3

93 6 2
                                    

3: “PRIDE”

“Ehem.. Miss magkano kaba ngayong gabi?“, tanong ko kay Angel ng patalikod. May pagkapal ng boses ko ‘tong sinabi sa kanya upang di niya kagad ako maalala. “Ikaw kasi mejo type ko ngayon eh (syempre sino paba sa mga prosti dito ang itsurang tao bukod sa kanya?). Kahit saglit lang jan sa may kanto okay na ko. Eto lima oh, babayaran naman kita”. Patalikod ko pa ding inaabot yung limang piso. Habang hinihintay kong kunin nya ang pera, pumasok na sa akin ang mga posibleng magawa ko sa kanya bago o matapos ko syang galawin:

A. Habang nagbibihis sya ng damit, tatampalin ko ng bote si Angel sa batok hanggang sa dumugo ang ulo nya. Tatalsik sa mukha ko ang namumulang dugo niya habang patuloy kong binabasag ang bungo nya.

B. Kasabay ng paggahasa ko sakanya, kukunin ko sa bra nya yung kinita nya sa kano sabay takbo dala-dala pati ang hinubad nyang saplot na may tawang tagumpay.

C. Hindi kami magtatalik pero pepektusaan ko sya ng trenta sa gitna ng kalye para iparamdam ang kahihiyang naramdaman ko kaninang umaga habang pinasasabi sa kanya ang mga katagang “promise I will not do it again”.

D. Magmumukhang aswang ako at sasabihing sya ang ulam ko for dinner habang kagat-kagat ko yung buntot nung dagang botchog sa chapter 2 para matakot sya sakin hanggang mawalan sya ng malay dahil sa nakita nyang kababalaghan sa kapraningan ko.

Pero bumalik ulit ako sa totoong buhay.. nganga padin akong naghihintay na dakmain ng prosting inglisera yung pinakamamahal kong lima. Bigla nalang na tinabig nya yung kamay ko at tuluyan nang tumilansik ang barya mula sa aking palad, gumulong sa putik, diretso sa kanal. Ayun, wala na (huhuhuhT-T). Dali-dali nyang niratrat ang tenga ko sa pasigaw nyang salita na: “Hoy! Ano ako cheap?! For your information, I’m not a just just girl. If want me drink with you, 500 pesos can be. But together, just drink small. 500 is drink small on four hours only policy. No more, no less! Don’t you dare think me like low girls there.” Takte, eto nanaman yung madugong ilong ko sa packingtape na pananalita nya. Di pa sya nakuntento at humarap nya sya sakin; “So, what you think? Can afford me or none?” Shemay nakita nya ko!! ibaling ko man sa kung saang kanto ang mukha ko eh hindi padin ‘to makakaiwas sa chinita nyang mata. Ang kapal kaya ng mukha ko, seriously. Pero parang wala sa mukha nya ang pagkagulat. Hindi ko makita yung pagkunot ng nuo at pagtaas ng presyon na nagging ekpresyon nya nuong nagkatagpo kami. Mukhang wala syang naaalala sa mga nangyari  samin kaninang umaga. Nagaantay lang sya sa isasagot ko.

“Eheheh..” sabi ko. “Pasensya na kasi kala ko kabatch mo sila.” Nagsorry ako ng parang walang bahid ng pagkairita sa kanya pero deep inside this armor, umay padin ako sa kanya. Ang hirap kayang magmukhang bobo sa harap ng maraming tao dahil sa mga litanyang nakapag papadugo ng ilong. “Excuse me, di po ako ganun karungis tulad ng iniisip mo. May class naman po ako sir. Kung susumahin, ako ang pinaka maganda at fresh dito sa lugar nato! I’m hot and real sexy. I’m queen of here area! Mura pero sing galing ng mga chicks dun sa bar. Mas madumi ka pa nga po sakin sir eh, pero kung may pambayad ka, okay lang.” wika nya. Eto namang si ako, dahil sa nakita kanina dun sa club eh di na mapakali at gusto nang masubukan ang sagradong uri ng pagkain. Kahit sabihin nyang inom lang ang gagawin, di din naman nya matitiis ang madadama nyang init at sa pannanaw ng karamihan, yun din ang ending ng mga ganitong uasapan. Ngunit dahil sa kapos ako sa budget, at ayoko talagang gawing yon sa mga babaeng takpanin ng dyaryo ang mukha, nakipagtawaran ako sa kanya:

Ako: “250 ate, dalawang oras lang.”

Sya: “No, can be. 500 po talaga sir.”

Ako: “300? Dalawa’t kalahating oras. Lilibre pa kitang limang kendi.”

Sya: “400, dalawang oras, limang kendi, sagot ko na kwento.”

