Kung Tayo

10 1 0
                                    

Ang saya saya nating dalawa,
Habang kamay nati'y magkahawak.
Payapang nagmamahalan,
Sana'y ito'y walang hanggan.

Sa oras na kailangan,
Ika'y laging nariyan.
Sarili mo'y inilaan,
Para ako'y protektahan

Wala nang hihilingin pa,
Basta nariyan ka.
Wala akong pakialam kung lahat ay mawala,
Huwag lang ang iyong presensiya.

Napataas ako ng tingin,
Dahil sa mga luhang tumutulo dulot ng mga pangyayaring alam kong hindi naman mangyayari.
Hindi ko namalayan,
Na ikaw pala'y hindi kayang tiisin.

Malayo pa ba ang lalakbayin,
Upang makamit ang aking mithiin?
Mataas pa ba ang liliparin,
Upang matupad ang layunin?

Ano pa ang gagawin,
Para Ika'y maging akin?
Ilang dagat pa ang sisirin,
Para ika'y matatawag na akin.

Ilang beses ko nang hniling,
Itinaya ko pa lahat n kinain,
KUNG TAYO, sana ako'y masaya,
KUNG TAYO, sinisigurado kong ika'y mas liligaya

Untold Words By Mik_ChimWhere stories live. Discover now