Epilogue

177 1 1
                                    

"Ellaine anak!" Tawag sakin ni mama.

"Po??" Sagot ko.

"Pumunta ka sa palengke! Bumili ka ng mga gulay!" Sigaw pa niya.

"Ehhh mama namannn!! Andyan naman si ate Nena ehh!" Pagmamaktol ko. Kakatapos ko lang magdrama kanina eh! Eto kasing Bryan na 'to! Aiiishhhh!

"Sige na anak! Minsan lang naman kita utusan bumili sa palengke! Tsaka si Nena naglalaba siya." Sabi pa niya.

"Aiiisssh! Pababa na po!" Inis kong dinampot ang jacket ko at lumabas.

"Oh? 'Di ka na magpapalit?" Tanong niya pagbaba ko.

Anong problema sa suot ko? Pink na T-shirt at pajama na may hello kitty na print. Anddddd gray na jacket.

"Palengke lang naman 'di ba ma?" Nakangusong tanong ko.

"Oo nga palengke lang, sige na nga!! Bilisan mo at kailangan ko ang mga ipapabili ko sayo!" Sabi niya at binigay sakin ang listahan at pera.

"Aiishh.. bakit kasi ako pa ang mamalengke?!" Dabog ko palabas ng gate namin.

"Isa pa tong si Bryan!! Aiishhh wag na wag siyang magchachat o mapapakita sakin ulit dahil sasampalin ko talaga siya left and right and up and down!" Para akong tanga na nagsasalitang mag-isa sa daan.

Pumara ako ng tricycle at dumiretso na sa palengke. Pagdating ko dun, as usual, maraming tao, maingay. Tinignan ko ang listahan ni mama. Hinanap ko ang mga kailangan bilhin. Nakipagsiksikan pa ako dahil sa dami ng mamimili.

Sa huli ng listahan ay isda ang bibilhin ko.

"Miss, miss! Isda ba hanap mo? Dito ka na!!" Nakangiting sabi niya sakin.

Lumapit ako para tignan ang mga isda niya. Hindi masyadong matao dito sa lugar niya kaya hindi ko na kailangan pang makipagsiksikan.

"Ah! Ate eto po!" Turo ko sa isang isda.

"Ah sige po miss.. ilagay niyo lang po dito sa plastik." Sabi niya sabay bigay ng plastik na kulay itim.

Ako pa ang maglalagay? Anong klaseng tindahan to?

"Oh- sige.." pag-angat ko ng isda ay nagulat ako sa nakita ko.

"Ate, sayo ba 'to?" Tanong ko sa tindera ngunit sa halip na sumagot ay nginitian lamang niya ako.

Kinuha ko ang bagay na yon at pinagmasdan pero may biglang kumalabit sakin sa likod.

"Baki--" halos mabitawan ko ang mga pinamili ko sa gulat dahil sa taong nasa harap ko ngayon.

"Miss me?" Nakangiting tanong niya pa.

Dahan dahan kong binaba ang mga pinamili ko. Lumapit ako sakanya tsaka hinaplos ang pisngi niya.

"Bab--" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil sinampal ko siya left and right. Wag na up and down di ko alam paano manampal ng up and down.

"Ow.." daing niya habang hinahaplos ang kaniyang parehong pisngi.

"Bakit mo ginawa yun?" Kunot noong tanong niya.

"Busy pala ah.." nakangusong sambit ko.

"Busy naman talaga ako.. tinapos ko lahat ng trabaho ko para makauwi na ako.." paliwanag niya. Medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko.

"Sorry.." sambit niya.

"Sorry doesn't fi--"

"fix a broken heart" pagpatuloy niya sa sasabihin ko, "kaya nga nandito na ako para mawala na yang broken heart na sinasabi mo eh."

Niyakap ko siya at niyakap naman niya ako pabalik. Tsaka ko lang naalala ang singsing na nasa kamay ko.

Bumaling ako kay ate na nagbebenta ng isda na ngayon ay nakangiting nakatitig samin na parang tanga.

"Uhh ate yung singsing nga pala sa ilalim ng isda.." sabi ko.

" It's yours.." narinig kong sambit ni Bryan.

"Akin? Wala naman akong suot kanina na singsing na ganito na may kung anong bato na mukhang mamahalin." Sabi ko.

"Psh. Ang slow mo!" Inagaw niya sakin ang singsing tsaka lumuhod sa harapan ko.

OMG

"Ellaine Tiffany Saavedra, sa sobrang slow mo nasira lahat ng plano ko! Psh pero ehem kahit slow ka, tatanungin kita, papakasalan mo ako o papakasalan kita?" Nakangiting sabi niya.

"Diba pareho lang yun?" Kunot noong tanong ko.

"Tsh! Slow ano ba yannn! Ibig sabihin nun, wala ka ng magagawa dahil papakasalan talaga kita!" Naiinis na sabi niya.

"Ahh ganun ba yun?" Tatango-tangong sambit ko.

"Oo ganun nga! Eto na nga lang.." umayos siya ng pagkakaluhod, "ehem, Ellaine, will you marry me?"

Shet this is ittttt!

"Yes!" Nakangiting sagot ko! Sinuklian niya ako ng napakatamis niyang ngiti tsaka isinuot sakin ang malansang singsing! Ugh!

Pero ang sayaaaaa!

"I love you!" Sigaw niya dahilan kung bakit napapalingon samin ang lahat. Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya pabalik.

"Hahaha.. I love you too.." nakangiting sagot ko.. mas lalong humigpit ang yakap niya.

"Uwian na, may nanalo na!" Sigaw ng isa sa mga mamimili kaya natawa ako.

"Talagang nanalo ako!!" Sagot naman pabalik ni Bryan tsaka ako hinalikan sa noo, "Tara na.. mamanhikan na ako, andun na sina mommy at daddy sa bahay niyo, naghihintay sa'tin"

"What??!!" Gulat ba tanong ko.

"Yes babe.. let's go" sabi niya sabay hila sakin.

"Teka!"

"Oh.. bakit?" Tanong niya.

"Yung mga pinamili ko.." sabi ko sabay isa isang kinuha ang mga pinamili ko.

"Tsss haha" tinulungan niya akong magbuhat ng mga iyon.

"By the way ang cute ng pajama mo." Sabi niya bigla.

"Alam ko!" Sagot ko na ikinatawa niya, "Sa palengke mo pa talaga plinano mag propose ha?"

"Hmm, para unique." Tatango-tangong sabi niya.

"Whatever" sabi ko sabay ikot ng mata.

Hinawakan niya ang kamay ko tsaka siya bumulong...

"Papakasalan na kita.. I can't wait to change your last name to mine. Mrs. Andrada. It sounds good. Definitely."





End.
















End







bluefireworks_ ayaaaan naaaa😂

Wrong Sent Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon