalipas, lagi na lang nananakaw ng kawatan yung mga pinag ipunan ko. Laging may mga gusgusing pulubi na bigla kang bibigwasan hangang sa mag mukha kang singsing-pari bago ka tigilan sa bugbog. Tapos habang naka “play dead” mode ka, ka”carnap”-in nila yung kariton mo. Makikita mo nalang yun na nakapark sa ibang lugar na wala ng laman bukod sa brief na nagiisang kapalitan ng suot ko ngayon. Wala eh, tamad na ‘tong mga tukmol na to eh. Asa lang ng asa sa mga kinabubuhay ng iba. Tsk… BARTERP!
Wala naman akong napapala sa mga opisyal ng bawat barangay. Hihingi sana ako ng tulong pero lagi daw silang wala sa mga bahay nila. Sample na lang, nakita ko na may CCTV sa kanto kung saan ako nanakawan ng bakal at mga bote. Pinuntahan ko yung bahay ng kapitan na tinuro ng mga residente doon. Nakita ko na may kasambahay na nagwawalis sa loob ng bahay:
Ako: Ate, ate!!! Si kap po ba anjan??
Ate: Wait lang po ah..
(Pumasok sya sa loob. Mga 5 minuto eh lumabas ulit. )
Ate: Wala po sya eh. Anu daw ba yun?
Ako: Nanakawan po kasi ako dito, gusto ko lang po makita yung video para makilala ko yung tumira sakin.
Ate: Ah, ganun ba. Sige po sabihin ko nalang po.
(Pumasok sya sa loob. Saglit lang nang lumabas sya ulit. )
Ate: Koya, wala nga pala sya dito. Sabihin ko nalang daw mamaya sa kanya pag balik nya.
Umay talaga. Mukha ba kong hitman para taguan ng mga tukmol na to.. o sadyang ang katamaran na gampanan ang mga tungkuling nakaatang sa kanila ay mala-utot kung lumaganap? Tinamad na din tuloy akong mamuhay ng husto. Parang wala naman kasing nagbabago kung ganito nang ganito ang buhay. Kayod, kotong. Pinagipunan, pinagkainteresan. Umaasa, uuwi rin namang talunan.
Pero napagawi ako banda sa may Quiapo Church. Narinig kong may nagmimisa doon at tila maraming parokyano. Sa labas palang ng simbahan, di na mabilang na plastic na bote ang masayang gumugulong sa kalsasda. Mukhang isa itong pahiwatig na huwag daw akong manlumo. Walang pumapansin sa mga ito, kahit na yung mga nanlilimos ng barya. Tila sinasabi ng langit na ipinagkaloob ito sakin at wag na muling sayangin, kaya I grabbed the opportunity. Kuha lang ng kuha, dampot ng lang ng dampot. Hindi to swerte, biyaya ito sa mga taong may tiyaga at nilaga sa buhay.
Habang kalahati na ng kariton ang blessings na nasasamsam ko, may isang bote ng C2 akong nasilayan sa aking tabi. Dadamputin ko sana ito nang biglang lumakas ang ihip ng hangin. Napatingin ako sa kalangitan at napansing hindi na tambay si haring araw. Dumilim ang kapaligiran, hindi dahil sa itim na usok ng mga jeep at bus na kolorum na wala nang ginawa kundi humarurot at bumusina ng kay lakas-lakas. Dumilim ang kalangitan hindi dahil sa kilikili ng mga mamimili o ni dahil sa mga bulok na prutas na ibinibenta ng mga sindikatong tindero. Dumilim ang langit dahil mukhang uulan. Mukhang maglalabas ng galit at biglang iiyak. Pero mukhang maya-maya pa naman ito kaya bumalik ang aking tingin sa bote ng kayamanan. Dahan-dahang gumulong ito at bumangga sa isang gate ng simbahan. Hindi ko alam kung bakit iniwan ko yung kariton ko para habulin ang isang bote. Animal instinct ba to? O pawang katangahan lamang? Ewan ko, basta ang alam ko eh sinundan ko yung boteng yun papasok ng simbahan. Sa bawat tangka kong hablutin ang C2, biglang itong hahanginin. Paulit-ulit na pangyayari ito nang di ko na namalayang naroon na ako sa loob ng simbahan. Medyo nabadtrip na ko at gusto ko nang balikan yung nakolekta kong mga bote at pabayaan na ito, ngunit ayaw umalis ng katawan ko at lalo pa nitong ninanais na sulitin ang lahat ng pwedeng sulitin.
Bumangga ito sa isang paa ng isang mananamba. Parang natrap ito at ang tanging paraan upang makatakas ay magapi ang hoodlum na kikidnap sa kanya. Eh bote sya tas tao ako, wala syang palag. “Wahahahah”! Sa sobra-sobrang saya ko ay napalakas ang aking hagikgik. Napansin kong tumigil ang pari sa pangangaral. Tahimik na naman ang lahat. “Kung sino man po ang pinagtatawanan ang sagradong pagdiriwang na ito ay maaari munang lumabas at huwag manira ng aming konsentrasyon. Salamat.” Wika nya. Tumingin ang mga nakapaligid sa akin. Nanliit na naman ako. Pero napansin ko na isang babae sa aking likuran ang bigla tumalikod matapos akong tignan. Madali nyang sinukbit ang bag nya at pilit na sinisiksik ang sarili sa kumpol ng mga parokyano. Tila umiiwas ito sa akin. Pero bakit? Dahil ba sa baho ko? eh di pa naman ako pawisin noon eh. Dahil mukha nanaman ba akong hitman? O dahil may utang sya sakin?
Hmm..
..
..
..
AHA !!! BAKA NGA MAY UTANG NGA SYA SAKIN !!!
Wait.. hindi naman ako mukhang bumbay na nagpapa 5/6.
Hmm..
Utang..
Hmm..
..
..
AY BUWISET !!! SI ANGEL YUN !!!
Peste, sya na pala yun! Kaya pala may pagdilim portion pa ng langit at pagemote ng bote. Thanks Bro! Binigyan mo ko ng chance para bawian yung babaeng yun. Heheheh. *insert evil laughs again*
So dahil tatanga-tanga sya at pilit na lumabas sa pinaka likod na pinto, dito lang ako sa gilid lumabas dahil may kaluwagan sa bandang ito. Inikutan ko sya at nag-antay sa kanya doon. Di nagtagal, may isang babaeng mahaba ang buhok na maputi at may hawak-hawak na bag ang patakbong lumabas. Mabilis akong umaksyon at hinablot ko agad ang kayang braso. Mejo pumipiglas sya at nanadyak ng patalikod upang mabitawan ko siya. Tinamaan ako sa aking baby jr. at namilipit sa sakit. Madali syang tumakbo palayo sa akin.
Inisip ko ang mga pangitain na nagbadya kanina, kung marunong lang magsalita ang mga ito, malamang minura na ko dahil mapapakawalan ko pa sa epic fail ang paghablot ko sa kanya. Hindi ko sya natrap ng husto gaya ng boteng kinorner ko. Kaya bumalik ako sa wisyo at ininda ang sakit na nadarama ng junior ko. Lumabas na ang ipinuputok ng buchi ko at tila isa na akong halimaw na humahabol ng isang tupang mapagtitripan. Umuulan na ngunit diresto pa rin ang aking takbo at binabangga ang anu mang balakid sa aking daan. Unti-unti kong naaninag ang kaninang babae na hanggang ngayon eh walang-lingunan kung tumakbo. Dali-dali akong tumungtong sa mga bubong at nagpatalon talon upang mahabol sya, pero joke lang yun. Di ko kayang mag ala ninja. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa maabutan ko siya. At para hindi na sya makawala, nilundagan ko sya sabay yakap at dalawa kaming bumagsak sa putikan.
Hinawi ko ang kanyang buhok na bumabalot sa kanyang mukha upang muli kong masilayan ang babaeng dating naminsala ng aking buhay.
Huminto ang sandali..
...
...
...
Tumingala ako sa langit.
...
...
...
Napatakan ang aking mukha ng mga luha ng kalangitan. Kasabay nito ay ang pagkubli ng aking mga luha sa malamig na ulan na syang dumampi sa aking pisngi.
Wari’y di ko na mapigil ang emosyong naguumapaw sa akin at tuluyan na akong napatungo. Tinakpan ko na lamang ang sariling mukha ng mga mapuputik kong palad dahil sa pangyayaring ito.
Nakita na ko na nga syang muli..
...
...
...
Nakita ko na sya..
...
...
...
Sya..
...
...
...
Sya yung bisayang ate sa bahay ni kap.
=(
BINABASA MO ANG
Bentong's Love Story
RomanceKung POGI ang hanap mo sa nobela, tumingin ka na lang sa magazine. Kung PBB TEENS ang inaasahan mo, naku wag mo na 'tong basahin. Pero kung chismoso/chismosa ka sa buhay ng kapitbahay nyo, baka gusto mo 'tong intrigahin?! halina't umupo at magkape...