2

126 3 1
                                    

2: “Lust”

Mga bandang 9:00 ng gabi nang makauwi ako sa bahay ko. Pagod na pagod na ko dahil sobrang hectic sa work this day at sobrang heavy pa ng traffic kaya mejo nalate ako sa pag uwi. Agad kong hinubad ang tsinelas ko at sumalampak sa sofa. Hinawakan ko ang remote ng T.V. at nanood ng paborito kong palabas tuwing gabi, ang “Super Agent Oso”. Sarap na sarap na ko sa pagrerelax nang unti-unting nagdilim ang paningin ko. Pakiramdam ko ay parang nahihilo na ko sa mabagal na paggalaw ng mga bagay-bagay sa paligid ko. Gutom lang ba to o stress? Nagdasal na lang ako ng doseng “AbaGinoo” para may proteksyon ako kung lumabas man out of nowhere si “Bloody Mary”. Pero wala pa din eh. Taeng pakiramdam to, parang sinusundo na ko ni kamatayan sa nangyayari sakin. Kaya naisipan ko nang gumawa ng Last will and testament para sure na di hahakutin ng gobyerno ang mga napundar ko. Ngunit sa kalagitnaan ng aking huling habilin ay may malamig na bagay na humaplos sa aking mukha. Hindi pa ito nakuntento at dinuraan pako sa kabilang pisngi. Mainit-init pa, isang pahiwatig kung saan siya nagmula at kung sino man ‘tong packingtape na to. Nilapat pa nya ang kanyang labi sa aking tenga at kini-kiliti ako gamit ang kanyang maninipis na buhok. Ganto na ba kalibog si kamatayan at pati lalaki tinitikman nya bago sunduin? Ginagamit ba nya ang kanyang trabaho sa kababuyan kasi alam nyang walang laban ang mga kaluluwa ng mga virging tulad ko? Pero lumaban ako, dinilat ko ang mga mata ko para masentro sa bungo nya yung kamao ko. Laking Gulat ko ng tumakbo mula sa tenga ko yung botchog na daga papunta sa kanal. Naamoy ko din na mapanghi yung bandang kaliwang pingsi ko at yung kabila eh bakat na bakat naman yung bakal na tinandayan ko kanina bago matulog. Pero wala na ko sa sofa. Wala na ding T.V. wala ding tagasundo. Nasa karton ako nakahilata. Mga nagmumurahang driver, natakbong snatcher, mga madudungis na coupals, este couples na di uso ang privacy ang napapanood ko. Nasa reyalidad na pala ulit ako. Haist…

Okay, so hindi na ko nakatulog dahil baka balikan ako ni kamatayan at rape-in nya na ko ng mabilisan, kasi hindi sya nakaisa sakin kanina. Naglakbay nalang tuloy ang mga paa ko sa kung saan nila matripan. Pero ginamit ko nadin yung time na yun to do multitasking. Pag may plastic ng bote, pulot. Pag may papel sa daan, pulot. Dagdag income pa ko pag nabenta ko na to. Patuloy padin ako sa aking pag lalayag nang mapa hinto ako sa isang bar ba yun o night club dun sa bandang EDSA. Andami kasing mga bote na nakakalat so ginrab ko na yung opportunity. Andami ngang mga tao dun kahit malalim na yung gabi at karamihan eh mga babae. Narinig ko ngang sinigawan ako ng “Boss Chicks!” nang isang matandang hukluban na mukang nagpa-embalsamo dahil sa taray ng make up nya. Sabi ko sakanya: “hindi po, wala po akong pera, pasensya na po”. “HINDI KAW ‘TOY!” balik nya sakin, at nginuso nya kung sino yung kinakausap nya, isang disenteng lalaki na nagyoyosi na nasa likod ko ang pinupunto nya. Nakabarong, “sakto” lang sa height ng lalaki, brushed up yung buhok na parang kay Asyong Salonga, butete ang tiyan at mukang pitbull na gutom. Tumingin sya sakin bahang lumalapit sya sa lolang bugaw. “Parang kilala ko na sya”. Paulit-ulit na tinanong ko ang utak ko kung saan nito nilagay yung files nung lalaki at bakit di ko sya maalala. Muli ko syang tinignan ng may kunot sa noo habang sya’y nakikipag “hanap, usap, deal” sa matanda. Ngumiti si lola at nadining kong sinabi nyang: “Heheheh.. Sigurado ako boss na lilipad ka pag kasama mo tong dalawang to, CRISTINE, AINA, MAY BENTA NA KAYO!!”. Agad na lumabas ng club ang dalawang babae suot ang puti at nagninipisang damit, sabay akbay sa lalaking butete. Sinakay nya ito sa kotse na may plakang “8” na nakaparada sa madilim na bahagi ng club. Syempre, matik na kung ano ang ginagawa nila dun. Malamang hindi pagsusungka o pagsusulsi ng damit yon, it’s something “fishy”. So dahil palaisipan sakin kung sino yung buteteng tao na yun, at bakit “8” yung numero ng plaka nya, at kung ano talaga ang ginagawa nila dun sa kotse, nag-ninja moves ako patungo sa lugar kung saan naka park ang sasakyan. Lumapit ako sa bintana at laking gulat ko sa mga kaganapan! Minabuti ko nang huwag isulat kung ano ang mga sumunod na pangyayari para sa ikahu-wholesome ng kwento pero alam mo na yon. Umay nga lang, biruin mo butete at normal na tao yung nandun, ano pang aasahan mo? GROSS! Heheheh :D

Pero pumasok sa isip ko na mukhang nakaka-enjoy yun. Na baka mailalabas ko ang mga naitatago kong sama ng loob at himutok sa buhay sa panandaliang aliw na iyon. Na malalasap ko din kahit minsan ang ginhawa sa buhay kung masusubukan ko ito. Kaya lumapit muli ako sa matandang mukang manghuhula na abot tenga ang ngiti dahil kumota na ata sya sa benta, upang magtanong.

“Magkano po ba yan?” tanong ko. “IKAW DAMUHO KA, WALA KA NGANG PERA MAGTATANONG KAPA?” sagot nya ng may pagtaas ng kanyang boses lupa. “May 300 pa naman po ako dito.” sagot ko sa kanya ng may pagka-humble. “EH KAHIT PADEDE KULANG PA YAN DITO. PANG MAYAMAN TO JIHO. KUNG GUSTO MO NG MURA, MERON DUN SA BACLARAN. MAY SUKLI KA PA. PANGKAPE LANG DUN OKAY NA.” bato nya sakin nang may pag ngisi. Ngumiti nalang ako at nagpasalamat sa impormasyong hatid nya sa akin. Syempre makakatipid pa pala ako kasi may pang masa palang ganun. Heheheh :D

Dali-dali akong tumahak sa lugar sa sinabi nung mangkukulam, este nung lola kasi baka magdagdag pa ng presyo ang gasolina, na idadahilan ng mga kompanya kaya magtataas ang mga presyo ng bilihin ng mga produkto at serbisyo. Imbes na pang kape lang ibabayad ko, eh baka madagdagan pa ng tres, lugi nako nun. Pero di tulad ng naunang bentahan ng aliw, dito, sila mismo ang nagbebenta sa sarili nila. Bigla tuloy akong nandiri dahil di tulad ng inaasahan, eto pala yung mga dugyot na tinalakay ko kamakailan. Yuck!!! Ambabaho ng istura! Pero ano pa nga bang hahanapin mo sa mura bukod sa literal na mumurahin mo talaga? Wala. Di din naman ako mayaman at gwapo para maging choosy. Takipan mo nalang nga dyaryo yung mukha para di ka masuka, maeenjoy mo pang basahin yung horoscope mo. Tiis tiis nalang at makakaraos ka din sa hirap, ika nga nila. So hinanda ko na ang limang piso ko (para baratin sila na kunyari kinulang ako ng piso para sa kape nila) habang na-canvass ng babaeng mejo malinis pang tignan.

Mag I-“inie minie mynie mo” na lang sana ako kasi hopeless nako na may mas gaganda pa sa kamukha ni aling Dionisia, nang may isang babae ang dumaan sa likod ko. Yakap yakap nya ang isang kano na lasing at gegewang gewang sa lansangan. Hinatid ata sya nung kano pabalik sa pugad ng mumurahing prosti. “Thank you for foods and drinks tonight baby boy. I enjoy you give me foods and money. But you not pay later servicing you right? I take some pocket money in on jeans.” wika ng babae sa bangag na tisoy. Dinakma ng babae ang bulsa ng amerikano na tila kinakapkap kung may pera ito. Dinukot nya ang pitaka, kumuha ng pera, at ibinalik ang pitaka sa bulsa. “Bye baby loves! See you party next night. Call more friends you and call me too, to we enjoy the night more than today.” Wika nung babae sabay kiss sa pisngi ng kano. Tinago nya sa bra ang pera at biglang napalitan ang mukha ng pagkalasing sa kanya at pomustura na siyang normal sa tabi ng madilim na kalye. Handa na siyang muli na mag alok ng kalan… dian. Minasdan ko ang kano na biglang lumupasay sa kalsada at humilik ng walang malay. Minasdan ko din ang babae. Pansin kong maganda sya, sexy, at makinis ang balat. Iba sa mga nagmumukang bisugo at pusit na nagbebenta ng ligaya. Pero nang tinitigan ko syang muli, napagtanto kong kilala ko sya. Naalala kong nagkita na kami, nagusap, nagkasama kahit sandali. Sya si Angel, yung demonyang nakagirian ko dahil sa simpleng bagay duon sa palengke. Yung nagpadugo sa ilong ko ng galitro dahil sa fluent English speaking manner nya while having an argument with me earlier. “Badtrip, kung kelan ako tinatawag ng kati, sya naman tong last resort ko.”

“Live or die, the choice is yours”.

-Jigsaw

Bentong's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon