Hi! So, ito ang unang story ko. Kaya sana suportahan nyo. Wag nyo ring kalimutang mag-vote and comment para ganahan akong mag-update. Thankyouall!
~*~
Halos wala sa sariling nagsayaw si Bianca sa pinakagitna ng dance floor. Walang sawang nagtatatalon at nage-enjoy sa pagsayaw. Nang makaramdam sya ng pagkahilo agad syang nagpunta sa counter ng bar.
"One tequila, please."-agad namang binigay sakanya yung in-order nya. Pagkabigay agad nya itong tinungga. At ilang ulit pa itong nag-order. Hanggang sa biglang may lumapit na lalake sa counter.
Napatingin dun ang dalaga. Halos mahulog ang panga nya ng makita nya yung lalake. Parang nawala ang malakas na tutog sa pandinig ni Bianca at ang tanging nakikita nya na lang ay yung lalake. Sa paningin nya biglang bumagal ang pagkilos ng binata ng mapatingin ito sakanya. Para bang na-love at first sight ang dalaga.
"Miss, are you okay?"-nabalik sya sa ulirat kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso nya ng tanungin sya ng lalake. Napansin siguro ng lalake na kanina pa nakatitig ang dalaga sakanya.
Magsasalita na sana sya ng biglang magring ang phone ng lalake at agad din nitong sinagot. Hindi naririnig ni Bianca ang usapan nung lalake dun sa cellphone dahil nagko-concentrate sya sa pagtitig dun sa lalake.
Hindi nya alam kung bakit ganun na lamang ang naramdaman nya. Wala pang nakakagawa niisa sakanya ng ganun.
Bakit ganun na lang nya nakuha ang puso?
Tanong nya sa kanyang sarili. Na-disappoint naman sya ng makitang paalis na ito.
Hindi,hindi ako papayag na aalis na lang sya bigla. Matapos nyang kunin ang puso ko iiwanan nya na ako! Hindi ako papayag! Kailangan kong makuha yun!
Agad nyang sinundan yung lalake. Kahit pagewang-gewang na itong maglakad, wala syang pakeelam. Wala rin syang pakeilam kung hindi nya pa ito kilala. Ang nasa isip lang nya ay mabawi ang kinuha nung lalake——ang kanyang puso——na kahit isa walang pang nakakabingwit nito.
"Hoy lalake!"-tawag ni Bianca dun sa lalake habang naglalakad papuntang parking lot. Napahinto naman ito sa paglalakad.
"What?"-naiiritang saad ng lalake ng mapaharap ito sakanya. Mababakas din ang pagkainis nito sa tono ng pananalita nya.
"Ibalik mo na saakin yung kinuha mo!"-pupungay-pungay na ang mga mata nito habang nagsasalita at itinuro pa ang lalaki. Humakbang si Bianca papalapit dun sa lalaki. Nagtataka namang nakatingin sakanya ang lalake.
"What are you talking about? Wala akong kinuha sayo."-kunot-noo na saad ng lalaki. Nasa isip nya ay nababaliw na ata si Bianca o dahil lang sa nainom na alak?
"Meron! Yung puso ko!"-itinuro nya pa ang tapat ng puso nya. Hindi naman makapaniwalang nakatingin sakanya yung lalake.
"You know what miss, lasing ka lang. Kung gusto mo ihahatid na lang kita sainyo."-saad ng lalaki kay Bianca na nakatingin lang sakanya.
"You stole my heart."-saad ni Bianca at bigla na lamang ito nahimatay dahil sa kalasingan. Buti't agad syang nasalo ng lalake. Hindi naman napigilang mapangiti ng lalake.
Hindi pa rin sya nagbabago. Baliw pa rin sya.
End of Prologue
Ano? Nagustuhan nyo po ba? I-comment na yan at i-vote na rin. Thankyou! Mwah!
YOU ARE READING
You Stole My Heart [On-going]
Teen FictionYou didn't notice that... . . . . . . . . . . . . . You stole my heart ============== Hi guys! This is my first story in wattpad. Please support this. Thankyouall! Date Started: 1/4/18 Date Finished:__________