Special Chapter

207 3 2
                                    

Napangiti ako sa message niya na bibili na daw siya ng durian at sa Davao pa!

Nagugutom na ako kaya naghanap muna ako ng makakain sa ref.

Kumalam agad ang sikmura ko nang nakita ko ang cheese. Kinain ko yon hanggang sa naubos.

Bryan's POV

Kinaumagahan ay nakabalik na ako galing sa Davao.

Mababaliw na talaga ako sa buntis na yun eh! Kundi ko lang yun mahal eh. Tsk!

Dumiretso agad ako sa bahay at naabutan ko ang asawa ko na natutulog sa sofa.

"Oh iho andito ka na pala..saan ka galing?" Tanong ni mama.

"Binilhan ko po si Ellaine ng durian eh.." paliwanag ko. Nilapag ko muna ang durian na dala ko tsaka lumapit sa asawa ko.

"Tinawagan ako ni Nena kagabi dahil nagwawala daw si Ellaine.." sabi bigla ni mama kaya napabaling ako sakanya.

"Bakit daw po?" Takang tanong ko.

"Naghahanap daw ng cheese." Sabi niya.

"Cheese?"

"Oo, nagwawala kagabi hanggang sa nakarating ako hindi parin tumitigil. Eh, wala naman akong mautusan bumili dahil halos sarado na ang malalapit na tindahan at delikado narin lumabas. Hindi rin ako sinabihan ni Nena kung bakit nagwawala. Edi sana nabilhan ko na noong papunta ako dito." Sabi pa ni mama at napabuntong hininga nalang. Ibinaling ko nalang ang tingin kay Ellaine nung bigla itong gumalaw.

"A-anong nangyayari?" Tanong niya.

"Babe, okay ka na ba?" Tanong ko pabalik.

"T-teka.." inalalayan ko naman siyang umupo.

"Binilhan kita ng durian.. gusto mo bang kumain?" Tanong ko at inilapit sakanya ang durian.

"Ano ba yaaaann!! Ang baho!!" Reklamo niya at akmang maduduwal kaya agad ko itong nilayo sakanya.

"Di ba sabi mo gusto mo ng durian.. sinadya ko pa ito sa Davao.." sabi ko pa.

"Ayoko na niyan! Mabaho! Gusto ko ng cheese!" Naiinis na tugon niya.

At siya pa tong may ganang mainis. Hayst!

"Sige bibili ako anak.." boluntaryo ni mama.

"Ayoko!" Biglang sigaw ni Ellaine.

Ano ba 'tong babaeng 'to! Hindi ko na talaga siya maintindihan! Nanghihingi ng cheese kanina ngayong bibilhan naman siya ayaw niya! Ay ang gulo! Ayoko na!

"Babe, di ba sabi mo, gusto mo ng cheese.. ayan oh, bibilhan ka na ni mama." Paglalambing ko sakanya. Pero di umepekto.

"Babe! Gusto ko ikaw ang bumili!" Baling niya sakin.

"Oh sige, bibili ako pero mamaya na ah.." malambing na tugon ko.

"Gusto ko ngayon na!!" Pagpipilit niya.

"Anak, kakarating lang ng asawa mo oh.. ako na bibili." Sabi ni mama.

"Di ko yan kakainin gusto ko si Bryan  ang bumili at gusto ko ngayon na!" Pilit niya.

"Mamaya na nga eh!" Naiinis na tugon ko.

"Sinisigawan mo ako?!" Sigaw niya.

"Hindi..babe.."

"Sinisigawan mo ako eh! Ayaw mo kasi akong bilhan!!" Sigaw pa niya.

"Oo na! Oo na! Bibili na ako ngayon!" Inis na sabi ko sabay dampot ng susi ng kotse sa mesa tsaka lumingon ulit sakanya, "Siguraduhin mo lang kakainin mo yung cheese ha! Ma, wag niyo yang hayaan na pumunta sa kusina baka makahanap nanaman ng iba at yun naman ang hingin." Sabay tingin ko sakanya ng masama. Pero di ito patalo at tinignan di  ako ng masama.

"Hindi mo ako madadala sa sama ng tingin mo Bryan. Umalis ka na at bilhan mo ako ng cheese. Alis!" Sabi niya sabay taboy sakin.

"Tch!"

"Pagpasensyahan mo na.. ganyan talaga pag buntis.." natatawang tugon ni mama.

Cheese, where na u?




Wrong Sent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon