Kaibigan lang pala

11 1 0
                                    

Noong una kitang makita
Kakaiba na agad ang aking nadama
At habang ako'y nakatingin sa iyong mata
Hindi ko alam ngunit hindi na ako nakalaya pa

Noong tayo'y nagkakilala
Damdamin ko'y hindi na naikubli pa
Lalo na ng maglapat ang ating kamay
At isang ngiti ang iyong ibinigay

Noong una kong masilayan ang ngiti sa iyong mukha
Pinangako kong hindi na iyan mabubura pa
Ngunit noong makita ko ang kislap sa iyong mga mata
Napagtanto ko na nakatingin ka sa iba

Masakit man isipin
Ngunit kaya kong tiisin
Basta huwag mo lang sabihin
ang mga salitang sa aki'y magpapatigil

Noong iyong sabihin ang salitang 'Patwad'
Tuluyan nang nawasak ang pagmamahal kong yari sa luwad
Na kahit aking pinatatag
Ay palaging natitibag

Noong imulat ko ang aking mata
Isang ngiti mula sa'yo ang aking pinangarap
Isang ngiting nagsasabing 'Mahal din kita'
Ngunit alam kong ito'y malabo na

Noong ipinikit at iminulat ko ang aking mata
Ako'y nakapag-isip na
Aking natanggap na ikaw ay may mahal na iba
At tayong dalawa ay magKAIBIGAN LANG PALA

Untold Words By Mik_ChimWhere stories live. Discover now