Sa aki'y Nagpapangiti

26 1 0
                                    

Narito ako't umiiyak
Hindi dahil sa galak
Kundi dahil sa sakit
Sakit, na kahit ilang beses ngumiti ay hindi mapipilit

May pait sa mga mata't labi
Na kahit kailan ma'y hindi mapapawi
Na kahit likayan ay pilit bumabalik
Mga alaala kung saan ako'y sabik na sabik


Naghihintay kung kailan ka puwede makausap
Na para bang tayon dalawa lang sa alapaap
Habang nag-uusap tungkol sa mga inpormasyong nakalap
Ngunit bakit ako'y narito at naghahanap?

Sa mga panahong ako'y dapang-dapa
Kamay mo palagi ang unang nakikita
Daliri mo ang unang pumapahid sa mga luha
Ngunit bakit narito ako't pilit dumarama?


Bakit narito ako't pilit binabalik?
Mga pangyayaring walang bahid ng sakit
Kung saan lampas tenga ang ngiti
Kung kailan mas minahal kita higit pa sa sarili?


Kaibigan, Kaibigan kong tunay
Bakit kailangan natin magkahiwalay?
Sa lahat ng pagsubok ko sa buhay
Bakit kailangan mong madamay?

Kaibigan, Kailangan kong palagong kaagapat
Bakit ka namatay?
Sa lahat ng tao bakit ikaw pa?
Napakaraming tao ang puwedeng tamaan ng bala ngunit bakit ikaw pa?


Ngayon narito ako't umiiyak
Hindi dahil sa sakit kundi dahil sa galak
Dahil kahit ikaw ay wala sa tabi
Ikaw lang ang tanging BABAENG SA AKI'Y MAGPAPANGITI

~~~~~~~~~~~~~~

Ano? Ayos ba? Siguro inisip niyo lalaki tinuttukoy ko no? Nope, para sa mga kaibigan po ito

Btw this is dedicated to my BESTFRIEND

@Tipanyalee

Men!!

~Mik_Chim

Untold Words By Mik_ChimWhere stories live. Discover now