Ako: “…”

Ako: “…”

Ako: “350, last budget, isa’t kalahating oras, limang kendi, sagot mo kwento, jan nalang sa ilalim ng tulay para madali kang makaraket ulit.”

Sya: “…”

Sya: “…”

Ipinakita ko na ang lahat ng pera ko. 345 PHP nalang pala to, bigla kong naalala. Pero di naman pansin kasi maraming barya sa pera ko. Nakikita ko ang mga mata nya na nakatitig ng maiigi sa palad ko. mukhang hinihimay nya kung talagang 350 pesos yung hawak ko. Maya maya pa ay nabasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

“Sige na nga. Pero sir maligo ka muna ah”. Di sya nakatiis sa salamangka ng pera. Pero di din sya nakatiis sa bagsik ng baho ko. Sinabihan ko si Angel na sumama na sya sakin dun sa venue namin dahil may sirang linya ng NAWASA dun. Dun nalang ako maliligo para masimulan kagad ang aksyon, este ang inuman. Pero ayaw nya, balikan ko nalang daw sya doon dahil aasikasuhin daw muna nya yung nakabulagtang foreigner dahil suki daw nya yun at natatakot sya na baka di na sya balikan nun. “Okay. Basta wag kang aalis dyan ah.” Sabi ko pero bumawi sya ng: “Down payment is need if want first come first serve”. Buwisit, naninigurado si ate. Pero di bale na.. yari na to sakin pag nagbalik ako. Tuloy padin ang plano pero eenjoyin ko muna sya. Bwahahahah !!!! >:D

Nagbigay ako ng 200 pesos sa kanya bago umalis. May kalapitan lang naman kasi yung tulay na gaganapan ng R18 na eksena kaya ayos lang sakin. Tatawid ka lang sa kalsada tapos diretso sa kaliwa eh andun na yun. So pumunta nako dun para wakasan ang lagim ng kabahuan ko. Binaklas ko ang makapal na gomang bumabalot sa nguso ng isang itim na hose na hindi pa naisasara ng NAWASA. Ninanamnam ko ang bawat daloy ng tubig na gumagapang mula sa buhok ko na parang pugad ng nagbobochogang kuto patungo sa mamantika kong mukha, diresto sa katawang di man macho eh di din katabaan tulad ng mga pulis na ginagawang piggery ang mga presinto. Aagos ito pababa sa ano.. dun sa bandang ano.. yung tipong matigas tsaka malaki tapos medyo mabuhok.. yung biyas. :D syempre didiretso yan pababa sa mga kalyong tinubuan ng paa.

Sampung minuto at tapos na din sa wakas ang pagligo ko. Dali-dali kong tinahak ang lugar kung saan ko nakita ang magpapaligaya sa akin sa gabing ito. Medyo dumami ang tao sa lugar at wari'y di ko na sya makita. Bawat tabig sa mga tao, kaliwa’t kanan ang paling ng aking ulo upang busisiin ang pagmumukha ng mga harang sa dinaraanan ko. Baka kasi isa sa mga ito si Angel. Bayad na kaya ko.  Takte lang talaga kung nabudol-budol nya ko, mas lalong magiinit ulo ko sa kanya!

Pabalik-balik nako sa pinag tambayan nya ngunit wala pa rin. Hanggang sa tinanong ko na yung batang babae na nagtitinda din ata ng murang kamot sa mga nagkakatihang manyak, kung nasaan yung magandang ate na kausap ko kanina. Sinabi nyang inakay nung magandang dalaga yung nakalupasay na kano at naglakad na palayo. Di na nya nakita si Angel simula nun.

“YOUMADERFADERYOU KANG PACKINGTAPE KA!!!” sigaw ko. Nagtinginan ang mga tao sa akin na parang minumura din ako gamit ang naglilisikan nilang mata dahil sa ingay na ginawa ko. Syempre, sino ba naman ang matutuwa at magte-“thank you” kung naloko ka na nga, naudlot pa yung gusto mong mangyari. Buwisit talaga eh, may araw talaga tong anghel na dimonyita sakin. Ipapatikim ko talaga ang impyernong hanap nya. Sinumpa ko talaga sya nung mga panahong yun dahil sa pagkabitin ko sa tawag ng laman at sa pagkawala ng perang di basta-basta napupulot sa tabi-tabi. Kinokonvert ko pa kaya yan sa junkshop tapos ganun ganun nalang nyang makukuha sakin?

Huhuhuhuh  T-T

So ang ending, umuwi akong luhaan at bigo.

At since di ko na talaga mapigil..

..

I have no choice..

..

..

..but to do this:

”I have two hands, the left and the right. Hold them up high so clean and bright. Clap them soflty, one, two, three. Clean little hands are good to see”. 

Bentong's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon