Ulan

23 1 0
                                    

Kasabay ng pagpatak ng ulan
Ay ang mga luha kong nag-uunahan
Mula sa mga mata kong namamaga
At patuloy na nagbabadya


Kasabay ng pagbuhos ng Ulan
Ay ang damdamin kong nasasaktan
Hindi dahil sa hindi tayo maaaring magkatuluyan,
Kundi dahil sa paglisan mo ng walang paalam


Kasabay ng pagbuhos ng ulan
Ay ang puso kong sa pag ibig mo'y nauuhaw
Na kahit ilang beses mong saktan
Ay hindi pa at hindi na matatauhan


Kasabay ng pagbugso ng ulan
Ay ang puso kong tinutusok ng paulit-ulit higit pa sa isang daan
Hindi dahil ako'y iyong iniwan kundi dahil ako'y hindi mo ipinaglaban



Kasabay ng pagdaloy ng tubig ulan
Ay ang isip at puso kong nahihimasmasan
Dahil ngayon ko lang nalaman
Na kaya ko pa ring tumayo at lumaban

~~~~~~~~~~~~~~~~
So how was my poem?you are free to leave comments

I dedicate this pala sa kaklase kong RAYNE UNTALAN *lol*

I also dedicate this to Mis UNDENIABLY GORGEOUS. I was inspired by her story at sobrang naiyak talaga ako sa OALS pero hindi masyado sa ILYSINCE1982. Nakakinis kasi yung kaklase kong spoiler huhu...

Btw I am promoting her stories "Our Asymptotic love story" "I love you since 1982" "Sirene" and others

PS:Pakinggan niyo po yung malaya para mas feel niyo

~Mik_Chim

Untold Words By Mik_ChimWhere stories live. Discover now