Bakit ikaw pa?

18 1 0
                                    

Sa lahat ng tao,
Bakit ikaw pa ang nagpatibok sa aking puso?
Sa puson kong mataga nang natutulog,
Hanggang sa iyong binulabog.

Bakit ikaw pa ang minahal?
Bakit ikaw pa na hindi marunong magmahal?
Sadyang mapaglaro ba talaga ang tadhana,
At dapat ko na ba itong ikabahala?

Bakit ikaw pa na walng maramdaman?
Na para bang walang tao kung Ika'y dumaan.

Hindi ba puwedeng ilihis ang pana ni kupido?
Upang hindi na ako malito?
Hindi ba piwedeng kahit isang araw ay maging masay ako?
Upang makalomutan ang sakit na naidulot mo?

Kailan pa ba ako naging tanga?
Sa pagkakaalala ko, ngayon lang talaga.
Ngayon lang ako nagpakatanga dahil sa'yo,
At mas pipiliin kong maging tanga kung para sa'yo.

Hindi ko alam kung bakit ikaw pa,
Sa lahat ng taong nakilala,
Bakit ikaw pa?
Sa lahat ng aking nakasama,

Bakit ikaw pa?
Ikaw na ba talaga?
Ang taong sa aki'y magpapasaya,
Ang taong magdudulot ng mapait na ngiti sa aking mukha?

Ikaw na ba talaga?
Oo, ikaw na.
Pero pasensiya,
Isip ko pa rin ang magpapasiya.

Untold Words By Mik_ChimWhere stories live. Discover now