5

91 3 1
                                    

5: “GREED”

“Sure na koya, sure na”!

“Pasinsya ka na pu talaga sa genawa ku”.

“Di ku naman talaga gagawen yon sa eyo kong de enotos ne ser chef yon”.

“Ay! syimpre ayaw ko den namang mawalan ng trabahu nu”.

“Sege na koya sure na talaga”.

Paulit ulit kong naririnig yan sa bunganga ng dinadaganan kong nilalang ngayon. Ewan ko ba kung pokemon ‘to o nagmigrate na bigfoot, ang kapal kasi ng labi nya tapos putikan pa. Nagmukha tuloy siyang babae sa kumunoy. Eniways, malumanay akong tumayo at inalis sya sa mala-posas kong dagan. Tapos na ang pag eemote at pag iyak ko sa kaninang nangyari, ngunit di ibig sabihin nun ay tapos na din ako sa pagkainis at pagkagalit. Mas lalo pa itong tumindi. Tipong puputok na pigsa ang dating. Matigas na at masakit. Ipapanalangin mo nalang na wag madampian o mabangga dahil di mo ito kakayanin, lalo na kung sa singit. Kaya agad kong tinalikuran ang mala endangered specie na nagbigay ng “false hope” sa muling pagtatagpo namin nung “Angel” na yun.

“Pasinsya na po koya” wika ng di makilalang nilalang. “SIGE NA! UMALIS KA NA! SINAYANG MO LANG ANG ORAS KO” sabi ko. “Babawe po ako sayo koya. De naman talaga ako senongaleng eh” balik nya. “DI NA UY! Baka maubos pa pasensya ko sayo at kung ano pang abutin mo sakin. Umalis ka nalang. Yun nalang ang magagawa mo” sabi ko. “Ako na kokoha ng bedyo ng CCTV sa barangay namen. Ipoposlet ko para makabawe ako sa genawa ko sayo” dagdag nya.

Naku! Ang sarap talagang ibalik sa pokeball ‘tong kumag na ‘to! Ang ingay ng bunganga nya! Nilingon ko sya at pabulyaw kong binanngit ang mga katagang: “ DI KO ‘YAN KAILANGAN. IBA ANG NIHAHANAP KO AT DI YANG PAGMUMUKHA MO O KUNG SINO MANG TAO NA ARTISTA SA CCTV ANG PESTENG YON”!

“CUT”!

Didilim ang screen sa imagination mo ngayon tanda na natapos na ang eksena.

Muli itong magliliwanag at masisilayan mong kasama ko si Nengneng sa opisina ng amo nyang si Ser Chef.

Oo. Pinanuod ko padin yung CCTV nung panahong ninakaw sakin ang pinaghirapan kong kalakal. At oo, Nengneng talaga ang pangalan ng katulong na taong Java. Wala eh, wala akong malabasan ng init ng ulo. Wala akong mabalingan ng sama ng loob. Kawawa naman ‘tong si Nengneng kung sa kanya ko pa isusuntok yung kamao ko sa pagkabadterp. Putok na nga yung nguso, puputukin ko pa? Redundant na yun! Heheh. :D eniways... naisip ko kasi na ibaling muna sa mga hayup na tulisan na yon ang pag ganti sa kahit anong posibleng paraan, legal man o hindi. Kaya tinignan namin ni Nengneng yung pagmumukha nung mga pulubing yon sa CCTV ni “Ser Chef”.

Wala sya (si Ser Chef) ngayon dito sa bahay/barangay hall. Nag-outing daw ang mga barangay officials at sempre, dala-dala nila ang mga pamilya nila. Project daw ng barangay yon, “Team Building” for a better service to the Filipino citizens. WAWHA! Yearly nila ginagawa yon pero bakit ganun parin yung kilos nila? Edi dapat “super service” na yung matatamasa ng taga dito kasi 6 years nang kapitan ‘tong si “Ser Chef”. Hindi lang sya, pati yung iba! Si First kagawad, dating secretary ni kap na naging kalaban nya sa posisyon pero dahil laging talo, ayun nag kagawad na lang. Si Second kagawad, anak ng dating kapitan dito na dahil natsismis na kurakot, di na nanalo. Ending, si anak and pinatakbo. Si third kagawad, dating tanod yan. Yung palakad lakad sa lugar na may bitbit na batuta. Tapos magtataboy lang ng mga bata. Ta’s uupo sa mga nagiinuman at makikishot. Loyal na tuta yan ni kap. Dahil di sya humihingi ng tulong sa iba bukod sa santo nya, sinali sya sa partido. Ayun nanalo, at hanggang nayon, sya ang may hawak ng peace and order sa lugar. Kaya pala kita sa CCTV na dinaanan sya ng mga kawatan ng kalakal habang naihi sya sa poste ng telepono. At ang tanging nagawa nya sa eksena ay ang pagkamot lang ng pwet sabay lingon ulit sa bakas ng inihian nyang kahapon. Sina 4th at 5th kap, magtiyuhin daw sabi ni Nengneng. Siga sa lugar ang lahi nila. Kaya ang motto nila, “ang bumangga, GIBA”. Ayun, dahil marami silang suki sa jamper at palibreng tubig, Panalo! Ayun, panalo na din sa dami ng tindahan ng droga ang lugar. Pugad na ng “blackmarket” ang barangay. Si ika-anim, mabanal ang buhay nya kaya nanalo. Puro daw pangaral ng mabuting kataga ang sinasambit sa mga programa para sa masa. Sya yung laging “opening and closing prayer din sa lahat ng activity ng barangay”. Pero kung walang proyekto, hindi mo sya malapitan para humingi ng tulong. Puro suggest na sa ibang kagawad nalang daw umasa kasi may mga gagawin pa sya. Si 7th naman, wala. Sunod lang sya ng sunod sa kung anu man ang gagawin sa barangay. Sya lang kasi ang bata pa sa larangan, kaya watch and learn muna sya.

