1: “Si Angel”
Pangalan palang abot langit na. Pano pa kaya pag nakita mo na sya?
“Grabe ang ganda nya, liligawan ko na yan. Lagi kong inaasar ang mga ganito na tao.” Pareho lang kami ni Shayee pagdating sa pananaw na yan. Eh kasi naman bakit sa dinami dami ng tao, sa sobrang magaganda at sexy ka pa mababaliw? Kung pangit ka at maganda sya.. kahit magsangla ka pa ng kaluluwa sa kalaban ni Lord.. mamatay ka nalang.. virgin ka pa rin sa holding hands. Kung pogi ka naman at mukang durugista sya.. malamang yan binulag si lalaki o kaya life time task yan ni “Kuya” sa kanya. Kung pareho naman kayong mala artista ang peg, eh ano pang kwenta ng binabasa nyo ngayon? Dapat pinapanuod nyo nalang ako sa mga pelikula na kasama sila Marian Rivera, Bea Alonzo, Maja Salvador, at kahit na singer pa sya.. si Yeng Constantino! :D
Pero wala naman ata sa mga naghihikaos ang mukhang artista. Nagfe-feeling pogi, oo. Pero di maitatangi na mala “Mang Kanor” ang itsura namin. Hindi naman sa pangit pero.. yung tipong medyo mababa pa dun sa “sakto” lang na sagot na palaging sinasambit kapag nagtatanong ang isang pinoy kung pogi/maganda ang isang tao. Overall, pangit padin. Heheh :D
Pero iba yung naging pananaw ko simula ng makilala ko si Angel. Yung tibok ng dibdib ko sa tuwing nandyan na sya. Yung paninikip ng bawat paghinga ko kapag nakangiti syang tumitingin sa akin. Nabalewala lahat ng mga prinsipyo ko nung magkatagpo kami. Bigla akong naniwalang may sumpa, este may chance. <3
May 17, 2013
Tandang tanda ko pa ‘to. Kakabenta ko lang ng tanso sa junkshop ni mang Raffy kasi nagpalit ng wiring yung Meralco sa bandang Buendia nung mga panahong ‘yon at nakalimutan nilang isara yung likod ng van na puno ng orange na wire. Ninakaw yun nung mga tambay.. eh dahil sa sobrang humble ko.. sinumbong ko sila sa pagaakalang makakadekwat din ako ‘pag lahat sila ay humabol dun sa mga kawatan. Eh wala, hindi naman pala sila ganun ka tanga para gawin yung bagay na iniisip ko. Ako tuloy yung nagmukang tanga habang nakatitig sa makapal na kable dun sa sasakyan. Pero nung nahuli na nila yung nagnakaw, hinanap ako nung spiderman ng Meralco para gantimpalaan sa busilak na puso ko. Ibinigay nila sakin yung naputol na kable nung kawatan. Di daw nila magagamit kasi maiksi lang daw. Pinakilo ko naman at umabot ng 350 PHP ang nakuha ko. Ang sarap talaga sa feeling ‘twing pinaghihirapan mo yung mga bagay na nakukuha mo. Heheh :D.
So eto na nga.. may pera na ’ko para makabili ng pagkain para sa mga susunod na araw. Ligo mode muna ‘ko kasi masyado akong na”haggard” dahil nga sa nangyari at ang init-int pa ng panahon. Kaya nag”stopover” muna ko dun banda sa may palengke at bwenas nga naman, kasi yung suki kong tindera ng tuyo eh naglilinis na ng tindahan. Inako ko na lang ang paglilinis. Kasabay ng pagbuhos ko ng tubig sa katawan ang pagpunas at pagsabon sa lamesang may bahid ng dugo ng di mabilang na inosenteng isda na walang awang pinapaslang. Kaya hindi ako kumakain ng mga lutong isda eh, Liban nalang kung tuyo yun. Kasi ang tuyo, natural cause of death yan because of drought. Wala kang kasalanan, abswelto ka.
Mabalik nga tayo, patuloy padin ako sa paglilinis ng tindahan ng suki kong tindera.
kuskos.. buhos..
kuskos.. buhos..
kuskos.. buhos..
Mejo mahalay yung pusisyon ko dyan na aakalain mo kong baklang maton kasi masyadong malawak yung lamesa ni ate para maging simple yung paglilinis ko. Tapos biglang may sinag ng liwanag na dumampi sa aking mga mata. Napa“slow motion” tuloy yung pagpaling ng ulo ko upang hanapin kung saan nagmumula ang packingtape na yun. Tapos medyo chinito ka nun kasi instant flash yun sa mata mo kapag maliwanag yung sikat ng araw eh. “Pepektusan kita isa pang trip mo sakin” sabi ko. Hindi ko kasi nakita kung saan at kanino galing yung sinag. Yumuko na ulit ako para tapusin ang pagligo/paglilinis ko. Eh umulit yung pagpapasilaw sakin. Aba, trip nga talaga ako ng kungsino mang damuhong to. Sa init ng panahon, sa init ng ulo ko, at siguro marahil din sa pagka”hot” ko, di ko na tinapos yung ginagawa ko at minasdan kong mabuti kung saan nga ba ito nagmumula. Dun pala yun nagmula sa tig-bebenteng salamin nung babaeng nakatalikod. Hangang balikat ang kanyang buhok at pansin kaagad ang hubog ng kanyang katawan. Pero wala akong pakialam dun.. alam ko lang na pastilan yung salamin nya at nakaka”disturb” sya sa “working area” ko. padabog akong lumapit sa kanya at pwersahang hinawi ko ang balikat nya upang humarap sakin.
“Am zuree?” wika nya. Ibinaba nya ang kanyang kamay na humahawak ng salaming maliit para isabit pero sobrang laki para ibulsa. “Kanina ka pa salamin ng salamin dyan, eh packingtape to, naka shades ka naman pala!” Sa lahat kasi ng kapraningan talaga ng tao eh isa na to sa simple pero certified hobby na. Anung punto mo kung nagsasalamin ka ng paulit-ulit tapos may shades ka sa mata? Eh hindi naman nagalaw yung shades mo. Di naman napunta sa bagang o sa balbas. Siguro exempted ka na lang kung walang ilong na matatambayan si shades. Heheh :D
Ayun na nga. Nasabi kong nakakaistorbo sya ng hindi nya alam at wala namang kwenta ang ginagawa nya dahil puro paganda lang yan. Sinagot naman nya ko nang pataray: “How dare you talking to me with that?! Is you own this here?! I don’t think it so. This government property and not for sale!! This is street!! This free from government!! I do I want, coz this here not for sale and so your own!”. Grabe, dinugo ako sa galing nya mag English. Hindi naman sya kano pero dun siguro sya nasanay kaya wala akong palag. Hindi ko nga maintindihan yung mga sinasabi nya eh, kaya sabi ko nalang sa kanya: “No problem, tagalog only.” Pilit ko mang pagtagalugin si ate, eh wala, hindi nya ata ako maintindihan talaga. “I don’t get me wrong, but I get you no more. You throw my time disturbing me. Beggar!! You want money, you work money. Not scamming me to holdup just look beggar. Shoo!! Pass away!! Or I will police you to remain silent!” natakot naman ako kasi may word na “police” sa nabanggit nya. Inis na inis man ako sakanya, ako na ang nagpakababa dahil nga baka sampahan nya ko ng “reckless imprudence” kasi binanga ko ang isang elitistang napatengga sa maputik na palengke. “Okay, sorry for inconvenience, try again later not your fault. It’s me.” Yan yung sinabi ko tapos bumalik nako sa paglilinis ng nakatungo ang ulo kasi pansin kong pinagtatawanan na ko ng mga tao sa palengke. Marahil dahil sa baluktot kong Ingles. At dahil sa hiya ko ay agad na ‘kong umalis doon sa lugar at nagpatuloy sa paglalakbay. Pero kasabay nito, may nadinig akong tinig mula sa puting sasakyan kung saan nagmamadaling tinungo ito ng babae; “Angel!! Sorry I’m late!! Come here faster!! We’ll be late on our schedule.” “Angel” pala ang pangalan nya. May araw ka rin saking babae ka. “Porket sexy ka lang at magaling sa English eh ganyan ka na makalait at manghusga ng tao. Mapagpatol pa naman ako kahit sa babae.” yan ang huling kataga ko noong panahon na ‘yon. “I will shall return.”, sabay ngisi ng mga labi.
*please put evil laughs here* >:D
BINABASA MO ANG
Bentong's Love Story
RomanceKung POGI ang hanap mo sa nobela, tumingin ka na lang sa magazine. Kung PBB TEENS ang inaasahan mo, naku wag mo na 'tong basahin. Pero kung chismoso/chismosa ka sa buhay ng kapitbahay nyo, baka gusto mo 'tong intrigahin?! halina't umupo at magkape...