Kung susuriin, parang tanga lang. Sa pagilid ng kanilang mga naglalakinang tahanan, tapyas ng yero at bulok na kahoy ang sinisilungan ng iba. Sa kintab ng PORSHE at MERCEDES ni kap, kalyo at nagdudumihang paa ang nagsisilbing paraan ng transportasyon ng mga bata upang makarating sila sa kanilang paaralan. Sa gara ng damit nila kagawad, sardinas lang at noodles ang kaya nilang ihandog sa kapwa. Bonus na lang kung meron pang bigas o biskwit na natira sa pagpupuslit nila ng pagkaing dinonate ng konsehal.

Pero wala naman akong pakialam sa problema sa pamilya ng mga botanteng yan. Wala rin naman silang pakialam kung sino ang maihalal eh. Basta’t may noodles na bigay sa kada pasko, lapis at papel bago magpasukan, bulaklak at sisiw tuwing may patay, o 500 PESOS IN COLD CASH sa araw ng eleksyon, aba’y sulit na ang pagrereklamo sa gobyerno sa susunod na tatlo o anim na taon. Kung minsnan nga eh panghabang buhay pa nilang niluluklok ang mga ‘yon sa pwesto para maipakita ang pagsuporta nila sa katangahan nila. Ano kaya ang rason nila? Dahil ba sa idol ng tatay nila si mayor nung artista pa ang ito? Dahil ba naniniwala pa sila sa himala kaya’t panay ang pagmamakaawa nila sa mga opisyal? O baka sadyang may sumpa ang Pilipinas na mabubulok ito sa kahirapan ng buhay at ang tanging makapag papaalis nito ay ang halik ng tunay na pagibig ng pangulo sa natataeng palakang bochog? Ayan ang dapat nating abangan.

Ngunit mabalik na tayo sa SESETEBE.

Wala akong mukhang matandaan sa pinapanood ko bukod sa kagawad na nagpakita ng mabuting halimbawa para sa mga batang huhubugin ng kinalakihang sistema. Wala. As in, wala talaga. Ni hindi ko na rin marining ang putak ng babaeng panget. Sabog ang kokote ko. Lutang ang isipan ko. Blangko ang utak ko. Pabiglang hinawakan at hinawi ni Nengneng ang aking balikat. Nagising ako bigla kasi nakakatakot yung itsura nya pagtama ng mga mata ko sa kanya. Pero salamat na din at least nagkamalay ako. Narealize ko tuloy na minnsan, di mo lang namamalayan, may nagagawa ka rin na tama. Wahahah :D

“Anyare koya? Bat hende ka na makasaleta jan?” ani ng babaeng halimaw. “ah, wala. Napa-throwback lang” wika ko.  “So ano na ho, ano na po, namokaan mo na po ba kahet esa lang?” balik nya. “Hende eh, nagyon ko lang den sela naketa sa logar nyo eh. Dayu segoro sela deto” hirit ko. Potek! Nagaya ko yung pananalita ni Nengneng. Mukha syang naensolto pero saglet lang naman ang pagkunot ng kanyang noo. Para hindi na mapansin ang ginawa ko, humirit muli ako ng isa pang pasada sa kuha ng surveillance ng barangay. Napansin kong may isa mga mandarambong and nakasuot ng sombrero na patalikod ang paling na style pa“bad boy”. At pansing ko din ang logo na naka burda dito. Isang tao na kahawig ni “Popeye” na may hawak na bulok na lata sa kaliwa at nakarolyong dyaryo sa kanan. Tatak ‘yon ng isang suki ko na junkshop.

Mukhang may lead na ako sa paghahasik ko ng ganti! Baka nga kailangaan ko talagang ibaling ang sama ng loob ko sa ibang bagay bukod sa pinuputok ng buchi ko. Baka kailangan na rin ni Nengneng na magsampay ng nilabhang damit ni ser Chef at baka masesanti pa sya ng de enaasahan. Kaya panahon na para lumisan. Salamat sa maikling samahan Nengneng. Agad kong pinalaki ang pokeball ang isinigaw sa kanya ang “RETURN”. Agad ko ring ibinalik ang katotohanang tao pa rin sya, mukha nga lang pokemon. Kaya lumabas na lang ako ng bahay, kumaway at nagpasalamat sa di sinasadyang tulong na naibigay nya sa akin.

Naglakad ako palabas..

Diresto lang.

Kahit dinig kong kinukuha nya ang atensyon ko..

Diresto pa din.

Baka kasi paglumingon ako..

Bumulaga na naman sya sabay bulong ng:

“HUWAG KANG LILINGON!!!”

Wahahaha :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bentong's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon